KABANATA #5: Blind Date

9.4K 203 4
                                    

Avery woke up early today. Siguro dahil mahaba haba din ang pahinga nya. Kahit maagang magising, hindi na sya nag abalang nagluto ng almusal. She's pretty sure na masasayang lang ulit ito kagaya ng araw araw nyang hinahanda. She fixed herself and get ready to go to school. Nang lumabas sya ay nakita nya pa ang sasakyan ni Denver na nakaparada. Tinignan nya ito at naisip agad ang asawa.

Isang buntong hininga ang pinawalan nya bago tuluyang umalis. Naisip nya na pagpahingahin muna ang sarili. She needs a break from pain, from tears, fr tiredness, from everything that made her sad. Ibibigay nya muna ang araw na ito para sa sarili nya. Sya naman muna, bago ang iba. Hindi naman siguro masama na asikasuhin nya rin ang kanyang sarili. Self care is a must.

'I need a break but it doesn't mean I'm giving up. I wasn't born and raised as a strong woman for nothing.'

Pagdating nya sa paaralan ay dumeretso na agad sya sa classroom nila. Pagkapasok na pagkapasok nya pa lang ay isang nakakabinging tili na ang sumalubong sa kanya. It was Yumi.

"Avery!!"

"Ang sakit mo sa tenga Yumi." pabirong pagsaway nya dito.

Yumi pouted and looked at her with suspicious eyes.  Avery already knew what she's going to ask. Nakapag isip na din sya ng isang cover up lie para sa nangyari kahapon.

"Ano bang nangyari sayo kahapon? Bat di ka na bumalik sa klase."

"Sumama ang pakiramdam ko eh. Kaya di na ako nakabalik. I need to rest."

'What a lie!'

"Goodness. Dapat nag pasabi ka naman. Mag tetext ka lang naman sa akin. You know, I'm one call away."

"Sorry. Masama lang talaga pakiramdam ko kahapon. Hindi ko na naisip mag paalam.Don't worry. I'm okay na." pagpapaliwanag nya. Ngumiti pa sya para mas kapani-paniwala.

"Okay. But you have to make it up to me. Sasama ka sa akin later. And that's an order."

"Saan naman?"

"Blind date."

"No."

She automatically declined Yumi. Hindi pwede. Hindi maari. She's married and she also don't want to go. Yumi's face is saying "Seriously girl?" Hindi nya ito masisisi kung ganoon ang naging reaksyon nito. After all, hindi pa alam ni Yumi na kasal na si Avery.

"Why? Wala namang magseselos. Wala ka namang boyfriend except kung ..." pabitin na sambit nito. Naningkit din ang mga mata ng kaibigan habang tinitignan si Avery na parang may hindi ito sinasabi sa kanya.

"Stop it Yumi. It's a no. I have better things to do."

Tinaasan lang sya nito ng kilay at tinignan ng maigi. She's examining her friend's face. Inaalam nya kung may tinatago ba ito sa kanya o wala.

"Don't give me that look Yumi. No. It's a no. And that's final." she firmly said.

Linapit nito ng bahagya ang mukha kay Avery. She's sure na may tinatago ang kaibigan sa kanya. And she has to know what it is.

"Tell me Ave. May itinatago ka ba sa akin? Meron ka na bang boyfriend pero di mo sinasabi sa akin?" direktang tanong ni Yumi.

Avery was taken a back by her question. She remembered their secret. Isang sekretong wala muna dapat makaalam.

"Wa-wala. A-ano ka ba Yumi! I don't have any time for that." nauutal na sagot nya dito.

"Bakit ka nauutal? Nagsisinungaling ka no? Tell me, sino?" pangongompronta nya pa rin sa kaibigan.

Yumi knew Avery well. Alam nyang may tinatago ang kaibigan at ayaw nitong sabihin sa kanya kung ano ito.

"Wala nga. Wala. I swear."

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon