#15: Collapse

9.6K 181 14
                                    

DENVER

It's been two days since malaman ang aming sekreto. May iilan pa ring nagtatanong na estudyante and even teachers kung bakit tinago namin ang marriage namin at ang tanging sinasagot ko lamang ay we want to keep it private.

Two days ko na ding hindi nakakusap si Avery. I'm so guilty. Ako ang rason kung bakit nabulgar ang about sa marriage namin. Nahihiya ako sa kanya. Everytime na susubukan kong kausapin sya, tinatakasan ako ng lakas ng loob, tinatakasan ako ng mga salita. Hindi ko pa rin sya maharap ng maayos.

"Dude? Galit ka pa ba sakin?"

Isa pa to si Ryle eh. Ang daldal. Pero hindi ko din naman sya masisi. Sa akin din naman nanggaling yung information.

"No. Hindi na. I'm also in fault sa mga nangyare."

"Ah. Pero bakit di mo ako pinapansin. Kanina pa kitang tinatawag."

"Sorry. I'm lost in my thoughts. Bakit? May kailangan ka ba?"

"Ah. Wala naman."

Nanahimik na ulit si Ryle. I know he is very guilty sa nangyari. Iniisip nya na sya ang may kasalanan ng lahat kahit sinabi ko ng ayos na iyon.

Tinuloy ko na lang ang pag iisip kung paano ko haharapin si Avery. I hope she's not mad at me. I already caused her a lot of pain. Kailangan kong bumawi.

AVERY

Two days had passed at hindi pa rin ako kinakausap ni Denver. Is he still angry dahil sa nangyari? Hindi ko din alam kung paano sya haharapin.

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Yumi patungo sa library. Isasauli lang namin ang librong hiniram namin. While on the way, nakasalubong namin si Tanya.

"Excuse me. Di ba ikaw si Avery Sanford?"

"Yes. Bakit?"

"Can I have a word with you?"

Ano kaya ang gusto nitong pag usapan?

"Sorry ha. Busy kami. Di mo ba nakita na may gagawin pa kami?"

Mataray na sabi ni Yumi. Mas triggered sya kesa sa akin. After nya kasing malaman na kasal na kami ni Denver, todo ang tanong nya kung bakit hinahayaang makipag date si Denver kay Tanya. Sinasabi ko na lang na trabaho lang ang dahilan kung bakit sila nagkikita ni Tanya. Pero hindi pa rin sya nahihimasmasan. Nag sorry din sya sa mga times na sinabi nya ng harap harapan sa akin na bagay si Tanya at Denver.

"Am I talking to you?"

"Aba't  ang malanding to."

Pinigilan ko na si Yumi at baka magkagulo  pa dito.

"Ayos lang Yumi. Ako na ang bahala. Kaya ko to."

"Pero Ave."

"Trust me. Okay. Favor na din, paki sauli na din ito sa library. Pakikuha na rin ng library card ko. Salamat."

"Fine. Basta pag kailangan mo ng resbak, andito lang ako. You got me, okay."

"Okay. Salamat."

Umalis na si Yumi at naiwan kami ni Tanya.

"Ano ba ang gusto mong pag usapan?"

"Let's not talk here. Makaka attract lang tayo ng mga chismosa. Follow me."

Sumunod naman ako sa kanya. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa may rooftop ng building namin.

"I'm going to be direct to the point. Hiwalayan mo na si Denver."

"A-ano?"

"I said hiwalayan mo na si Denver. Is it hard to understand? Akala ko pa naman matalino ka."

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon