#13: Monthsary

9.1K 182 3
                                    

DENVER

Tapos na ang klase namin. Paglabas ko ay agad na sumalubong sa akin si Tanya.

"Hi Denver. Hatid mo naman ako pauwi. Wala kasi yung driver namin."

"Mag taxi ka na lang muna Tanya. I have somewhere to go."

"Ayoko. Please Denver. And besides, my mom wants to meet you para mapasalamatan ka sa paghatid mo sakin nung ball."

Nagawi ang tingin ko sa isang babaeng nakatingin samin mula sa baba. Avery. Agad nyang binawi ang tingin nya nang tiningnan ko sya at naglakad.

San sya pupunta?

Parang may sariling buhay ang mga paa ko na kumilos para sundan sya.

"DENVER!!!"

Narinig ko ang pagtawag ni Tanya pero wala akong pakialam. Hindi ako tumigil sa paglalakad, kahit lingunin sya ay hindi ko ginawa. Dali dali ko syang hinabol at nakitang papunta sa may mini forest ng school.

Umupo sya sa may ilalim ng puno. Lalapitan ko na sana sya ng may nagtakip ng mata nya. Sya yung lalaking nakakasama nya. Biglang kumulo ang dugo ko kaya umalis agad ako doon.

Nag drive na ako pabalik ng bahay pero hindi ko alam kung bakit sinasabi ng utak ko na bumalik ako sa eskwelahan. Iniliko ko ang kotse at bumalik sa eskwelahan. Naghintay ako sa labas ng gate ng mga ilang minuto hanggang sa nakita kong lumabas na silang dalawa.

Bakit magkasama pa rin sila?

I'm pissed off seeing them together. Naiinis ako kapag nakikita ko siyang masaya sa kanya.

"I can give you a ride."

"Wag na Seb. Salamat."

"No. I insist."

Aba't ang kulit din ng lalaking to. Sinabihan na ngang wag na. Nakakainis talaga.

"Hindi mo ba sya narinig? Sabi nya wag na."

Mukhang nagulat silang dalawa sa akin.  Hinawakan ko si Avery sa braso at hinarap ang lalaki.

"You can now go dude. I'll take care of her."

Nakipagtitigan muna sa akin ang lalaki at muling nagsalita.

"Sige. Mauna na ako sainyo Avery. Kita na lang tayo bukas."

Tss. Kala ko magpupumilit ka pa. Umalis ma ang lalaki at naiwan na lamang kaming dalawa ni Ave.

"Masakit Denver."

Daing ni Avery. Hindi ko namalayang mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kanya. Agad ko naman syang binitiwan at pumunta sa kotse.

"Get in."

Sumakay na sya sa kotse at mag drive na ako. Sa sobrang inis ko ay napabilis ng konti ang pagmamaneho ko.

"Pwede bang bagalan mo lang Denver?"

Sabi ni Avery pero mas lalo ko itong binilisan. I'm pissed off. Really pissed off. Minutes passed, nakarating na kami sa bahay. Padabog kong sinara ang pinto at dumeretso sa kwarto ko.

--------

I woke up late. Nag ayos na ako ng sarili para pumasok sa eskwelahan. Bumaba na ako sa kusina at may nakita na akong almusal. Napangiti na lang ako dahil dito. Gusto ko sanang katukin si Avery sa kwarto nya kaso mukhang nauna na sya sa school.

While eating, my phone rings.

Sino naman kayang tatawag ng ganitong oras?

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon