KABANATA #4: New Friend

9.4K 195 5
                                    

Nagising si Denver na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Naparami talaga ang inom nya kagabi. He was about to stand nang mapansin nya ang mga bandaid sa kanyang braso at sa kanyang tuhod. Iba na rin ang suot nyang damit. Nagkibit balikat na lang sya dahil sigurado naman na si Avery ang nag asikaso sa kanya kagabi. Tumayo na sya pero agad din namang napaupo sa gilid ng kama. Hilong hilo pa rin sya at masakit ang ulo.

"Fuck this hangover!" he cussed.

Parang sasabog sa sakit ang ulo nya. Sinubukan nya ulit tumayo pero ganon pa din ang nangyari. Hindi nya na muna pinilit ang sarili at nagpahinga ng ilang sandali. May napansin din syang isang bowl sa may bed side table. May note din ditong nakadikit. Kinuha nya ito at binasa.

Denver,

Kainin mo ang soup na to. Pampa alis ng hangover mo. May Advil din sa tabi nito. Inumin mo pagkatapos mong kumain.

-Avery

'Ang babaeng to. She'll do everything for me. Too bad. It's just a waste of time and effort.' he said to himself.

Kinuha nya na lang ang Advil na katabi nito at ininom. Hinintay nyang tumalab ang gamot bago inayos ang sarili. Papasok pa rin sya sa eskwelahan kahit ganoon ang kalagayan nya. Dumating sya sa paaralan. Mabuti na lang at nabawasan na ang pagkahilo nya kaya nakapag drive sya ng hindi naaaksidente. Pagdating nya sa paaralan ay  nagkasalubong sila ni Ryle, isa sa mga kaibigan nya at kainuman nya kagabi.

"What's up dude! Kumusta ang ulo mo? Masakit pa ba?" natatawang tanong ni Ryle.

"Damn it Ryle. Itatanong mo talaga sakin yan? Ano ba sa tingin mo?" inis na tugon nya dito.

"Grabe ka naman kasi kung uminom. Parang wala ng bukas."

"Fuck you!" singhal nya dito.

Tumawa lang ang kaibigan ng malakas. He just tsked. Ano pa nga bang aasahan nya sa kaibigan nyang ito, baliw ito at masyadong maloko.

"By the way dude. May nalaman ako kagabi. Something fishy between you and your childhood friend, Avery."

Nangunot ang noo nya sa sinabi ng kaibigan. He doesn't know pero kinutuban sya sa sinabi ni Ryle at sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Looks like, may nalaman syang hindi nya dapat malaman.

"Is it true? You and Avery are uhm already married already?"

Now he's doomed! Tama nga sya. Ryle knows something and that's his marriage with Avery. But, how did he know? How did he know about their marriage?

"Damn it Ryle. Shut the fuck up." he hissed.

Mahina pero may diin ang pagkasabi nya. Luminga-linga sya sa paligid, sinisiguradong walang makakarinig sa kanila. Fortunately, konti na lang ang tao sa paligid at malalayo ito sa kinaroroonan nilang dalawa.

"Okay. But is it true? You're already married?"

He nodded as a respond. There's no use of lying. He's already busted. Besides, kaibigan nya din naman ito. Walang masama kung malalaman nito ang totoo. Sana lang ay ito lang ang nakakaalam.

"Fuck dude. Bakit di mo sinabi sa amin na kasal ka na?" medyo gulat na tanong ni Ryle.

"Damn it Ryle, I said tone down your voice. Someone might overheard our conversation."

"Sorry. " pagpapaumanhin ng kaibigan.

"Sino pang nakakaalam bukod sayo?"

"Luckily, wala. Wala ng iba. Ako lang, I guess?"

"I guess? So you weren't sure? Damn it!"

Denver suddenly got frustrated. Hindi nila alam kung si Ryle nga lang ba talaga ang nakakaalam ng katotohanan.

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon