KABANATA #12: His Confession

9.2K 192 4
                                    

Saturday and Sunday passed so quickly. Wala namang masyadong ginawa si Avery sa kanilang bahay since mag isa lang sya the whole weekend. Denver is busy with his commitments kaya naiwang mag isa ang dalaga.

Ngayon ay nakatambay siya sa cafeteria kasama ang mga kaibigang sina Yumi, Trevor at Seb. They got pretty close though they just met not too long ago. Ang gaan lang nila kasama. Walang ibang ginawa si Yumi at Avery kung hindi ang tumawa sa mga banat ni Trevor. He got some humor.

"Anong plan after school?" tanong ni Yumi.

"Uuwi at matutulog." sagot naman ni Avery. Yun naman talaga kasi ang gagawin nya.

"Ang boring mo talaga Ave. Kaya ayaw sayo ng boys eh." pabirong sabi my kaibigan.

"Kesa naman sayong masyadong party goer. I prefer to study kesa gumimik. Kaya yung mga grades mo alanganin eh." bwelta naman ni Avery.

"Oh.. shut up with the grades Ave. Na i-stress na ako jan."

Tumawa na lang si Avery sa reaksyon ng kaibigan. She really hates talking about grades. Actually, matalino naman talaga si Yumi. Nauunahan lang ng kapilyahan kaya medyo napapabayaan ang mga grades.

"How about mag bar tayo mamaya? Para naman mag break free sa stress?" usal naman ni Trevor.

"I'm in!" masiglang sigaw ni Yumi.

"I'm out. Monday pa lang ngayon remember. We still have class tomorrow."

"Kj mo talaga Ave. So, ano Trevor, bar tayo mamaya?"

"Why not. Ikaw dude, sasama ka." tanong ni Trevor kay Seb.

Hindi umimik ang binata. Parang wala itong narinig at nakatulala lang. Kanina pa sya napapansin ni Avery na parang balisa, na parang ang lalim ng iniisip.

"Dude!" pagpukaw sa kanya ni Trevor.

"H-ha?"

"I said kung gusto mong sumama. Mag ba-bar kami mamaya ni Yumi."

"Ah. Mukhang pass muna. I have something to do." pagtanggi ni Seb sa alok ng binata.

"Well. Mukhang tayo lang dalawa mamaya Yumi."

"Whatever. Basta mamaya mag pa-party party tayo!"

Napailing na lang si Avery dahil sa kaibigan. Maswerte sya at nasa New Zealand ang parents nya kaya malaya syang nagagawa ang gusto nya. Muling binaling ni Avery ang atensyon nya kay Seb. Now she's sure that something is bothering him. Kung ano ito, yung ang hindi nya alam.

"Seb. Are you okay?" nag aalalang tanong ni Avery.

"Ah. Yeah." pilit na ngiting sagot ni Seb.

"Kanina ko pa napapansin na ang lalim ng iniisip mo."

"I'm okay. Just some thoughts."

"Are you sure you're okay? You can tell me, us."

"I'm okay. Don't worry."

"Sige. Basta sabihin mo lang kung may gumugulo sayo."

"Yeah. Thanks."

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang break time. Naglakad na sila pabalik sa kani-kanilang mga building. Nauna ng maglakad sina Yumi at Trevor habang nakasunod naman sina Avery at Seb. Nang malapit na sila sa building nila Avery ay  biglang nagsalita si Seb.

"Ah. Avery. Pwede ba tayong mag usap?"

"Ah. Sure. Kaso time na. Maybe later na lunch time."

"Mamayang uwian na lang. I'll wait for you dun sa may mini forest ng school kung san tayo unang nagkita."

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon