KABANATA #11: Last Dance

9K 176 9
                                    

Nakaharap ngayon si Avery sa salamin habang tinitignan ang kanyang sarili. She's  wearing the black dress na galing sa Boutique ng tita ni Yumi. She's a little bit awkward kasi backless ang dress and she's not used to it. She's not really fond of wearing dresses and high heels. Mas prefer nya ang jeans and rubber shoes. Pero ngayong gabi, she needs to deal with the high heels and the dress. Naglagay din sya ng konting make up and she's good to go.

Bumaba na sya sa sala at nakita ang date nya ngayong gabi. He's wearing a black tuxedo that fits him really well. Nakaayos din ang buhok nito na mas nagpalutang ng kanyang kagwapuhan.

"Are you ready?" tanong ng binata.

"O-oo." nauutal na sagot ni Avery. Para syang tumakbo ng ilang milyang layo sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.

Inilahad ni Denver ang kanyang palad na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ni Avery. 

"Let's go?" muling tanong nito.

Kahit nahihiya ay tinanggap ni Avery ang palad ng kanyang asawa. The touch of his palm really feels warm. Kahit nanlalamig ang kamay ng dalaga ay ramdam nya pa rin ang init nito. Inalalayan ni Denver si Avery hanggang sa makapasok ito sa kotse. Tahimik lang ang kanilang byahe pero at some point, Avery can feel his warm presence.

Nakarating ang dalawa sa Marison Hotel na pagdarausan ng ball. Pagkapasok na pagkapasok nila sa hall ay sumalubong sa kanila ang napaka engrandeng selebrasyon. The students were very handsome and elegant in their suits and dresses.

Umupo ang dalawang bagong dating sa upuan ng mga kaibigan ni Denver. Hindi rin nila namalayan na magkahawak pa rin sila ng kamay.

"Dude. Hindi yan aalis si Avery. You can let go of her hand." panunukso ni Ryle sa dalawa.

Denver let go of her hand. Avery's cheeks are burning. Tinutukso pa rin sila ng mga kaibigan ng binata. Nakita ni Avery si Yumi na kumakaway sa kanya.

"Denver, pupunta muna ako kay Yumi." pagpapaalam ng dalaga sa binata.

Tumango si Denver bilang sagot. Agad naman syang pumunta sa mga kaibigan at nakipagkwentuhan.

"Ave. You're so beautiful, oops. No. Beautiful is not enough. You're so gorgeous tonight." papuri sa kanya ni Yumi.

"Bolera." natatawang sagot sa kaibigan.

"Totoo naman. Di ba Sebastian?"

"Yeah. You're so gorgeous tonight."

"Salamat. Kayo din naman. Both of you look stunning in your dress and suit." papuring balik nya dito.

"I know right."

"Teka. Bakit magkasama kayong dalawa? Don't tell me ..." panunukso ni Avery kay Yumi at Seb.

"No. He's not my date. I'm with Trevor . Actually, Seb is alone kasi hindi daw pumayag yung inaya nyang maging date." sagot ni Yumi.

She felt guilty for Seb. Wala tuloy itong kasama ngayon. Pero bakit hindi na lang naghanap ng iba? Yun ang tanong ngayon sa isipan ni Avery.

"Sorry Seb."

"Hala. Bat ka nag so-sorry Ave. Wala naman akong pinangalanan ha." biglang usal ni Yumi.

Tinignan nya si Yumi. Ang loka loka naman ay nagkibit balikat lang. Natawa na lang si Seb at Avery sa inasal ng kaibigan.

"No worries. Ayos lang yun."

"Eh bakit di ka nag aya ng iba after you got rejected ng isa jan?" sabad ulit ni Yumi.

"Kasi isa lang gusto kong maka partner." sagot ni Seb. He was looking straight at Avery which made the maiden a bit awkward.

"Good evening students. Welcome to St. Benedict's 15th year Grand Foundation Ball." panimula ng emcee.

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon