#14: The Truth

9K 161 3
                                    

AVERY

Nauna na ako umalis kay Denver. I don't know how to face him after what happened last night. Bakit ganito yung nararamdaman ko? I feel na nagnakaw ako ng isang bagay na hindi naman para sa akin. Kahit ako yung asawa, I don't feel na para sa akin ang halik na pinagsaluhan namin kagabi, hindi para sa akin ang mga katagang iyon.

Naglalakad ako ngayon sa corridor papunta sa classroom namin ng salubungin ako ni Yumi.

"Oh my God girl! Is it true?"

Napakunot ang noo ko sa tinatanong nya. I don't know what she's talking about.

"Hindi ko alam ang tinatanong mo. Ano ba yun?"

"Are you married?!"

Lumakas ang tibok ng puso ko after hearing her question. Paano nya nalaman? Sinong nagsabi?

"Pa-paano mo nalaman Yumi?"

"So totoo nga?"

"Sinong nagsabi?"

"Sabihin mo muna kung totoo."

Isa lang ang nasa isip ko. Pero hindi nya kayang gawin yun. He promised me na hindi nya ipagkakalat. Iniwan ko na muna si Yumi at patakbong pumunta sa building nila. Hindi ko na nilingon si Yumi kahit tinatawag nya ang pangalan ko.

Bakit? Kailangan kong malaman kung sya nga at bakit nya ito ginawa? While on the way, pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Pero wala akong pakialam. Kailangan ko muna syang makausap. Nang malapit na ako sa building nila ay nakita ko na sya at patakbo na akong lumapit sa kanya.

"Is it you Seb?"

"No. Trust me Ave. Hindi ako Ang nagkalat. Pupuntahan din sana kita para mag explain."

"Sino? Paano nila nalaman?"

"Hindi ko din alam. Pero, kalat na sa buong campus. Most of the students knew about your marriage."

"Pano na?"

Hindi ako nag aalala para sa sarili ko. I'm worried for Denver. Ano ang magiging reaksyon nya kapag nalaman na ng lahat ang sekreto namin. Baka mas lalo syang magalit sa akin. Baka hindi nya na ako pansinin pang muli. Anong gagawin ko?

"Halika na. Ihahatid na kita sa building nyo."

"Wag na. I have to go somewhere."

"Are you sure?"

"Yeah. Bumalik ka na."

Naglakad na ako papunta sa building nila Denver. Kailangan ko syang makausap. I have to see him.
Nang malapit na ako sa building nila, nakita ko na si Denver.

"Denver!"

Tumingin sya sa akin and I can see anger in his eyes. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Sa mga tingin nya, mukhang alam nya na ang masamang balita. Lalapit na sana ako ng patakbo na syang umakyat sa building nila. Tapos na. His face says it all.

DENVER

I woke up feeling so dizzy. Naparami ako ng inom kagabi. Hindi na muna ako papasok ngayon. Ipinikit ko na muli ang mata ko ng mag ring ang cellphone ko.

Ryle calling.....

Ang ungas na to. Ano na naman kaya ang kailangan nito? Bahala ka dyan sa buhay mo. Hindi ko na sinagot ang tawag nya. Istorbo sa pagpapahinga ko. Tumunog ulit ang cellphone ko pero wala talaga akong balak sagutin.

Nakailang ring na rin ang cellphone ko ng napagdesisyonan kong sagutin na din.

"What Ryle?! Masyado kang istorbo!"

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon