KABANATA #2: Great Pretender

11.2K 188 8
                                    

It is Saturday. Maagang nagising si Avery kaya pinalipas nya ang oras sa pagluluto ng kanilang agahan. Lumipas ang mga oras at medyo tanghali na pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto nya si Denver. Hindi nya alam kung tulog pa ba ito o gising na. Natatakot naman si Avery na katukin ang asawa dahil baka magalit ito sa kanya. Ayaw pa naman nito ang naiistorbo.

Hinanda nya na lang ang breakfast nito sa mesa and she started to clean the house. Their house is not that big as their parents' house kaya hindi mahirap linisin. Ayaw din ni Denver na kumuha ng katulong kahit nag offer na si Avelyn, ang mama ni Avery na sila na ang mag po-provide ng maid. He said kaya na nilang mag asawa and they want to be independent sa mga gawaing bahay. Hindi naman lahat pwedeng iasa sa mga maid. Kailangan din nilang matuto at tumayo sa sarili nilang mga paa.

Avery was in the middle of cleaning when she heard the doorbell rang. Nagtaka sya kung sino ito dahil wala naman silang inaasahang bisita. Besides, wala pa naman masyadong nakakaalam kung saan sila nakatira bukod sa parents nila. Hindi naman ito nagsabi na dadalaw sila. Sinilip nya kung sino ang mga bisita. Nagulat sya nang malaman kung sino ang mga ito. It was Denver's parents. Agad syang umakyat sa taas at kinatok ang pinto ng kwarto ni Denver.

"Denver. Mom and Dad is here." she said. Hindi nya alam kung bakit parang natataranta sya.

Pagkasabi nya noon ay mabilis syang lumabas ng bahay para pagbuksan at salubungin ang mga magulang. Nagbeso-beso muna sila at nagbatian.

"Good morning Mom, Dad. What brought you here po?" tanong ni Avery.

"Bakit? Masama na bang dalawin ang mga anak namin?" nakangiti namang sagot ni Carolina, mama ni Denver.

"Ah. Hindi naman po. Hindi ho kasi kayo tumawag. Hindi po tuloy kami nakapaghanda."

"Don't worry iha. Hindi naman kami magtatagal. Makulit lang talaga ang mommy mo. Gusto daw kayong dalawin." usal naman ni Faustine, ang ama ni Denver.

"Where's Denver?" tanong ng ina.

"Ah. Nasa loob po ng bahay Mom. Sa loob na po tayo."

Pumasok sila sa loob ng bahay. Nandoon na din si Denver na naghihintay sa kanila sa sala. Sinalubong nya din ang mga magulang ng yakap at halik at tumabi kay Avery.

"Mom. Dad. What brought you here?" masiglang tanong ni Denver sa mga magulang.

"Pareho kayong tanong na mag asawa. Ayaw nyo ata na nandito kami." pagbibiro ng ina nito na ikinatawa lang nila.

"No mom. I'm just surprised by your sudden visit. Wala naman kasi kaying pasabi. Oh by the way." tumigil sa pagsasalita si Denver at tumingin sa asawa.

Biglang hinila ni Denver si Avery papalapit sa kanya. Nagulat ang babae sa ginawa ng asawa kaya hindi sya naka react kaagad. Natuod sya sa kinatatayuan at nakatingin lang sa mukha ni Denver. Naramdaman nya din ang mga paru-parong nagliliparan sa kanyang tyan. Sobrang nakakakiliti ito. Ang pagdampi ng kanyang balat sa balat ni Denver ay nagdulot sa kanya ng isang sensasyong hindi nya maipaliwanag. It was really good for unexplainable reason.

"Nagluto pala si Ave ng breakfast. Mind to join us?" dugtong ni Denver sa sinasabi nito kanina.

"Oh sure. I love to. I also want to taste Avery's cooking." excited na sambit ng Ginang.

"Halika na po. Mom Dad." pagaaya ni Denver sa magulang patungo sa hapag.

Denver holds Avery's hand as they walk towards the dining area and it feels very new and strange to her. Hindi sya sanay sa hawak nito pero magaan ito sa pakiramdam. Ang malambot na kamay ng lalaki ay napakasarap sa pakiramdam nya. Tila sya ay nasa alapaap. It feels so good to be true. Napangiti na lang sya at ninamnam ang sandaling magkahawak ang kanilang mga kamay. Minsan lang ito mangyari kaya susulitin nya na ito.

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon