𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 (𝐄𝐍𝐃):

7.5K 165 35
                                    

Dalawang buwan na ang lumipas. Dalawang buwan na ring nagpaplano ng kasal nila sina Avery at Denver. They were really happy na ikakasal ulit sila ang this time, hindi na ito dahil arrange marriage, dahil ito ay ginusto na nilang dalawa.

Ngayong araw din ang nakatakdang araw para magsukat ng gown si Avery. Nagmamaneho si Denver papuntang Boutique na pag mamay-ari ng Tita ni Yumi. Masayang masaya din si Yumi ng ibalita ni Avery ang tungkol sa kanila ni Denver. Sinabi din nitong uuwi sya sa Pilipinas para sa kasal nito. Nasa Paris kasi ngayon si Yumi at nagpu-pursue para sa fashion industry.

Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa boutique. Andaming magagandang gown pero isa lang ang natipuhan ni Avery. Ang gown na may pagkakahawig sa gown na ginamit nya sa nauna nyang kasal. Isinulat nya ito ang it fits her well.

Nagaantay naman si Denver na makita ang mapapangasawa. Ilang sandali lang ay bumukas na ang kurtinang nagkukubli kay Avery. Hindi makagalaw si Denver sa kinatatayuan after seeing Avery in beautiful white wedding gown. She was really stunningly beautiful.

"You're so beautiful Avery. You really are."

"Bolero. Ewan ko sayo. Sige na. I'm going to change. Heto na ang kukunin ko."

Gagalaw na sana si Avery nang biglang bumukas ang pinto ng boutique at pumasok ang mga naka bonet na lalaki.

"Sino kayo?!" tanong ni Denver.

Imbes na sagutin sya ng mga ito ay tinutukan sya nito ng baril. Hindi makagalaw sa kaba si Denver. Natatakot sya hindi para sa buhay nya, kung hindi para sa buhay ng mahal nya.

"H'wag! H'wag nyo syang saktan!" nagmamakaawang sigaw ni Avery.

She's trembling in fear while looking at the gun pointing at Denver. Lumapit ang ilang kalalakihan sa kanya at hinawakan sya sa magkabilang braso. Ang iba naman ay pumunta kay Denver at pinagsusuntok ito.

"Wag! Pakiusap tama na! H'wag nyo syang saktan. Ano bang kailangan nyo sa amin?"

Umiiyak na si Avery habang tinitignan na nakahandusay sa sahig si Denver. Ilang sandali lang ay may pumasok na lalaki sa boutique. Nanlumo si Avery sa nakita. It was Seb. May bitbit itong baril at nakangisi sa kanya.

"Seb?"

"Hi Ave."

"P-pero bakit? Bakit Seb? Akala ko ayos lang sayo? Na naiintindihan mo?"

"Akala ko din Ave eh. Pero mali ako. Akala ko ayos lang na mapunta ka sa hayop na to. Pero hindi. I realized na hindi kita kayang mawala. Kayo na ni Amara ang buhay ko and I can't afford to lose you. I don't wanna lose you."

"Hindi kita mahal Seb! Alam mo yun!"

"Alam ko Ave. Yun nga ang mas masakit. Sa sampung taong magkasama tayo sa US, hindi mo man lang ako nagawang mahalin. Hindi mo man lang ako natutunang mahalin. Kaya pasensyahan na lang Ave. Kung hindi kita makuha sa santong dasalan, dadaanin kita sa santong paspasan. Sige! Itayo nyo yan!" utos nito sa mga tauhan nya.

Itinayo nito si Denver. Nakita nya kung paanong bugbog na mag mukha ng taong mahal. Puno na ito ng dugo. Sinuntok ito ng malakas ni Seb at muling bumagsak sa sahig.

"Dalhin nyo na yan! Ipasok nyo sa trunk."

Sinunod ng mag tauhan ang utos ni Seb.

"Seb! Please. Wag mo syang sasaktan! Wag mong sasaktan si Denver. Pakiusap. Nag mamakaawa ako sayo."

Iyak na ng iyak si Avery at hindi na alam ang gagawin.

"Isa lang naman ang gusto ko, marry me Avery."

"Seb. I can't."

"Marry me or I will kill him. Choose Avery."

Natahimik si Avery. Patuloy pa rin sya sa pag iyak at nangangamba sa kung anong pwedeng mangyari kay Denver.

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon