#16: Unsaid

9.8K 183 4
                                    

DENVER

Pinapanood ko lang sya habang naglalakad sya palayo sa akin. Hindi ako makagalaw. Hindi ko magawang magsalita pagkatapos kong marinig lahat ng sinabi nya. Parang sinaksak ang puso ko ng ilang daang beses.

Unti unting kumawala ang aking mga luha. Masakit malamang sumuko na sya dahil sa mga sakit na naidulot ko. Masakit isiping iniwan na ako ng taong mahal ko. Oo, Mahal ko si Avery. Mahal ko sya.

Hindi ko sa kanya nasabi dahil nangibabaw ang galit ko sa ginawa ng mga magulang namin. Gusto kong ikasal sa kanya pero sa tamang panahon at gusto ko, ako mismo ang mag aaya sa kanya.

I'm too dumb. Napakatanga ko para saktan ang taong mahal ko. Napakatanga ko para iparamdam sa kanya na hindi ko sya mahal. Napakatanga ko para hindi sabihin ang tunay na nararamdaman ko sa kanya.

Gusto ko syang pigilan umalis pero natatakot ako. Natatakot ako na hindi nya na ako tanggapin. Natatakot ako na masaktan ko lang sya ulit.

Hours passed at may kumatok sa pinto. Agad kong binuksan ang pinto sa pag asang bumalik sya.

"Mom? Dad?"

"Son. What happened? Bakit umalis si Avery?"

"Mom. I hurt her. I hurt her so bad."

Yinakap ko si mama at sa kanya iniyak lahat ng sakit. Umupo kami sa sofa at doon nag usap.

"Mom. I'm afraid na hindi na sya bumalik sa akin. I'm afraid na iwanan nya na ako ng tuluyan."

"Tell me anak kung anong nangyari."

I told Mom and Dad everything. Kung paano ako nagalit sa kanilang desisyon. Kung paano nabuntong kay Avery ang galit ko. Kung paano ko sya nasaktan ng sobra.

"I'm sorry son. Akala namin okay lang sa inyo. Hindi namin dapat ginawa iyon."

"Ayos lang yun mom, dad. Pero, hindi ko alam kung anong gagawin ko para bumalik sya. Mom. I don't want to lose her."

"Anak. I'm sure babalik sya. Napagod lang sya. Give her space and time. Mahirap kalaban ang pusong napagod anak. Ang magagawa mo lang ngayon ay maghintay na makapag pahinga sya."

"Pano kung di na sya bumalik? Paano kung iwan nya na ako?"

"Be strong anak. You'll get through this."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hihintayin ko na lang ba talaga na bumalik sya sa akin? Sana bumalik sya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi.

Pinagsisihan ko ang lahat ng nagawa ko sa kanya. I'm regretting every unsaid words I should have said when she's still with me. I love you Avery. I wish I said it earlier.

AVERY

Masakit para sa akin na iwan si Denver. Pero kailangan para maging masaya sya sa taong mahal nya at hindi ako yun. I'm giving him the chance to be with the person he really loves.

"Do you really need to do this anak? Do you really have to leave?"

My mom is still convincing me na huwag ng umalis. Pero kailangan ko to. Kailangan kong paghilomin ang puso ko.

"Ma. I have to. Para sa akin. Para sa puso ko."

"Hindi ba pwedeng pag usapan nyo na lang ito ni Denver?"

"Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong hindi ako ang nasa puso. He deserves to be happy, so do I. I need a break ma. Promise. Tatawag ako sa inyo."

"Fine. Basta mag ingat ka. Dadalaw din kami ng papa mo dun."

"Opo. I'll miss you mom, dad."

"Mamimiss din namin ikaw anak."

"Bye Mom, Dad."

I'm flying to the States now. I need to take a break. Sumakay na ako sa kotse papunta ng airport. It hurts me the thought na aalis ako at iiwan ang mga taong mahal ko pero my heart needs this.

DENVER

Nakahiga ako ngayon sa kama at nakatitig sa kisame. Five days since umalis ng bahay si Avery, wala na akong narinig mula sa kanya. And here I am. Naghihintay na bumalik sya sa akin.

Naputol lang ang pag iisip ko ng mag ring ang cellphone ko.

Mama calling.....

"Ma?"

"Denver. I just called para ipaalam na umalis na si Avery."

"Po? San po sya pupunta?"

"I'm sorry. Sabi nya wag ko daw sabihin sayo."

Natahimik ako sa sinabi ni mama. Avery is leaving. Hindi na sya babalik sa akin.

"Please Denver. She needs time for herself. Wag mo na muna syang hanapin. She needs space. Paghilumin muna natin ang sugat nya."

"Pero ma."

"Listen Denver. Hindi ako galit sayo. It's our fault in the first place. Pero hayaan muna natin sya. If bumalik sya sayo, then para kayo sa isa't isa. Trust in destiny Denver. "

"Sige ma. Naintindihan ko po."

She left me already. Hindi ko alam kung babalik pa ba sya o hindi na. Maghihintay na lang ako sa kanya. Kahit it takes a lifetime.

------------

Three months later.......

The doorbell rings at sinilip ko kung sino ang nandoon. Isang kartero ang dumating.

"Sulat po para kay Mr. Denver Montessori."

"Salamat."

Sino kayang nagpadala nito?
Agad kong binuksan ang sulat and parang gumuho ang mundo ko sa nakita ko. Divorce paper.

Nanginig ang kamay ko habang tinitignan ang  divorce paper na ito na pirmado ni Avery.

May isa pang sulat para sa akin at binuksan ko din iyon. Galing iyon kay Avery.

Denver,

It's been a while Denver. And if you would ask me kung how's life, I am good. Sana ganon ka din. I'm still in the process of mending my heart pero unti unti, naghihilom na din ang mga sugat. Aaminin ko, nasaktan mo ako ng sobra, pero alam ko, kasalanan ko din. Kung hindi lang sana ako naging makasarili at tumutol sa arrange marriage, Hindi sana tayo ganito.

Alam ko sa mga oras na binabasa mo ang sulat na ito hawak mo na din ang divorce paper. I'm letting you go Denver. Hindi mo na kailangan pang ikulong ang sarili mo sa relasyon na hindi ka masaya. I hope after all what happened, maging magkaibigan pa rin tayo. I also want to thank you for everything. At least for four months, naranasan ko ang may asawa. Hindi pala madali especially we were still very young. I wish you all the best of happiness. Thank you and goodbye.

Avery.

She's giving up on me. Wala na syang balak pang bumalik sa akin. It really hurts me. Pero wala akong magawa. Everything is my fault. Hindi ko sya masisi. Now, ang tangi ko na lang kasama ay pagsisisi at sakit. Kung sana lang ay pinaramdam ko na sa kanya na mahalaga sya sa akin, hindi sana kami aabot sa ganito. Hindi sana kami maghihiwalay. She's now asking her freedom, kahit masakit, I need to give it to her.

Hihintayin pa rin Kita Avery. Kahit hindi na tayo mag asawa, I will always love you. I will wait for you, my love.

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon