KABANATA #3: Martyr

9.6K 178 10
                                    

It is Sunday. Supposed to be, magsisimba si Avery pero hindi nya na nagawa. Busy sya sa pag aasikaso kay Denver. Nag paplantsa sya ng mga damit na gagamitin nito. Inaayos nya din ang iba pang mga gamit nito para sa photoshoot nila mamaya. Denver is a freelance model. He is really in demand sa mga photographer. He is well-known for his handsome face. Kaya hindi nakakapagtakang kahit sinong photographer and anong product endorsement agency ay kinukuha sya bilang model.

"Heto na ang gagamitin mo sa shoot. Na plantsa ko na. May kailangan ka pa ba?"

Inabot na ni Avery ang mga naayos nyang gagamitin ni Denver. He just stare at her blankly and went to his room. A jolt of pain penetrates her heart.

'Ayaw nya talaga akong kausap. Pero hindi kita susukuan. Hinding hindi Denver.'

Hindi nagtagal ay bumaba na si Denver. Dala dala na nito ang mga gamit nya. Si Avery naman ay nag aantay sa sasabihin ng asawa. Para syang isang asong naghihintay sa utos ng master nya. Bumagsak ang kanyang balikat nang kahit isang salita, walang namutawi sa kanyang bibig hanggang sa makaalis na ito ng tuluyan. Naiwan na namang syang mag isa sa bahay. She was left alone with this pain in her heart.

Napagdesisyonan nya ng pumasok na lang sa kanyang kwarto nang makarinig sya ng tumutunog na telepono. Hindi ito sa kanya  dahil nasa kwarto nya ang cellphone nya. Hinanap nya ito and found it on the sofa. It was Denver's. Naiwan siguro nito sa pagmamadaling makaalis.

Ihahabol nya sana ito kay Denver pero hindi nya alam kung anong pumasok sa isip nya at sinubukan nyang buksan ang telepono nito. Naka lock ito. She tried his old passcode and fortunately, bumukas ito.

"Hindi pa rin sya nagpapalit ng pattern." nakangiti nyang sambit sa sarili.

Upon opening, she saw one unread message. Out of curiosity, she tried to open the message. She knows it too well that what she's doing is a clear invasion of privacy. She saw the sender's name. It was a girl named Tanya.

'Who's Tanya? Sya ba yung babae nung isang araw?'

Her insecurities eat her again while remembering the girl's beautiful face the other day. She opened the message and she regretted it so much. Just like the saying goes, curiosity really kills a cat. Nag unahan tumulo ang kanyang mga luha sa nabasang message ng Tanya.

Tanya: Babe, what time are we going to meet? I'm excited to see you. Can't wait. See you.💋

Para syang sinasakal at hindi makahinga ng maayos dahil sa nararamdaman. Pain is suffocating her. It's killing her from inside. Hindi nya na napigilan ang kanyang mga luha sa pagbagsak.

'We're married pero may iba syang kinikita. You're not really enough Avery. You're not enough!'

Binabalot sya ng sakit at luha. Ibaba nya na sana ang cellphone ni Denver nang biglang may kumuha nito sa kamay nya.

Napansin ni Denver na wala ang cellphone nya. Marahil ay naiwan nya ito sa bahay nila. Iniliko nya ang kotse at tinahak ang daan pabalik sa bahay. Mabilis syang bumaba at binuksan ang pinto. Pagbukas nya ng pinto, nakita nya si Avery na umiiyak habang hawak ang cellphone nya. Umakyat ang kanyang dugo at nag init ang kanyang ulo at marahas na inagaw ito sa kamay ng kanyang asawa. He was furious. One thing he really hates is yung pinakikialaman ang gamit nya.

"Didn't I tell you not to touch my things!" bulyaw nito sa asawa.

Avery was really shocked. Kumabog ng sobra ang puso nya dahil sa kaba at takot. She can see anger in his eyes. He's really furious. At isa iyon sa mga bagay na ayaw nyang mangyari, ang magalit sa kanya si Denver.

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐋𝐘 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐄𝐃 [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon