Chapter Eight

114 4 20
                                    

Stellar's POV

"Sure ka ba, Girl? Hindi ka sasali sa Book Club?" Anang ni Kimper habang tinatahak namin ang daan papunta sa Library kasama si Andrea.

"Oo nga. Sigurado ka ba? Sayang naman." Dagdag pa ni Andrea.

And yes, they are my new found friends. Since nung magkausap kami last week at nagkapatawaran, lagi ko na sila kasama and ramdam ko na hindi na ako loner sa klase namin.

"Kung ganun, magqu-quit na lang kami dun. Total naman, ayaw namin ng pamamalakad ni Ms. Claveria. Kung makaasta siya, akala mo siya yung President."

Agad naman ako na-curious. Ilang araw ko na din iniisip kung sino ang President ng Book Club na yun at halatang pinabayaan.

"Sino ba ang President?"

"Seriously? Hindi mo alam? Ang Kuya Rich mo ang president dun. Kaya nga niyayaya ka namin sumali, gusto namin na ikaw ang Successor ng Kuya mo at hindi si Inah." Dagdag pa ni Bakla.

Hay... Kahit kailan talaga si Kuya. Napaka pabaya. Paano naman kaya naging President ang badboy ko na Kuya?

"Sige na sige na. Kakausapin ko siya sa bahay at pag-iisipan kong muli ang pagsali dyan." Napipilitan kong sagot at lalakad na sana papasok sa Library nang hinarangan ako ng magaling na lalaki at sinamaan ko lang ito ng tingin.

"Ahm... Maiwan na namin muna kayo. Mukhang seryoso ang pag-uusapan niyo ni Gonzales e." Pagprisinta ni Andrea saka kinaladkad papasok sa Library si Kimper.

Habang ako, naiwan at nakipagsukatan ng tingin kay Matteo.

"Puwede ba kita makausap? Nang tayo lang?"

"Nag-uusap na tayo." Pamimilosopo ko at sinimulan na ang maglakad papunta sa may garden na nasa tabi ng Admin Building kung saan walang pumupunta dahil para lang kay Mommy ang lugar na yon.

Naupo ako sa may bench, habang siya ay nakatayo at hindi ko inalok na maupo. Bahala siya mangalay dyan. Naiinis ako sa kanila ni Inah.

"Ilang araw na kita tinatawagan, tinitext, china-chat sa facebook. Iniiwasan mo ba ako?"

"Yah. Dahil ayoko sa presensya niyo ng Inah na yon. Magsama nga kayo at wag niyo ako kakausapin. Nasagot ko na ba ang katanungan mo? Pwede na ako umalis?"

Tatayo na sana ako at lalakad na palayo pero hinabol niya ako at hinawakan niya ang braso ko.

"Nagseselos ka ba kay Claveria?" At ang loko, nakuha pa ngumiti!

At kung nag aassume siya na nagseselos ako, nagkakamali siya! Naiirita lang ako pag magkasama sila ng Inah na yon at echapwera kaming mga kasama. Nakakainsulto yung ganon, di ba?

"Tigilan mo ako sa inaassume mo ha. Do you really think na may gusto ako sa'yo para pagselosan yun? Wow ha." Depensa ko naman sa sarili ko at iniwas ang tingin sa kanya.

"Ikaw pa ang choosy sa akin ha."

"Ay talaga. Sinabi mo pa. Magugunaw muna ang mundo bago kita magustuhan ano." Ganti ko naman sa kanya habang siya, patuloy pa rin sa pagtawa." Ang saya mo ah. Kabagin ka sana."

"Grabe ka talaga sa akin. Alam mo mabuti pa, sumama sa sa akin. May pupuntahan tayo." Pag-aya nito sa akin at nauna na siya lumakad na sinundan ko naman.

"Saan mo ba ako balak dalhing loko ka ah? Parang ang layo na natin sa QC!" Bulyaw ko kay Matteo habang nasa biyahe kami at tinatahak ang daan papunta sa kung saan.

"Di ko din alam. Joyride ba."

"Wow, ang effort mo naman magplano ng pupuntahan natin! Wala ako masabi!" Anang ko sabay sandig sa carseat na kinauupuan ko.

Ang lakas ng loob na mag-yaya ng lakad e wala naman pala kami pupuntahan! Sana tumambay na lang ako sa Library kasama sina Kimper. Nakakaloka.

"Ito naman. Try mo naman minsan mag-appreciate. At saka malay ko ba kung anong klaseng date ang gusto mo."

"Umayos ka dyan kung ayaw mong bigwasan kita dyan." Banta ko sa kanya.

Aba, eto na pala ang basehan ng date ngayon? Joyride?

Pero on a second thought, okay na rin yung ganito. Ayoko naman ng date na masyadong magarbo, sosyal, magastos.

At ano daw? Date?! Ang alam kong date namin ay sa Acquaintance Party pa!

"At anong dats ka dyan? Ni hindi ka nga nagtanong!"

"E crush mo naman ako, bakit pa ako magpapaalam? Ibibigay ko lang ang dream date mo." Literal na nakakalaglag panga ang mga pinagsasabi niya at napanganga na lang ako sa sobrang confidence niya sa buhay.

"Alam mo, nasasapawan ng kahanginan mo yung aircon ng kotse mo." S'yempre, hindi ako papatalo ng ganon-ganon lang ano!
"Gusto ko lang din sabihin sa'yo na yunh confidence level mo, mas mataas pa kesa sa Hotel Del Luna!"

"Hotel Del Luna? Saan yan? Maganda ba dun? Parang gusto ko tuloy puntahan yan ah!" Namamangha pa niyang sabi habang ako naman, napatawa ng mahina.

"Wag ka mag-alala, makakapunta ka rin dun... Pag nagdilim ang paningin ko sa'yo. Mag-maneho ka na nga lang dyan!" Sabay bukas ko ng music sa sasakyan ni Matteo habang siya, ngingiti ngiti na parang baliw!

Nagising ako nang tapikin ako ni Matteo. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe. Sobra kasi ako napagod sa mga School Activities.

"Nasaan tayo?" Pupungas-pungas kong tanong habang kinikilala ang lugar.

"Peryaan somewhere in Marikina." Simpleng sagot niya at saka lumabas ng kotse.

Lokong to ah! Dinala ako sa malayo? Hindi ako sanay na pumunta sa malalayong lugar lalo kung hindi kasama ang pamilya ko!

Lumabas na din ako sa kotse.

Sisigawan ko sana siya nang maunahan ako ng pagkamangha sa lugar.

Mas maganda ang Amusement Park pero iba ang dating ng Perya.

First time ko lang makapunta sa ganitong lugar. Hindi ko alam na hahangaan ko pala ang lugar na to.

"Dinala kita dito para naman mag-enjoy ka. Huwag ka mag-alala,pinagpaalam na kita kay Aunt Aly." Paalam sa akin ni Matteo saka niya ako hinila papunta sa isang ticketing booth para makasakay sa Ferris Wheel.

Grabe. Itsura palang ng ride na to, pakiramdam ko babaliktad na ang sikmura ko.

Hindi ko naman first time na makakasakay sa Ferris Wheel pero ganon talaga yung feeling, nakakahilo!

Pero mas nakakahilo naman sa Drop Tower!

Kapag naaalala ko talaga ang mga panahon na yun, nararamdaman ko uli ang kahihiyan.

"Tara na?" Pag-yaya sa akin ni Matteo para makapasok sa entrance ng Ferris Wheel at nauna na kami makasakay dito.

Pero ang nakakapagtaka lang, bakit hindi nila hinayaang makasakay yung iba? Rinig ko pa na last customer na daw kami ni Matteo.

"Wow. Ang ganda..." Namamanghang sabi ko nang makita ko ang buong view mula sa tuktok.

Napatayo pa ako at ganun din si Matteo.

"Maganda nga. Pero mas maganda ka pa rin at ang kalooban mo kahit napaka sadista mo sakin." Sabi nito at tumawa pa. Loko to ah!

Kukurutin ko pa sana siya sa tagiliran niya nang mag-sink in sa isip ko ang mga sinabi niya.

Nagagandahan siya sa akin? Weh? Di nga?

Bakit pakiramdam ko, namumula ang pisngi ko? Hell no!

"Alam mo kung isinama mo ako dito para lang iprank, tigilan mo na. Kundi isusumbong kita kay Tita Stacey. Nagsisimula ka na naman ng kalokohan." Banta ko sa kanya habang tinitignan siya ng masama para hindi halata tong traydor kong pisngi.

Pero nagulat ako sa ginawa niya.

He kissed my lips and I was so speechless after that.

"This isn't a prank." He smiled at me and it feels so creepy.

➖➖

Dew_Berry

Chasing Mr.Coldhearted's HeartWhere stories live. Discover now