Chapter Eighteen.

99 2 0
                                    

Stellar's POV

Nagising na lang ako dahil pakiramdam ko, may mabigat na nakadagan sa akin. Laking gulat ko na si Matteo ang nakadagan sa akin at pareho kaming walang saplot na suot ni isa.

Shems! Naulit na naman yung nangyari sa gubat sa Palawan. Nakakainis. Ang rupok ko talaga!

Inuga uga ko naman si Matteo na nasa tabi ko para magising ito. Pupungas pungas pa ito bago ito tumingin sa akin.

"Hoy loko! Ni hindi mo man lang ako ginising para makauwi! Gusto mo ba talaga na mapatay ako ng mga Kuya ko? Tapos, hinalay mo na naman ako! Grr! Nakakainis ka." Pagtatantrums ko na animo isang batang inagawan ng laruan.

Tumayo na ako sa kama at ginawang panakip ang isa pang kumot saka ko pinagdadampot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Hay nako, iba talaga ang nagagawa ng alak sa mga tao. Yan lang ang masasabi ko.

"At anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya habang nasa banyo ako at nagsusuot na ng damit. Arrggghhhh!!!!! Imbyerna talagaaa.

"9 am palang naman. Masyado ka naman natatakot e ginawan naman ni Ayla ng paraan."

"Alam mo kasi kapag may Kuya or older siblings ka, limitado ang galaw. Ikaw kasi yung Kuya kaya hindi mo alam ang feeling!" Sagot ko sa kanya paglabas ng banyo at hinagis sa kanya ang mga nagkalat niyang damit. "Magbihis ka na nga."

***

Matapos namin mag brunch sa bahay ni Matteo, nagpasya na kami na ihatid na lang niya ako sa may sakayan ng tricycle para walang sinuman ang maghinala sa amin ni Matteo.

Gustung gusto na talaga namin ang maging legal sa mga Parents namin especially sa Parents ko pero nauunahan kami ng takot lalo pa't napaka strikto ni Daddy. Nakukunsensya nga ako na sinuway ko yung promise niya na saka na kami papasok sa isang relasyon kapag nakapagtapos na kami ng pag-aaral at may stable nang trabaho.

Sino ba naman kasi ang mag-aakala? I mean, biglaan na lang nangyari ang lahat eh. In an unexpected time with unexpected person.

"How was the concert and slumber party with Ayla? Nag-enjoy ka ba?" Salubong sa akin ni Kuya Alex na noon ay kasalukuyang nagkakape at halatang bagong gising. "Pinagpaalam ka niya sa amin last night. Pumayag na lang kami since si Ayla naman ang kasama mo at maganda ang result ng Midterms Exams mo?" Dagdag pa nito saka iniabot sa akin ang isang sobre na kung saan nakalagay ang report card ko na agad ko namang binuksan.

Sobra ang tuwa ko nang makita ko ang grades ko. Puro uno ang nasa remarks ko.

"Congrats, Stell!" Pagbati sa akin ni Kuya saka ako niyakap.

Pagyakap sa akin ni Kuya, feeling ko masusuka ako sa amoy niya. Hindi ko type ang pabango niya, kung pabango man ang tawag dun.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Kuya dahil hindi ko talaga kaya ang amoy ng pabango niya. Gucci naman ang paborito at lagi niyang ginagamit na pabango, pero parang ayaw ng pang amoy ko na makisama sa pabango na yun at sobra pang nakakahilo.

"Ano ba yan, Ahia! (Kuya) palitan mo na nga yang brand ng pabango na gamit mo! Ambaho! Nakakainis!"

"Sir, andito na po yung order ni Sir Axl na flowers. Sa garden po ba ilalagay or sa rooftop na po?" Tanong ng isa sa mga kasambahay namin na may bitbit pang mga bulaklak na pinadeliver nga ni Daddy.

Napabahing na lang ako dahil sa amoy ng bulaklak. Feeling ko, may allergies na rin ako sa bulaklak same as my Grandma Amanda na kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sa Switzerland at mukhang genetic ang allergies na ito.

"Ano ba naman yan! Nagkasabay-sabay pa ang mga hindi magagandang amoy!" Reklamo ko kasabay ng pagtakip ng ilong. "Kuya, I'll just go upstairs na lang. I'm so freaking tired talaga." Pagpapaalam ko sa kanila at hindi na hinintay pa ang mga sagot nila. Basta ang alam ko, nagtataka si Kuya base na rin sa facial expression niya.

Pagpasok na pagpasok ko sa room namin ni Scarlett, naabutan ko siyang iniedit na ang kanyang na-vlog sa kanyang laptop habang ako naman ay dire-diretso nang nahiga sa kama ko at di na nag-abalang batiin siya. Naiinis pa rin ako sa kanya though maganda ang naging outcome ng ginawa nila ni Ate Ayla.

"How's your night? Ang daya niyo ni Ate Ayla, hindi niyo ako sinama sa Slumber Party na yan." Reklamo niya sa akin habang ngiwi naman ang isinagot ko sa kanya.

"Alam mo, ituloy mo na lang yang pag eedit mo keysa ginugulo mo ang pamamahinga ko. Hindi ako natutuwa." Sambit ko sa kanya saka ko kinalikot ang cellphone ko.

"Nakauwi na ako. Salamat sa paghatid." Chat ko kay Matteo saka ko napagpasyahang matulog at hindi na hinintay ang irereply niya.

***

Dalawang linggo na ang nakakalipas magmula nung nakapunta ako sa pinaka unang pagkakataon sa bahay ni Matteo. Ilang araw na rin kami hindi nagkikita dahil nagpaalam ito sa akin na magbabakasyon sila ng Pamilya nila sa Mexico.

Kasalukuyang nandito ako ngayon sa kwarto namin at nagpiprepare ng kung anong susuotin ko mamaya para sa Family Reunion namin ngayong Christmas Season. Nandito mamaya ang mga pinsan namin sa side ni Mommy na sina Catarina, Alexandra at Ate Carlisle. Kauuwi lang ni Alexandra at Ate Carlisle kasama sina Tito Jordan at ang asawa nito na si Tita Xiana galing Canada. Doon na sila nanirahan kasama si Ate Carlisle habang sina Catarina naman ay nakatira sa Batangas kung kaya naman ay minsan lang kami kung magkita.

Tapos next week naman ay magne-new year kami sa Hotel namin kasama ang mga Family Friends namin. Tuwing pasko ay mga Pamilya namin ang mga kasama namin at kapag New Year naman ay ang mga Friends ng mga parents namin just like Tita Stacey&Tito Matthew, Tita Diana&Tito Xander, Tita Natalie&Tito Hendricks at kasama nila ang mga anak nila na mga kaibigan din namin.

I don't feel like moving this passed few days. Tinatamad ako kumilos as in literally at lumala pa ang allergies ko sa pabangong ginagamit ni Kuya at sa mga bulaklak. Medyo tumataba na rin ako dahil sa taglay kong katamaran. Puro kain at tulog na lang ang ginagawa ko sa buhay ko.



Kinagabihan ay isa-isa nang dumarating ang mga kamag-anak namin sa parehong sides. At dahil wala namang kapatid si Daddy, tanging si Lola Amanda lang ang nakarating kasama nito ang kapatid niya na nanggaling pa ng China.

"Hi Twin! May napkin ka pa ba? Naubusan kasi ako eh. I promise, papalitan ko din kaagad bukas since lalabas naman kami ni Ate Athena bukas. Sumama ka ha?"

"Ah, yes. Meron pa ako. Kukunin ko lang sa medicine kit ko." Sagot ko saka pumasok sa Walk-In-Closet ko kung saan nakalagay ang mga personal ko na gamit and walang sino man ang puwedeng pumasok dito.

Akmang hahawakan ko na ang isang balot ng napkin nang bigla akong mabahala nang maalala ko ang petsa ngayon.

December 24 na. Dapat nung 16 palang, meron na ako. Isang buwan na akong delayed at hindi ko man lang namalayan yun!

Kaya ba? Kaya ba parang nag-iiba ako ngayon?

Pakiramdam ko, parang nanghina ang mga tuhod ko dahil kaba at takot.

"Sis? Andyan ka pa?" Tanong ni Scarlett mula sa labas ng closet ko kaya naman dinampot ko na ang isang balot ng napkin saka ako lumabas at inabot ito sa kanya.

"Okay ka lang? Parang namumutla ka ah? Masama ba pakiramdam mo? Kailangan mo ng gamot?" Tanong nito at hinawakan pa ako para tignan kung nilalagnat ba ako o ano. "Wala ka namang lagnat."

"Ah, oo. Okay lang ako. It's just, medyo nahihilo lang ako. Itutulog ko na lang muna siguro ito. Bababa na lang ako bago mag 12 am." Sabi ko naman sa kanya at mukha namang naniwala siya kaya naman pumasok na ito ng CR.

Napahiga na lang ako sa malaki ko na kama dahil sa sobrang frustrations. Natatakot ako sa magiging resulta once na kumpirmado ko na at sa mga magaganap kapag nalaman na ng lahat.

➖➖➖

Dew_Berry.

Chasing Mr.Coldhearted's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon