Chapter Two

235 6 22
                                    

Stellar's POV (2 years ago)

Flashback.

First Day of School ngayon at first day ko rin sa College.Abala na kami ng kakambal ko na si Scarlett sa pag aayos ng mga sarili namin at medyo nagmamadali na rin dahil pareho naming ayaw na ma-late sa First Day.

Nakalimutan ko nga pala magpakilala.Ako nga pala si Stellar Wu,ang pinaka nakakaibang anak ni Aliana Monteverde Wu na siyang Directress sa University na papasukan namin at CEO ng A&N Corporation.Sabi ng iba na napaka maldita daw ng Nanay ko.But for me,she's better than the best.

Ang Daddy ko naman ay si Axl Slate Wu,ang CEO ng Wu Group.For me,isa siya sa pinaka strict na tao na kilala ko.But still,he's the coolest dad ever kahit may pagka arogante 'daw' nung kabataan nito.

I have three older brothers.Sila ang Wu Triplets ng School na papasukan namin.Famous sila dahil bukod sa anak sila ng Directress,hindi rin maipagkakaila na talagang mga guwapo at habulin ng babae ang mga Kuya ko.

And I bet na magiging Famous din ang kakambal ko na si Scarlett dahil sa hilig nito sa Fashion at talagang sikat siya nung nasa Senior Years palang kami nung High School.

While me,I'm just a nobody.Mas pinili ko ang katahimikan kaysa sa kasikatan.Ayos nang alam ng lahat na anak ako ng School Directress.Hanggang dun lang ang gusto ko.

"Sa tingin mo Twinnie,may mga guwapo kaya dun?Nako,mag oobserve na talaga ako ng mga Seniors natin dun pagkarating na pagkarating palang natin."Masayang turan sa akin ng kakambal ko na kasalukuyang busy mag make up sa vanidose mirror ng kwarto namin.

"Feeling mo naman,hahayaan ka ng tatlo nating Kuya?Nalilimutan mo na yata na isa sila sa Seniors natin."Pagpapaalala ko sa kanya habang abala naman ako sa pagpapatuyo ng buhok ko.

"Sabagay.Pero anong malay mo diba?Makahanap tayo ng Fafabols doon."Kinikilig niyang sambit habang parang nag iimagine pa.Napailing na lang ako."Ibibigay ko na sayo si Kuya Matteo,mas bagay kayo!"

"Spare me.Hindi ako interesado dyan.Tsaka,si Matteo talaga?Para mo na din sinabi na pumatol sa refrigerator na sobrang cold."saka ako humarap sa kanya.

Tinignan naman nya ako mula ulo,hanggang paa.Panigurado,ijujudge na naman nito ang pananamit ko.Ganyan naman siya palagi lalo na kapag First Day of School o kaya pag pupunta kami sa mga Fashion Week Event ng A&N.

"Are you kidding me?Pants with longsleeves na sinamahan pa ng rubber shoes and black eyeglasses?"Tumayo pa ito kaya naman kapantay ko na sya ngayon.

Tinignan ko rin ang pananamit nya.Nakasuot sya ng Flower Dress at high heels.Halata din sa mata ng kakambal ko ang contact lens nya na kulay brown.Very light lang din ang make up nya pero sapat na para mag stand out.

"Girl,hindi tayo pupunta sa palengke o kahit saang market."Panlalait pa nito sa suot ko.

E ano ang magagawa ko?E sa simple lang naman ang gusto ko.Eto talaga ako e.

"At hindi din naman Fashion School ang pupuntahan natin"Pambabara ko naman sa kanya at akmang lalabas na ng kwarto pero hinawakan nya ang braso ko.

"Aayusan kita.Saka anong Fashion School?Nalilimutan mo yata na Fashion Arts and Design ang course natin saka,outdated ka ba?Gantong porma ang in ngayon!Yang porma mo,pang 90's pa."dagdag pa nito sa mga lait nya sa suot ko.

"Oh sya sige.Mag aayos na.Pero sana,hayaan mo muna ako magbreakfast ha?Kanina pa talaga ako nagugutom."sabi ko at nauna nang lumabas ng kwarto namin at dire-diretso ako na pumunta sa Kitchen kung saan nadatnan ko si Kuya Matteo na nilalantakan ang cookies na gawa ni Mommy habang si Mommy ay abala magluto ng kakainin namin sa breakfast kasama ang mga kasambahay namin.

Chasing Mr.Coldhearted's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon