Chapter Nine

133 4 3
                                    

Stellar's POV

Days passed since that 'kiss'. Hindi na kami masyado nag-uusap or should I say, hindi ko masyado kinakausap si Matteo. Mula kasi nung nangyari yon, everything feels awkward lalo kung magkakasama kami.

Katulad mamaya, kasama ko sila co'z it's Acquaintance Party at abala na kaming lahat sa pag-aayos ng mga sarili namin.

Scarlett does her very own make up habang ako, ikinuha ako ni Mommy ng make-up artist dahil di naman ako marunong magmake-up sa sarili.
Medyo kinakabahan ako. First time ko aattend sa ganitong School Party. Never naman kasi ako umattend noong Junior's and Senior's Prom kaya wala ako experience.

Tapos baka nagback out pa si Matteo na date ko. Sayang lang ang pag aayos ko.

"Ang ganda ng masterpiece ko!" Mayabang na sabi ni Kimper nung tapos na siya magmake-up sa akin at plantsahin ang buhok ko para tumuwid.

Loko to ah. Ano ako? Art? Ganon?

And yes, he is my Make Up Artist. Hindi ko rin inexpect na Mommy niya yung dating sikat na make up artist na siyang nagmake-up noong ikinasal muli ang parents ko.

"Ipapaalala ko lang na wala ka sa Art Exhibit." Mataray na sabi sa kanya ng kakambal ko na siyang kapapasok lang dito sa kwarto namin at nakaayos na siya.
"My gosh! Oo nga! Lalo mo pinaganda si Twinnie!"

"See? I told you. I can turn her into Goddess. Baka lumaglag ang panga ni Mr.Gonzales nito." At nakuha pa nila mag-appear sa harap ko. Lakas mang-asar ng dalawang to huh.

"Grabe. Ganon ba ako kapanget? Siya. Lumabas na kayo. Magbibihis na ako." Pagtataboy ko sa kanila palabas bago pa nila ako batuhin ng bagong pang-asar.

➖➖➖

"Stellar! Lumbas ka na! Naghihintay na sa'yo si Matteo sa garage!" Rinig kong sigaw ni Mommy mula sa Living Room."Mauuna na kami! Sumunod na lang kayo ni Matteo, ha?"

"Yes, Mom." Sagot ko na halatang kinakabahan.

"Ano na, Girl? Tara na. Ay nako. Wag kang kabahan. You're very beautiful kaya." Pagpapalakas ni Kimper sa loob ko.

And yes, andito pa din kami sa kwarto kasama si Andrea at Scarlett habang ako, abala sa pagsipat ng sarili ko sa harap ng Full Length Mirror at binu-boost ang self confidence ko.

"Sure ba kayo? Baka tawanan lang ako ng lokong Matteo na yan. Magkaroon pa ng Boxing Match dito sa bahay."

"Twinnie, he won't do that. And besides..." Pinandilatan ko ng mata ang kapatid ko dahil baka masabi niya ang nalalaman niya sa nangyari sa Peryaan.

Yes, may alam siya. Siyempre, kakuntsaba siya e! Sila ni Kuya Rich! Hindi halatang boto sila kay Matteo di'ba? Halatang halata lang!

"And daya huh. Mukhang kami lang ni Baks ang walang nalalaman? Chika mo sa amin Stellar huh." Gatong naman ni Andrea.

Naman eh. Kinakabahan na nga ako, dinadagdagan pa nila!

"Oh paano, labas na kami. Labas ka na lang kapag ready ka na. Sabihan na lang namin si Matteo na si Inah na lang ang idate." Pang-aasar pa ng mga to na mas lalong kinainis ko.

Isa pa yang Inah na yan e. Ako ang sinisisi niya kung bakit marami ang nagsialis sa Book Club niya at napiling sumali sa Group Study na kinabibilangan ko. Paano kasi, isinumbong ko kay Kuya ang pagiging feeling President niya.

"Haist! Eto na! Lalabas na! Mauna na kayo!" Sambit ko sa kanila na agad naman nila sinunod dahil kaunti na lang, magiging Dragon Lady na talaga ako.

Chasing Mr.Coldhearted's HeartWhere stories live. Discover now