Chapter One

447 8 14
                                    

UMAGANG- umaga ay abala ang lahat para sa pagsasaayos ng isang magarbong event na magaganap sa Hotel na pag-aari ng mga Wu.Lahat ay abala lalong-lalo na ang Pamilya Wu dahil magaganap ang 18th birthday celebration ng dalawa nilang prinsesa na sina Scarlett at Stellar at kasabay nito ang First Birthday/Christening ng pinaka unang apo ng mag-asawang Axl at Aliana na si Steelyx Austin,ang anak ni Stellar.

Magmula noong malaman ni Stellar na ikakasal na sa iba ang lalaking minamahal niya,nagpakalayo na siya rito at hindi na nag-abala pa na sabihin rito ang kalagayan niya.Sa ibang bansa muna siya tumira kasama ang kanyang anak at umuwi lang sila dito nung isang linggo lamang para sa binyag ng anak niya at sa birthday nila ni Scarlett na idadaos dito sa Pilipinas.

Walang ni isa ang nakakaalam kung sino ang ama ng kanyang anak,kahit pa ang mga magulang niya at mga kapatid.Maliban na lamang sa kakambal nitong si Scarlett at ang Kuya nila na si Rich.

At oo,Single Mom si Stellar sa madaling salita.

Nagalit pa nga nung una ang mga magulang niya dahil ayaw niya ipaalam kung sino ang ama ng batang kanyang dinadala noon,dahil wala naman daw itong kwentang tao at wala silang mapapala.Di rin naman nagtagal ay di na nila ito pinilit pa at nirespeto na lang ang desisyon ni Stellar dahil tiwala naman sila dito na alam nito ang ginagawa niya.

"Gusto ko maging perfect yung area ni Austin,at gusto ko sana maayos yung pagkakakuha ng video."masuyo niyang utos sa Event Organizer na kinuha nila. Abala din siya ngayon sa pagsusupervise ng magiging Big Events nila.

"Yes po,Ma'am" agad na sagot ng organizer at agad na bumalik sa trabaho.

"Busyng-busy ah.Baka maubos ang energy mo nyan para sa mamaya.Hayaan mo na lang na sila na ang trumabaho nyan."agad siya napalingon sa nagsalita at binigyan nya ito ng maaliwalas na ngiti.

"Ikaw pala,Zeke!Akala ko naman hindi ka makakapunta.Sabi kasi ni Scarlett,pinapapunta ka ni Tita Nat sa Texas."natatawa niyang sabi sa kausap.

"Ngayon ko lang uli nakita ang tawa na yan ah."Puna naman sa kanya ni Zeke at ngumiti na lang siya.

"Syempre naman,Big Day ko to as a Mother na e.Ay sya nga pala,nasa garden lang ang girlfriend mo.Nakikipaglaro lang kay Austin.Baka hinahanap ka na nun."

"S'ya sige,wag ka magpakapagod diyan ha.Kita na lang tayo sa Church mamaya."sagot sa kanya ni Zeke at dali daling pumunta sa Garden ng Hotel dahil baka nga naman naiinip na ang girlfriend niya.Napaka sumpungin pa naman non at ayaw na pinaghihintay.

Makalipas ang ilang oras,malapit na magsimula ang binyagan na susundan naman ng 1st Birthday party ni Austin na kasabay ng 18th Birthday Party nina Stellar at Scarlett.

"Stellar anak,mauna na tayo sa simbahan.Sabay sabay na tayo ng mga kapatid mo at ng Daddy mo.Susunod na lang daw sa simbahan ang mga Tito at Tita.May susunduin lang daw sila sa airport."Paalala ng kanyang ina na si Aliana na karga-karga naman ang apo nito na si Austin na kasalukuyang mahimbing na natutulog.

Agad namang gumuhit sa mukha ni Stellar ang pagtataka,napapaisip siya kung sino ang susunduin ng Tita at Tito niya pero di na siya nag abala pa na magtanong pa sa Mommy nya dahil gahol na sila sa oras.

"Sige po,Mommy.Kukunin ko lang po yung mga gamit ni Austin."Paalam nito sa kanyang ina at nagpunta na sa isa sa mga kwarto ng Hotel.

➖➖➖

Bago pa magsimula ang binyagan,isa isa nang dumating ang mga bisita saka ang mga ninong at ninang.

Ang isa sa mga ninang naman na si Scarlett ay abala sa pag aasikaso ng mga bisita nang biglang may nakapukaw ng atensyon nya.Agad siyang lumapit sa mga bagong dating na bisita.

"Tita Stacey!"salubong nya sa Bestfriend ng kanyang ina na si Stacey na kasama naman ang kanyang asawa na si Matt at ang dalawa nilang Koreanong mga anak na sina Julian at Ayla."Naku,tara po.Nasa loob po sina Mommy at Daddy.Pasok po tayo."

"Hindi na muna.Nasa kotse pa kasi si Matteo,may nalimutang kunin kaya bumalik muna dun.Hintayin lang namin siya."sagot ni Stacey habang nakangiti.

Samantalang ang ngiti naman ni Scarlett ay naglaho na parang bula.Natigilan siya at paulit-ulit nireplay sa utak ang narinig niya.

"Andito po si Kuya Matteo?"Hindi makapaniwalang tanong ni Scarlett.

"Ah yes.Kadarating lang niya galing sa Japan.Sinundo namin siya kanina sa airport saka kami dumiretso dito."sagot naman ni Matt sa tanong ng dalaga.

"Ah,sige po.M-mauna na po ako sa loob.Sumunod na lang po kayo."alanging sabi naman ni Scarlett sa kanyang Tita Stacey at Tito Matt.

Sa kabilang banda naman...

"Nasaan na ba kasi yang Daddy at mga Kuya mo?Ito namang tatay mo,sumama pa sa mga kapatid mo para lang sunduin ang mga girlfriend nila.Tsk."Inis na sabi ni Aliana habang paulit-ulit na kinocontact ang kanyang asawa."Malapit na magsimula yung binyag ng apo nya!"

"Mom,calm down.Baka magising si Austin.Saka carry naman po natin if ever na ma-late sila ng dating."mahinahon na sita ni Stellar sa kanyang ina habang isinasayaw ang natutulog nitong anak.

"Tatamaan talaga sakin mamaya yang tatay at mga kapatid mo pagkatapos talaga nitong binyag ng gwapo kong apo."sabi nito at nakangiting pinagmasdan sa pagtulog ang apo niyang si Austin."Sa totoo lang,kamukha niya si Matteo nung gantong edad niya."saka ito ngumiti sa kanya.

Napayuko naman si Stellar dahil narinig na naman niya ang pangalan na yun.Pero wala naman siyang magagawa dahil kamukha nga talaga ni Austin si Matteo at ramdam niyang may nalalaman ang ina niya pero ayaw niya kumpirmahin kung may nalalaman nga ito.

"Siya,lalabas na muna ako.Nasa labas na ang Tita Stacey at Tita Natalie mo.Magc-C.R na lang din muna ako ha."paalam ng kanyang ina sa kanya bago ito umalis.

MAGSISIMULA na ang binyagan ngunit wala pa rin ang mag-aamang Wu kaya naman kahit wala ang mga ito,kailangan pa rin nila simulan on time ang binyag ni Austin dahil marami pa na bata ang bibinyagan din pagkatapos nito.

Nahihirapang patahanin ni Stellar ang anak niya na bagong gising lamang.Kahit nga nung karga na ito ni Aliana ay hindi pa rin ito tumitigil at patuloy itong gumagawa ng ingay sa loob ng simbahan.

"Nako Misis,tawagan niyo na ang ama ng bata.Baka yun ang makapagpatahan sa kanya at para masimulan na natin ang binyag."Payo ng pari kay Stellar.

Alanganin namang tinignan ni Stellar ang kanyang ina at ang kapatid nito na si Scarlett na hindi makatingin ng diretso sa kanya na para bang may itinatago ito o may kasalanan.

"I volunteer."

Natigilan sa pag-iisip si Stellar nang marinig nya ang napaka pamilyar na boses ng isang lalaki.Lumakas ang tibok ng puso nito dahil sa kaba.

' No...This can't be...' kinakabahan niyang turan sa kanyang isip.

Dahan-dahan siya lumingon sa nagsalita at hindi siya nagkamali.

Si Matteo nga.Palapit ito sa kanila at kinarga na ang bata saka ito tumigil sa pag iyak.

"Thank you,Theo ha.Pasensya ka na,naipit sa traffic yung lolo na siyang dapat kakarga kay Austin eh."Hinging paumanhin ni Aly kay Matteo.

"Ayos lang po.Hindi naman na po iba sa akin ang bata."sagot nito at makahulugan nitong tinignan si Stellar.

"Anong ginagawa mo dito?"matigas na bulong ni Stellar kay Matteo habang pinoproseso na ang binyag ni Austin.

"I'm just taking back what is mine,Yeobbeo."

➖➖➖

Ehehe.Teaser palang yan.Sa next chapter,as usual mag flashback tayo kung paano nagsimula ang lahat hanggang kay Austin 👶

Dew_Berry.

Chasing Mr.Coldhearted's HeartDove le storie prendono vita. Scoprilo ora