Chapter Fifteen

104 5 7
                                    

"Mabuti at okay lang sa'yo na sa may bandang beach muna tayo magpapalipas ng gabi? Paano nangyari yun, Yabs?" Tanong ni Stellar sa kasintahan niya habang abala sila na namumulot ng mga kahoy na gagamitin nila para sa binabalak nilang magkakaibigan na Bonfire.

And yes, may callsign na sila. Yabs for Yabang and…

"Basta ikaw ang kasama ko, naoovercome ko ang lahat ng takot, Nerd."…"Saka remember sa kadaldalan mo noong mga bata pa tayo, ikaw ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob na makapagsalita ulit."

Napangiti naman si Stellar nang maalala ang lahat ng yun. Hindi niya naman maitatanggi na dun talaga sila ni Matteo nagsimula.

➖➖➖

"Akala ko ba, tanda mo ang daan? Kanina pa tayo nagpapaikot-ikot dito oh." Reklamo ni Stellar sa kanyang nobyo habang bitbit nila ang mga kahoy at kanina pa sila naglalakad para hanapin ang mga kaibigan pero parang mga naligaw pa yata sila.

"Paano na to? Wala rin signal!" Aniya pa ni Stellar habang kinakalikot ang IPhone niya at mistulang naghahanap pa ng signal.

Yes, sa edad na 16 nina Stellar at Scarlett, meron na silang kani-kaniyang nga IPhone in courtesy of their Kuyas. Ayaw pa nga sana ng mag-asawang Aly at Axl na bigyan na ito ng sariling mga cellphone hangga't hindi sila nakakatungtong sa edad na 18 dahil gusto nila na mas mag focus ang mga ito sa pag-aaral. Wala na din naman silang nagawa pa nang magsimula nang mahilig sa vlogging si Scarlett at si Stellar naman, ginagamit lang nito ang cellphone nito just for communication and for school stuffs.

Yes po, opo. Totally Anti Social Media si Stellar. Pero wala siya magagawa oras na sinali siya ni Scarlett sa vlogs nito. In fact, nag eenjoy din naman siya makisali sa vlogs nito lalo kung challenges and pranks.

"Paano na tayo nito? Mukhang napalayo tayo at naligaw pa." Reklamo ng dalaga kay Matteo saka pareho sila naupo sa ilalim ng puno na di kalayuan sa kanila bitbit ang mga napulot nilang kahoy na dapat sana ay gagamitin nila sa pagluluto ng magiging hapunan nila.

"We'll try to figure it out pero sa ngayon, magpahinga na lang muna tayo. Malayo layo rin itong nilakad natin."

"As if naman na may choice tayo. Lagot tayo kina Mommy nito once na malaman nila. Sa susunod talaga na magkaroon tayo ng ganitong klaseng roadtrip, magdadala na talaga ako ng appliances!" Pagmamaktol naman ng dalaga na siyang ikinatawa ni Matteo.

"Tatawa-tawa ka diyan, wala naman nakakatawa sa sitwasyon natin ngayon!"

"Paano ba naman kasi, masyado ka nagpapanic. Para namang hindi na tayo makakabalik sa cottage?"

Natahimik naman si Stellar na para bang nakuha na niyang may punto nga naman ang binata.

Sa kabilang dako naman...

Rich's POV.

"Nasaan na ba ang mga yun? Oy Roberta, baka naman may engkanto sa lugar na ito at kinuha na yung kapatid namin!" Sigaw ko kay Roberta na kasalukuyang nag-aayos ng mga inumin namin na nakalagay sa isang cooler. Magtatatlong oras nang wala sina Kuya Matteo at Stellar na nagpunta sa Gubat para manguha ng kahoy.

Kasi naman, bakit ba pumayag kami nina Axrael at Alex na yung dalawa na yun ang pakuhanin ng mga kahoy. Sana kami na lang ang sumama.

"Ala'y andito lang ako Rich oh! Hindi mo na ako kailangang sigawan. Kaharap mo lamang ako." Sagot sa akin ni Roberta pero binalewala ko dahil nag aalala na kaming magkakapatid. Baka kung ano na ang nangyari sa dalawang yun. Hindi pa ako handa na maging isang Uncle.

"Seriously, magtatatlong oras na silang nawawala. At yari tayo kay Mommy at Daddy kapag may nangyaring hindi maganda kina Stellar. We better find them." Sabi ni Alex at binitbit na ang mga gamit nila ni Ate Athena. Wala naman kami nagawa kundi ang sumunod na lang.

Mukhang magkakaroon kami ng biglaang camping dahil kina Stellar.

Habang naglalakad kami bitbit ang mga gamit namin, hindi namin maiwasang magutom at tumigil muna sa paglalakad para magtanghalian. Binuksan ko ang lagayan naming magkakapatid ng mga pagkain namin. Meron kaming sampung Yakisoba, cup noodles, Century Tuna at corned beef na siyang natira sa mga dala namin galing Maynila. Para kaming nagdala ng mga relief goods.

Pinaghatian na lang naming magkakaibigan ang tatlo sa pito naming Century Tuna at naghati hati na lang din sa kanin na dala pa namin mula kanina. Inabot ko naman kay Scarlett ang Dairy Milk Chocolate na natira sa snacks ko at ang isang chocolate bar naman ay itinabi ko para kay Stellar.

Nagkanya kanya na kami ng kain ng aming tanghalian bago nagpatuloy sa paglalakad para hanapin sina Stellar at Kuya Matteo.

Magdidilim na nang makita na namin sa wakas sina Stellar at Kuya Matteo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero pakiramdam ko, nagulat pa yata sila sa pagdating namin.

Pagdating namin doon, pinagmasdan namin ang kubo na sa tingin ko ay tinuluyan nina Stellar at Kuya Matteo. Hindi na daw sila nakabalik sa cottage dahil nagkakamali sila ng direksyon.

"Mabuti may natuluyan kayo ano? Ang layo pala ng gubat na ire. Sana pala ay dumaan muna tayo ng tindahan para kahit mag ihaw na lamang tayo." Untag ni Roberta habang lahat kami ay nasa harap ng bonfire na magsisilbing ilaw namin sa magdamag at may nakasalang na sinaing.

"Okay na rin yun! I like this idea nga e! Para tayong nasa Reality Show na Survivor Philippines! Sayang lang, madilim! Hindi ko maisasama sa vlog!" Masayang sabi ni Scarlett habang inuupakan ang isang piling ng saging na napitas nina Kuya bago kami makarating dito. Nakakuha rin kami ng ilang apple na puwede na ring pang almusal namin para bukas.

Masaya silang nagkukuwentuhan habang ako naman ay tahimik na nag iisip dahil nagdududa ako sa kinikilos nina Stellar at Kuya Matteo. Mas minabuti ko na lamang manahimik na muna hangga't hindi ko nakukumpirma.

~
Dew_Berry

Chasing Mr.Coldhearted's HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora