Chapter Twenty-Four

94 2 0
                                    

3rd Person's POV

Nakuntento na lamang si Matteo sa panonood kay Stellar mula sa malayo kahit pa gustong gusto niya itong lapitan pero batid niyang hindi maaari at alam niya na mas malaki itong gulo kapag nagkataon.

Tuwing umaga niya pinagmamasdan ang dalaga mula sa balkonahe ng kanyang tinutuluyan. Lagi itong nasa Mango Farm kaya naman mas natatanaw niya ito gamit ang binoculars. Sigurado naman siya na hindi siya nito makikita dahil medyo may kalayuan siya at kailangan pa niya gumamit ng binoculars or telescope. Katulad ngayon, hindi niya maipaliwanag ang saya nang makitang medyo umbok na ang tiyan ni Stellar, senyales na lumalaki na talaga ang anak niya.

Pero napawi ang ngiti niya nang maalalang hindi na siya nito makikilala pa dahil alam niyang ilalayo lang ng Pamilya Wu ang kanyang mag-ina. Napabuntong hininga na lamang siya sa isipin na yun. Pakiramdam niya, sobrang unfair niya sa magiging anak nila ni Stellar kung kikilalanin pa siya nito at yun ang pinaka ayaw niyang maramdaman ng bata.

Mag-iisang linggo na rin siyang namamalagi sa Batangas. Mas ginusto niya na magpakalayo na muna sa ingay ng Maynila. Hindi rin naman alam ni Inah kung nasaan siya ngayon dahil walang nakakaalam ni isa sa kanila na meron siyang nabiling property, kahit na mismong Pamilya niya liban na lamang sa ina niya na si Stacey na siyang tumutulong sa kanya.

"Sir, anjan na po si Manang Carmen. Siya po yung nagtatrabaho sa mga Monteverde. Papasukin ko na po ba?"

"Hindi na. Ipadala mo na lang ang mga ipinapadala ko. Paalalahanan mo na rin na huwag sasabihin na sa akin nanggaling." Utos niya sa katiwala na siyang kasama niya ngayon sa bahay. Nais kasi nito na makapagbigay kay Stellar kapag naroroon siya. Siya ang nagpapadala ng mga balut na siyang pinaglilihian nito na agad namang tinatanggap ng mga Monteverde dahil matagal na nilang kakilala si Manang Carmen at hindi na iba ang turing nila sa matanda.

***

Samantala sa ka-Maynilaan naman ay ay abala ang Pamilya Wu para gaganaping Baby Shower para sa magiging anak ni Stellar. Pinili nila na dun na lamang ganapin ang Party dahil na rin sa request ng mga kaibigan ng mga anak nila. Alam nilang hindi makakapunta ang mga ito kung sa Batangas ito gaganapin kung kaya naman ay pinili na lamang nila na sa Maynila na lamang para sorpresahin na rin si Stellar.

Nais ng Magulang ni Stellar na pasayahin ang kanilang anak dahil alam nila ang hirap ng pinagdadaanan nito kaya naman naisip nila na magdaos ng selebrasyon na alam at tiyak nilang magugustuhan ng dalaga. Nakausap na rin nila si Allen para pumunta ang mga ito kasama si Stellar.

"Hmm enough na siguro yung 15 tables lang." suhestiyon ni Aly sa Event Planner na kinuha nila.

"15 tables? Masyadong marami." reklamo ng asawa nito kaya nakatikim ito ng tampal sa braso nito na ikinatawa ng kanilang mga anak.

"Kuripot mo talaga, alam mo ba yun?"

"Ah Mom, pakisama naman sa invited si Ayla oh pati na rin si Julian. Kahit huwag na yung tatay ng pamangkin ko." saad ni Axrael sa kanilang Ina.

"Enough Axrael, he's still the Father of your sister's child. Kahit na nanggigigil ako sa taong yun, ayaw ko na makilala siya ng pamangkin niyo sa pagkakakilanlan niyo. Understood? Hindi ko naman siniraan ang loko niyong tatay sa inyo noon di'ba?"

"Suggestion lang Mom, may appointment si Ate sa OB niya di'ba for the Baby's Gender? Bakit hindi na lang natin isabay sa Baby Shower?" Suhestiyon ni Scarlett sa ina na ikinatango nito.

"Naisip na rin yan ng Kuya Alex and I found it so good. I'll talk to your sister if she wants a Baby Gender Reveal Party or we can just move the Baby Shower? Right!"

Chasing Mr.Coldhearted's HeartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant