Chapter Twelve

115 4 4
                                    

"Oh Guys, ipapaalala ko lamang sa inyo na hindi kagandahan ang buhay doon. Walang kuryente kapag umaga at naka-generator lang tayo sa gabi. Wala ding aircon, bentilador lamang!" Paalala ni Roberta sa mga kaibigan pagkarating na pagkarating nila sa istasyon ng Bus sa Cubao.

Alas tres pa lamang ng umaga, ay rinig na rinig na ang kaingayan ng magkakaibigan sa istasyon ng Bus sa may bandang Cubao. Hinatid pa sila ng kani-kanilang mga magulang sa istasyon.

"Yes Ma'am!" Giliw na giliw at excited na excited na tugon ng magbabarkada lalo na sina Stellar at Matteo na talagang nagngitian pa sa isa't isa.

Ilang araw na din napapansin ng magkakaibigan na ito lalo na nina Alex at Axrael ang pagiging close nina Stellar at Matteo pero di na lang nila masyado ito pinapansin lalo pa't okay na rin na hindi sila nagkakapikunan.

At pansin din nila ang lalong nagkakalayong distansya sa pagitan nina Scarlett at Ezekiel. Para bang may Imaginary Wall na humaharang sa kanila?

"Guys, foods!" Alok ni Ayla sa mga kaibigan at namahagi ng mga baon nilang mga pagkain na nakalagay sa isang malaking Eco Bag.

"Andito na ang Bus! Akyat na tayo!" Pagtawag naman ni Matteo sa mga kasama nang makita ang isang Bus na papuntang Batangas at saka doon sila sasakay ng isang bangka na magdadala sa kanila patungong Palawan.

And yes, napagpasyahan nila na wag na mag-eroplano dahil gusto nila madiscover ang kagandahan ng karagatan.

And yes, madami silang stop over para masulit naman daw nila ang pamamasyal.

Naunang umakyat sa Bus ang Secret Lovers na sina Matteo at Stellar na kasabay si Scarlett samantalang kasunod naman nila si Athena at Alex, Ezekiel at Julian, Roberta at Rich at ang aso't pusang tandem nina Axrael at Ayla.

Paano ba naman kasi, nagpupumilit si Axrael na siya na ang magbibitbit ng mga dalahin ni Ayla, na siyang ayaw naman nito.

Samantala, sa hinaba ng biyahe ay palihim na magkaholding hands sina Matteo at Stellar habang sila ay nakaupo sa pinakadulo ng Bus.

Ang siste, si Matteo ang nasa bintana ng bus at napapagitnaan nila ni Scarlett si Stellar.

"Sinasabi ko na nga ba eh." Rinig nilang bulong ni Ayla na tila ba kanina pa pala sila pinagmamasdan at nakaupo ito sa unahan nila.

Pareho sila nagulat dahil parang alam na ni Ayla ang ibig sabihin ng paghoholding hands nilang dalawa. Sumenyas naman si Stellar na manahimik at thumbs up na lamang ang isinagot sa kanya ni Ayla bago ito makatulog sa pwesto nito kung saan katabi nito ang natutulog na si Axrael.

Makalipas ang halos isa't kalahating oras na biyahe mula Maynila hanggang Batangas, nakarating na sila sa isang Terminal na kung saan sila bumaba at  may nakaabang nang isang UV Express na siyang maghahatid sa kanila sa isang pantalan ng mga bangka na maghahatid sa kanila sa Palawan.

Mag-aalas singko pa lamang ng umaga at kailangan ay alas sais pa lamang ay dapat nasa pantalan na sila upang hindi sila mahuli sa biyahe ng mga bangka.

Pagkasakay na pagkasakay nila sa UV Express ay kanya-kanya na sila ng partner pero this time, solo na nina Matteo at Stellar ang dulo ng sasakyan at nagsitulog sila para makabawi ng tulog. Ni hindi na nga nila natanaw ang ganda ng Batangas lalo na ang mga dekorasyon para sa nalalapit na kapistahan ng lungsod.

Mag-aalas sais na nang marating nila ang Pantalan. Agad silang sinalubong ng mga trabahador dito upang tulungan sila sa kanilang mga gamit at maisakay ito sa malaking bangka na talagang nirentahan pa ng tiyahin ni Roberta na si Natalie upang makaalis agad ng maaga ang magkakaibigan.

Samantala, sa kabilang banda naman ay bakas sa mukha ni Matteo ang kaba at takot na makasakay sa bangka. Tila ba nagbalik siya sa nakaraan at naalala ang trauma na inabot niya sa dagat noong bata pa siya.

Mabuti na lamang at nasa tabi niya ang kasintahan na siyang nagpapalakas ng loob niya. Naramdaman na lang niya na bigla siya hinawakan ni Stellar sa kamay dahilan upang lumakas pa lalo ang loob niya.

"Huwag ka matakot. Andito naman kami eh. Mawawala din yang takot na nararamdaman mo." Paalala sa kanya ng kasintahan dahilan upang mapangiti siya.

"Hoy! Halina kayo! Bibiyahe na tayo!" Pagputol ni Rich sa pagmomoment ng dalawa. Napatawa naman sila dahil kapag may 'sweet moments' sila, andyan lagi si Rich para mang-abala.

"Tara na?" Pag-yaya ni Matteo sa kasintahan. Pinauna niya ito sa paglalakad dahil kung magsasabay sila, baka maghinala na ang mga kaibigan lalo na ang dalawang Kuya ni Stellar na siyang tutol pa na magkaroon ng boyfriend ang dalawang nakababatang kapatid.

Samantala, makalipas ang mahabang oras na biyaheng bangka ay narating na rin nila sa wakas ang lugar na kinalakihan ni Roberta.

Ang El Nido, Palawan.

Pagkababa na pagkababa ng magkakaibigan mula sa bangka na sinakyan nila, may sumalubong pang muli na jeep na siyang maghahatid sa kanila sa lugar nina Roberta.

Mag-aalas otso na ng umaga nang marating nila ang bayan na kinalakihan ni Roberta. Manghang mangha sila sa lugar na natatanaw.

Merong kabukiran na kung saan abala sa pagtatanim ang mga magsasaka, merong kabundukan at magandang tanawin.

Namalayan na lang nila na ipinara sila ng jeep sa harap ng isang mukhang lumang bahay pero bakas pa rin dito ang ganda kahit pa makaluma na ang disenyo nito.

"Ala eh, ito nga pala ang bahay ng ninuno ni Tiya Natalie. Kami ang nangangalaga sa bahay na ire mula nung lumipat sa kamaynilaan ang mga Mendoza. Itinayo ang bahay na ire nung panahon na ipinanganak si Dr.Jose Rizal at yan na lamang natitirang makalumang bahay rine sa bayan namin. Tuloy kayo." Paanyaya ni Roberta sa mga kaibigan matapos ikuwento sa mga ito ang history ng bahay ng mga Mendoza saka nito binuksan ang may kalumaan nang gate ng bahay.

"Ang ganda pala ng bahay ng ninuno mo, Ezekiel! Puwede na kayo tumira rine ng mapapangasawa mo kung sakali!" Untag ni Ayla kay Ezekiel na kanina pa tahimik at pamasid-masid na lang sa tahimik na si Scarlett.

Ramdam na ramdam ng magkakaibigan ang tensyon na namamagitan kina Scarlett at Ezekiel.

Nawala ang bibong bibo at makulit na Scarlett pero nakakausap pa rin naman nila ito maliban na lang kay Ezekiel na kating-kati nang kausapin at tanungin ang dalaga.

Nang makapasok sila sa loob ng gate, ay kanya-kanya nang picture ang magkakaibigan habang si Scarlett ay nagsimula na sa kanyang hobby, ang pagv-vlog.

"Hi Guys! It's me, Scarlett! Welcome to my YouTube Channel! Blah blah blah…" Paninimula ng dalaga at nangingibabaw ang boses niya dahilan upang makisali sa pagvi-video niya ang mga kaibigan.

"Teka lang ha, hahanapin ko lang ang susi ng bahay na ire para tayo ay makapag agahan na at makapagpahinga. Mamayang hapon nga pala ay mamamasyal tayo sa may Bayan." Anang ni Roberta sa mga kaibigan habang hinahanap ang susi ng bahay sa kanyang Sling Bag na nagmula pa kay Freya, ang bunsong kapatid ni Ezekiel.

Nang mabuksan na ang bahay at nang makapasok sila, bumungad sa kanila ang medyo magabok na bahay at ang mga gamit na tinakpan ng mga puting tela.

"My gosh. Kahit magabok at luma ang bahay na to, hindi pa rin nawawala ang ganda! This one deserves a vlog from Scarlett! Scarlett ha! Don't forget to upload it!" Pagpuri ni Athena sa loob ng bahay habang sukbit niya sa kanyang balikat ang dala niyang Back Pack.

"Okay, Guys!" Pagtawag ni Ezekiel sa mga nakatatandang mga kaibigan at pumwesto siya sa pinaka gitna na para bang ito yung entablado nung mga unang panahon. "Wala ditong aircon, tanging mga electric fan lang. Wala ding gripo, pero may poso naman jan at doon tayo mag-iigib ng tubig at ang tanging lutuan lang dito ay puro sa kahoy lang."

"Meron rine sampung kwarto e mamili na lamang kayo. Huwag lang doon sa pinaka dulong silid at nandoon ang mga lumang kagamitan ng mga Lolo at Lola ni Tiya." Pagpapaalala naman ni Roberta sa mga kaibigan.

"Cool. So cool." Ang tanging nasabi ni Scarlett saka nilagpasan ang binatang si Ezekiel.

Dew_Berry

Chasing Mr.Coldhearted's HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora