Chapter Eleven

115 5 6
                                    

Stellar's POV

Natahimik kami nang biglang pumasok si Daddy sa kwarto namin lalo na ako.

Kinakabahan na nga ako at umaandar na ang utak ko sa pag-iisip ng ipapalusot ko. Tiyak na yari ako kapag nalaman nito na may boyfriend na ang anak niya!

"Ahm Dad, hinihintay kami ni Kuya Matteo kasi siya ang nakakaalam kung saan makakakuha ng magandang quality ng materials para sa shoe design project namin. So ayun. Hehe." Rinig kong palusot ni Scarlett.

"Ah, yes Dad. Sasama na din ako para makapili ng maayos si Scarlett. Nag-promise kasi ako na tutulungan ko siya sa projects niya."

I'm so sorry Daddy, kung kailangan namin magsinungaling. Alam namin na magagalit ka. Promise! Sasabihin namin sa'yo when the right time comes!

"Ah. Okay. Si Matteo naman pala ang kasama niyo eh. Mag-iingat kayo. Baka kung sinong lalaki ang magkainteres sa inyo, mahirap na. Bawal pa mag-boyfriend." Babala ni Daddy saka ito lumabas sa kwarto namin.

Nang masiguro namin na wala na si Daddy, nagkatinginan kami ng kakambal ko.

Relax na relax ang tingin niya habang ako, mas lalong kinakabahan lalo pa sa mga huling sinabi ni Daddy.

"Paano kapag nalaman niya?"

"Oh eh ano naman? Malaman man nila atleast, kayo na. Wala na sila magagawa kundi suportahan kayo. I'm telling you, magiging legal pa kayo. Ewan ko ba sa inyo at secret lovers pa ang peg niyo!" Sambit ni Scarlett at isinukbit na namin ang mga sling bags namin. "Tara na nga."

➖➖➖

Kasalukuyan na naming binabaybay ang daan papuntang Marikina at nakasakay kami at nakikipagsiksikan sa isang Jeep.

Ewan ko ba kay Matteo at ito ang trip niya. Sa akin, ayos lang naman eh. Pero dahil may third wheel kaming ubod ng arte, namomroblema ako. Kanina pa siya ubo ng ubo. Halatang first time sa Jeep.

"Para po!" Pagpara ni Matteo sa jeepney driver na siyang itinigil naman ng andar ng jeep sa harap ng isang...karinderya.

At sa di malamang dahilan, sabay kaming napalingon ni Matteo para sa magiging reaction ng kakambal ko na never naexperience ang makakain sa mga ganitong klase ng lugar.

➖➖➖

Third Person's POV.

Sa kabilang banda, nagtipon-tipon ang Wu Triplets kasama ang mga kaibigan nila sa kanilang tambayan, ang School Rooftop.

Nakagawian na nila ang tumambay sa lugar na yon, may pasok man o wala.

Bakit pa sila maghahanap ng ibang tatambayan lalo kung Holiday e kung puwede naman sila pumasok dito na kasama ang mga anak ng School Owner?

"Congrats sa pagkapanalo niyo Axrael sa School Elections. Sayang wala si Matteo para icelebrate ang victory niyo." Pagbati ng isa sa kanilang kanilang kaibigan na si Athena.

Athena is an Tourism Student and Beauty Queen in the making dahil anak lang naman siya ng dating International Beauty Queen na si Diana Buenavides at ng yumaong si Hans Chua na isang Business Tycoon at Drug Dealer.

Hindi naging hadlang sa mga kaibigan nito ang hindi kagandahang Family Background nito. Bagkus, tinutulungan nila si Athena para baguhin ang hindi kagandahang tingin ng mga tao sa buhay niya.

At isa na doon si Alex, ang panganay na anak ng ex boyfriend ng nanay niya na siya ring panganay sa Wu Siblings.

"Ewan ba doon kay Kuya. Ang sabi niya, may pupuntahan daw siyang importante." Sabi ni Julian na siyang nakababatang adoptive brother ni Matteo, na siya namang Koreano na napunta sa pangangalaga nina Stacey at Matteo at dito na ipinalaki sa Pilipinas kasama ang isa pa nilang adoptive sibling na si Ayla na isa rin Korean.

"Ganun din sina Scarlett at Stellar. Iba talaga kapag nagiging busy ang mga kasama natin." Dagdag naman ni Ayla na busy sa pagbrowse ng magagandang lugar sa kanyang laptop. "Pero mabuti na rin yun na wala sila lalo na si Kuya Matteo. Atleast mapagpaplanuhan natin ng maayos ang kanyang #LastBirthdayAsCollege ni Kuya."

Lingid sa kaalaman ng lahat, isa nang graduating student si Matteo. At di lang yan, candidate din siya as Summa Cum Laude.

Taray, di'ba?

"Patingin nga kung may magandang place na malapit lang na puwede natin puntahan." Pagsingit naman ni Rich dahilan upang ibigay na ni Ayla ang upuan upang makaharap ito ng maayos sa laptop.

"Ala eh, bakit di na lang kasi kayo magpunta ng Palawan? Abot kaya nyo naman ang pamasahe at pauwi rin naman ako doon bago ang kaarawan ng kaibigan niyong iyan." Suhestiyon ni Roberta dahilan upang mapalingon sa kanya si Rich.

Si Roberta ay isang baguhang estudyante ng Brent Academy. Pamangkin siya ni Natalie at pinsan naman ni Ezekiel.

Pero hindi tulad ng kanyang tiyahin na ipinanganak na mayaman, si Roberta ay laki sa hirap at ulilang lubos.

Malayo siyang kamag-anak nina Natalie. Pinsan ng magulang ni Natalie ang lolo at lola nito na naghihirap din sa buhay kaya nang minsang magbakasyon ang pamilya ni Natalie sa El Nido, nagpasya ito na kupkupin si Roberta upang mapaaral nila ito at makapagtapos.

“Alam mo, ang tagal naming nagpaplano pero ngayon mo lang sinuggest yan. Kailan ba ang uwi mo?" Tanong ni Rich kay Roberta.

"Ala eh, bingi ka ga? Kasasabi ko laang na bago ang kaarawan ni Matteo. Kayaman-yaman, mukhang walang pambili ng cotton buds." Reklamo sa kanya ni Roberta na ikinatawa nilang lahat maliban kay Rich.

Paano ba naman kasi, nitong mga nagdaang araw ay si Roberta lamang ang may kakayahang patiklupin ang badboy ng Brent na si Rich. Prangka siya kung prangka at sasabihin niya sa'yo ng harap-harapan kung ano ang mali sa kausap niya.

"That's it! Sa Palawan tayo. Atleast doon, may kakilala tayo." Pagsang-ayon naman ni Axrael sa suhestiyon ni Roberta habang ang mga kaibigan naman nila ay napapatango at mukhang gusto rin ang suhestiyon na yon.

"Ala eh, walang sisihan ah? Medyo malayo yon sa kabihasnan." Paalala naman sa kanila nito.

"Mas maayos nga yun eh. Nakakadagdag ng thrill! Ano pa ang hinihintay niyo? Magpareserve na tayo ng sasakyan nating bangka!" Anang naman ni Ayla lalo na sa katabi nito na si Athena na pinaka mahusay sa Math..."Ikaw, kwentahin mo na lahat, ikaw na rin maningil. Sagot mo na rin pamasahe ko."

"At bakit ko naman sasagutin?"

"Nagkakalimutan yata tayo, Athena? Nag-short ang budget mo nung namili tayo sa Taytay! Wag mo na intindihin yung binayad ko nun sa kwek-kwek, okay na yun!"

Napatawa na lamang ang magkakaibigan dahil sa pagiging taklesa ni Ayla habang si Athena naman ay hindi na makareklamo dahil totoo namang may utang siya rito at nalimutang bayaran.

~

Dew_Berry

Chasing Mr.Coldhearted's HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora