Chapter Fourteen

131 4 4
                                    

Kinabukasan, maagang nagising ang magkakaibigan para pumunta sa bukirin dahil nabalitaan nila na nandoon ang taong pinagsanlaan ng lupa ng magulang ni Roberta.

Nagmadali silang pumunta roon dahil saglit lang ang inimamalagi nito kapag naroon ito at sa susunod na linggo pa ito bumabalik.

"Bakit ba kailangan natin magmadali? Antok na antok pa ako tapos di pa tayo nakakaluto ng almusal." Reklamo ni Julian na humihikab hikab pa at halata ngang bagong gising lang ito.

Paano ba naman kase, iisang piraso lang ng pandesal ang nakain niya. Hindi man lang nakapag kape man lang.

Agad naman siya sinamaan ni Matteo ng tingin kung kaya't nanahimik na lamang ito.

"Alam mo kase, kailangan ni Berta ang mga tulong natin. Hindi naman puwedeng pababayaan na lang natin siya." Untag naman ni Ayla.

"Ala, hindi naman na kailangan. Kayang kaya ko na. Siya, balik na lang kayo sa bahay. Susunod din naman ako."

"No, sasama kami. Mamaya, kung ano pa ang mangyari sa'yo doon." Pag-angal naman ni Alex kaya wala nang nagawa pa si Roberta para pigilan ang mga ito na sumama sa kanya.

Makailang saglit pa ay narating na nila ang bukirin ng Pamilya Marcelino. Hindi ganung kalakihan ito at hindi rin ganung kaliitan pero alam nila sa mga sarili nila kung gaano ito kaimportante sa kaibigan nila lalo na't hindi na ito iba sa kanila.

Maliban na lang siguro kay Aldrich na hindi man lang nagbago ang pakikitungo sa dalaga.Para sa kanya,masyado pa rin itong simple para sa kanya.

"Oh Roberta, andito ka na pala sa Palawan. Oh ano? Mababayaran mo na ba ngayon yung perang ipinahiram ko sa inyo? Ngayon ang palugit ayon sa kontrata." Salubong sa kanila ng isang matandang lalaki na mukha pang matapobre kasama na ang mga tauhan nito na mahahalatang mga delikadong tao.

"Yun nga po ang ipinunta ko dito,Mr.Gutierrez. Gusto ko po sana humingi ng karagdagang buwan para mabuo po yung 1 million---"

"Iha, alam mong ayaw ko sa ganyang usapan! Ilang beses na natin napag usapan yan!" Sigaw diumano ng matanda dahilan upang magulat ang magkakaibigan.

"Nakikiusap po siya ng maayos. Hindi naman po yata tama na sigawan niyo siya ng ganyan." Awat naman ni Aldrich sa matanda pero tinignan lang siya nito at tila ba hindi kilala kung sino ang kinakalaban nito.

"Wala akong pakialam kung sino man kayo at kung anak pa kayo ng mga mayayaman. Gagawin ko kung ano ang gusto ko at wala kayong magagawa doon! Dakpin sila at pahirapan sa---" natigil naman ang matanda dahil sa kung anong hinagis ng binatang si Aldrich sa mukha niya.

Samantala,napatingin naman ang magkakaibigan sa binata dahil sa inasal nito. Ngayon na lang uli nakita na ganun kagalit ang binata sa isang matanda.

Karaniwan kasi na pinapatulan ni Aldrich, ay mga kaedaran niya o kaya mas matanda ng kaunti sa kanya. Pero kapag alam niyang sumusobra, wala siyang pakialam kung bata man ito o matanda.

"Ayan! Isang milyon! Isaksak niyo sa baga niyo! Tunatanda na kayo ng paurong! At gusto ko, ibalik mo ang titulo ng lupa sa kanya mamaya!" Bulyaw ng binata sa matanda saka ito dinaanan at binangga pa ang balikat nito at ganun din ang mga kaibigan nito.

Sinilip ng matanda ang kung anong nasa papel. Ganun na lamang ang gulat niya nang mabasa niya ang pangalan nito.

China Savings Bank.

Aldrich Sloat Monteverde Wu.
₱1,000,000.

Napaluhod na lamang ang matanda dahil sa pagkapahiya ng isang Binatang Wu sa kanya. Paano pa kaya kung ang ama pa nito ang magpahiya sa kanya?

➖➖➖

Kinatanghalian naman, napagpasyahan ng magkakaibigan na magkaroon ng picnic sa may tabing dagat at doon na din mag camping para sulitin ang huling gabi ng pamamalagi nila sa lugar nina Roberta.

Habang abala ang lahat, lihim naman na pinagmamasdan ni Roberta ang binatang si Aldrich. Hindi niya sukat akalain na may kabaitan din pala kahit papaano ang binata kaya naman nag iisip na siya ng paraan kung paano niya ito mababayaran.

Lakas loob siyang lumapit sa binata na noo'y abala sa panonood sa alon ng dagat.

"Di ko alam na may soft side ka pala." Untag niya sa binata dahilan upang makuha nito ang atensyon niya. "Salamat nga pala ha."

"Anong salamat? May bayad yun oy."

Napairap naman si Roberta kay Aldrich. Nalimutan niya yata na ito si Aldrich Wu, ang hambog at walang modong anak nina Aliana at Axl at ang PINAKA mabait sa Wu Siblings!

"Ala eh, ikaw nga pala si Aldrich. Akala ko isang mabuting engkanto... Huwag ka mag-alala, babayaran ko yun. Hulugan nga lang."

"Hindi pera ang gusto kong kabayaran." Sagot ng binata sa kanya at saka dahan dahang inilapit ang mukha niya sa gulat na gulat na mukha ni Roberta.

"Be my pretend girlfriend." Sabay kindat pa nito sa kanya dahilan upang mas magulat ang dalaga.

"Anla, type mo pala ako Aldrich? May paganyan-ganyan ka pa, manligaw ka muna!"

"Wala ako sinabing type kita! Ang sabi ko, magpanggap ka na girlfriend kita! Assumera ka masyado." Sagot naman ng binata sa kanya at naupo ito sa buhanginan.

"Iba ang kunin mo, yung kaya ang ipagagawa mo."

"Oh e di sige. Madali lang naman sa akin yan e. Hindi ko na problema kung balikan ka ng matandang hukluban na yun oras na bawiin ko yung pera ko sa kanya." Banta naman ng binata na halatang hindi magpapatinag sa pagtanggi ng dalaga.

Pero, ano nga ba ang rason ni Aldrich para kunin ito bilang Fake Girlfriend niya?

"Aisht!" Padabog at pasalampak na naupo si Roberta sa tabi ng binata at hinarap siya. "Sino ba kasi ang maysabi na tulungan mo ako dun? E kayang kaya ko naman na mag isa na yun!"

"Kayang kaya daw, sus. Ni masabi nga kay Aunt Natalie, di mo magawa. Makahanap pa kaya ng 1 million?"

"Aish! Nakakainis ka, alam mo ba yun?"  Kamot-ulo pa ni Roberta sa binata. Pero ang binata, tinawanan lang siya! "Sige na, sige na! Tumawa ka pa! Palibhasa, mayaman! Kailan natin sisimulan yang pagpapanggap na yan?"

"Ako ang magsasabi kung kelan at kung paano." Mayabang na tugon ng binata sa kanya at binalik ang tingin sa dagat.

~

Samantala, sa kabilang banda naman ay balikan natin ang magkasintahang Matteo at Stellar. Sila ang naatasan ni Ayla na mangahoy, para naman daw magkaroon ng Quality Time ang magkasintahan.

Simula nung mapunta sila sa Palawan, ay hindi na sila gaano nagkakasama o nagkakadikit man lang dahil sa bantay sarado sina Alex at si Axrael samantalang napaka laki naman ng tiwala ni Aldrich kay Matteo.

Magkahawak ang mga kamay ng magkasintahan habang tinatahak nila ang daan sa isang gubat.

"Mabuti na lang talaga at maaasahan si Ayla ano? Ngayon, magkakaroon tayo ng mini date. Sa gubat nga lang." Natatawang turan ni Matteo sa dalaga na napatawa na rin dahil sa isipin na yun.

"Sus. Ang sabihin mo, takot ka lang kase kina Kuya kaya kinuntyaba mo pa yang si Ate Ayla. Alam na alam ko yang mga galawan mo, Mr.Stanley Matteo Gonzales."

"I loved it when you call me on my whole name. Someday, magiging Mrs.Aliah Stellar Gonzales ka na." Turan ni Matteo na siyanv nagpangiti sa dalaga.

➖➖➖

Dew_Berry

Chasing Mr.Coldhearted's HeartWhere stories live. Discover now