Chapter Twenty-One

111 4 0
                                    

3rd Person's POV

Lutang at hindi pa rin makapaniwala si Stacey sa mga narinig niya mula sa labas ng Banyo na Pambabae. Nagtaka naman ang mga kasama niya kung bakit ganoon na lang ang reaction niya sa pagbalik niya.

Papasok na sana siya ng banyo para sana mag-hugas ng mga kamay nang aksidente niyang marinig ang pinag-uusapan ng anak niyang si Ayla at ang kaibigan nito na si Stellar na siyang anak ng kanyang bestfriend na si Aly.

'Wala na sanang makakaalam na si Matteo yung ama ng magiging anak ko.' Rinig na rinig niya ang mga sinabi na ito mula kay Stellar at hindi siya puwedeng magkamali doon.

'Kaya ba sila ang madalas na magkasama? Ano na lang kaya ang iisipin ni Aly kapag nalaman niya ito?' sa isip-isip ni Stacey, natatakot na ito sa mangyayari para sa anak nito. Lalo na kapag nalaman ito ng mag-asawang Wu, lalong lalo ni Axl.

She knows Axl very well. Naging ex niya ito. Matindi ito gumanti sa kung sino man ang mang-agrabyado sa kahit na sino sa Pamilya niya. Hinding hindi ito makakapayag hangga't hindi siya nakakabawi. Same as Aliana. Dumagdag pa sa pangamba nito ang tatlong anak na lalaki ng mag-asawa.

Ngayon, alam na niya kung para kanino ang mga sinabi kanina ng kambal na Alex at Rich. Para ito sa kanyang anak. May alam na ang dalawa at walang ni isa sa kanila ang nagsasabi sa mga magulang nila.

"Okay ka lang ba, Hon? Mukhang naestatwa ka dyan ah?" Tanong ng asawa niyang si Matthew na halatang nag-aalala para sa kanya.

"Uhh, yeah. I-I'm fine. Something came up lang about my newest business. Kumain na tayo?" Paanyaya niya sa mga ito para ma-divert ang atensyon ng mga ito lalong lalo na ng mag-asawang Wu. Para kasing hindi sila convinced sa reason ni Stacey. Sakto naman na bumalik na galing banyo ang magkaibigang Stellar at Ayla kaya naman nag-simula na silang kumain.

Habang kumakain sila, mas kapansin-pansin sa kanila na masyadong tinitignan ni Stacey si Stellar. Naaawa ito para sa dalaga. Babae din siya at alam niya ang pakiramdam na Broken. Nawawasak ang puso niya para sa bata, para sa isa pa niyang apo na nasa sinapupunan ni Stellar.

"Baka naman matunaw ang anak ko, Mars? Madamay pa ang magiging apo ko." Pabirong sabi ni Aly sa kaibigan nang mapansin niya na hindi inaalis ni Stacey ang tingin nito sa kanyang anak.

"Ah, wala yun. It's just, her situation reminds me of yours before." Pagdadahilan nito.

Ayaw niya munang malaman ni Aly ang mga nalaman niya. Hindi siya handa sa kung anumang puwede nitong gawin sa anak niyang si Matteo.

"I guess, history repeated itself. Ang kinaibahan lang, may ginawang kalokohan si Axl habang kasal pa sila ni Aly." Natatawang pagpapaalala ni Matthew sa nakaraan ng kaibigan nito at nakatikim siya ng batok mula sa kaibigan.

"Shut up. Naririnig ka ng mga anak ko." Sagot ni Axl sa kaibigan at napuno na ng tawa ang buong oras na iyon.

***

Matapos ang dinner sa Restaurant ng mga Zhou, umuwi na ang mag-anak na Gonzales sa kanilang napaka laking bahay.

Mayaman din ang Pamilya nila katulad ng Pamilya Wu kaya naman kahit papaano ay kilala rin sila sa kalakaran ng negosyo. Kung tutuusin nga, barya lang sa kanila ang mawawala oras na hindi panagutan ni Matteo ang ipinagbubuntis ni Inah. Hindi lang niya alam kung bakit hindi nito naiisip na mag-back out.

Bago matulog ay naisip niya na kausapin muna ang anak para kumpirmahin ang lahat ay mapagtagpi-tagpi niya ang mga nagaganap. Nagbabaka sakali ito may magawa siya para sa kanyang anak at kay Stellar.

Kumatok ito ng tatlong beses sa pinto ng kwarto ng kanyang anak bago siya nito pinagbuksan. Halata sa kanyang anak na bagong paligo ito.

"Puwede ka bang makausap? I just want to clear those things na gumugulo sa isip ko." Seryoso nitong tanong sa kanyang anak bago naupo sa kama nito at katabi ang kanyang anak.

Chasing Mr.Coldhearted's HeartWhere stories live. Discover now