Chapter Twenty Two

110 3 0
                                    

3rd Person's POV

Isang linggo na lang at ikakasal na si Matteo kay Inah sa paniniwalang kanya nga ang bata at mapoprotektahan niya si Stellar sa pamamagitan ng pagpapakasal sa anak ni Mr.Julius Claveria na si Inah. Isa itong Underground Mafia Boss kaya naman nangangamba siya para sa kaligtasan ng mag-ina niya.

Magmula nung nagkasabay-sabay sila mag-dinner sa restaurant ng mga Zhou ay hindi na sila nagkakausap pang muli ni Stellar. Ayaw naman siya palapitin ng mga kapatid nito kahit isang beses. Ramdam din niya ang galit ng dalaga sa kanya dahil pinabalik nito ang pinadala niyang dapat na sana ay kontribusyon niya sa gamit ng bata.

Wala na siyang ibang magawa kundi pag-masdan na lang mula sa malayo ang babaeng minamahal niya. Katulad na lamang ngayon, abala sa pagdidilig ng halaman sa garden ang dalaga. Magkapit-bahay lang naman sila kung kaya't natatanaw niya ito kahit iniismiran siya nito kapag nahuhuli siyang nakamasid dito. Nababawasan na rin kahit papaano ang pag-aalala niya dahil nakakalapit sa mga ito ang kanyang ina at ang kapatid niyang babae na si Ayla.

Sa isip-isip niya, hindi siya papayag na hindi niya makausap ang dalaga. Gusto niya ito bigyan ng closure kahit alam niyang magiging masakit ito para sa kanilang dalawa. Kaya naman nanghingi siya ng tulong sa kapatid niyang si Ayla at pumayag naman ito.

Mamaya nga ay isasama siya nito sa Mall dahil balak mamili ni Stellar ng gamit ng bata kahit paunti-unti lang. Kasalukuyan itong walang-wala ngayon dahil tinupad nga ni Axl ang sinabi nito na ica-cut off ang kanyang mga card habang ang naipon naman nito ay ginamit sa negosyo nilang magkapatid na maganda naman ang takbo ngayon. Ayaw naman nito tanggapin ang inaalok niya na pera, pinapabalik pa sa seller ang mga pinapadeliver niya. Maging ang mga prutas na kinakahiligan nito na pinapadala niya ay binabalik sa mismong gate ng bahay nila.

"I've brought some good news." Anang ng kanyang ina na nakatayo sa may pintuan ng kanyang kwarto. Nilapitan siya nito at pinagmasdan rin ang pinagmamasdan nito.

"Pina-cancel ni Julius ang wedding niyo ni Inah due to Claveria Corporations' Financial Problems. Marami sa share and stockholders ang umalis sa Company nila." Nakangiting pamamalita ni Stacey sa kanyang anak."Kaunting kembot na lang, mahahalata na ang tiyan ni Stellar."

"Mom, ano na naman ang ginawa niyo? Kayo lang ang kilala ko'ng may kakayahang paalisin ang mga shares and stockholders ng isang kumpanya eh. Kayo ni Tito Hendricks."

"Nothing. I'm just giving myself an enough time bago tanggapin yang si Inah. I will help you no matter what happen. Kahit pa malaman ni Aly, kahit magalit pa siya sa akin." Nakangiting sabi niya sa kanyang anak. "Leave it all to me."

"Ano? Tatayo ka na lang dyan? Do something. Kausapin mo si Stellar."

"Napagplanuhan na po namin yan ni Ayla, Mom. Iseset-up namin ang lahat sa Mall mamaya."

****

Sa kabilang banda naman, hapon na nang mapagpasyahan ng magkapatid na Scarlett at Stellar na umalis papunta sa isang Mall kung saan magkikita-kita sila ni Ayla. Balak na sana nila mamili kahit paunti-unti ng gamit para sa Nursery Room ng bata. Pinayagan na rin muli ni Axl na makalabas-labas ng bahay ang dalaga kaso nga lang, kailangan palaging kasama si Scarlett o kahit isa sa mga kapatid nito na lalaki. Nagkataon lang na pare-parehong abala ang mga ito para sa parating na Mid-Terms exam. Nagsisimula na rin pumasok sa Review Center si Rich dahil balak nitong mag-licensure exam kaagad pagkagraduate nito sa kurso niyang Engineering kaya naman minsan na lang kung makasama nila ito.

Unti-unti na ring nagbabalik sa ayos ang samahan nila. Ang kinaibahan na nga lang, si Matteo na ang lumalayo. Para sa kanya, masyado nang makapal ang kanyang mukha kung haharap pa siya sa magkakapatid na Wu.

Chasing Mr.Coldhearted's HeartUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum