Chapter Three

175 8 11
                                    

Stellar's POV

"D'yan ka na sa Front Seat.Dadaan kasi tayo kina Ayla.Pag-uusapan pa namin ang mga susuotin namin sa Pageant."anang ni Scarlett saken.

Paano ba naman kasi,pinipilit nya na sa Front Seat na ako maupo at katabi pa si Matteo kahit pa kasya naman ang 3-4 persons sa backseat.

"Kasya naman tayong tatlo sa likod ah?"Pagkontra ko naman at pilit na pumapasok sa Montero Sport.

"Duh.Pagmumukhain mong driver natin si Kuya Matteo.Sa gwapo niyang yan?Saka,okay lang yan.Bagay naman kayo.Promise,hindi kami mag-iingay ni Ayla sa likod."sabay harang pa nito sa pintuan ng kotse na kinainis ko naman.

"Arrgh! You're so mean."inis na sabi ko sa kanya saka napilitang pumasok at naupo sa may front seat ng kotse ni Matteo at pumasok na rin siya sa may bandang backseat.

"Ang tagal niyo naman."Puna sa amin ni Matteo na sinisimulan na i-start ang engine ng sasakyan niya.Pinaningkitan ko naman siya ng tingin.

Kapag talaga siya ang nakakaharap o nakakausap ko,automatic na mas sumisingkit pa lalo ang singkit kong mga mata.

"Ito kasing kakambal ko,ang arte-arte.Choosy pa sa katabi."Pinandilatan ko naman ng tingin si Scarlett dahil sa sinabi niyang yon at nagpeace sign lamang siya bago ko ibinaling ang tingin kay Matteo.

"Makikinig na lang ako ng music"dagdag pa ni Scarlett bago isinalpak ang airpods niya sa tenga.

"Sinabi ba namin na maghintay ka?"Pambabara ko naman at ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana

"Sungit naman nito.Para nagbibiro lang."sabi niya at pinaandar na ang kotse palabas sa garahe ng bahay namin.

"Yung totoo?Ilang kilo ng mais ang kinain mo?Bakit ang corny mo?"tanong ko sa kanya habang diretsong nakatingin lang sa daan na palabas sa subdivision na pag-aari ng Pamilya namin.

"Tumawa ka naman minsan.Sa buong buhay ko,never kita nakitang tumawa o ngumiti man lang.Magkano ba ngiti mo?" Tanong nito sakin at pansin kong lumingon pa ito ng saglit sa akin.

"Mas mahal pa sa buhay mo ang ngiti ko.Nasagot ko na ba ang tanong mo?Magdrive ka na lang dyan.Baka maaksidente pa tayo,mahal ko pa ang buhay ko."Mahabang sagot ko sa kanya at binalik ang tingin sa labas ng bintana.

➖➖➖

A

fter an hour,nakarating na rin kami sa School na pag-aari naman ni Mommy.Kaunti na lang,malilate na kami kase dinaanan pa namin si Ayla sa  inuupahan nitong bahay at naipit pa kami sa walang kamatayang traffic.

Haaay.Housemate sana kami ni Ayla kung pinayagan lang sana ako ni Daddy.Gusto ko na rin magkaroon ng part-time job at maging independent na tao.Hindi naman kasi pwede na habambuhay ako aasa sa mga magulang at mga kapatid ko.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa University,pinagmasdan ko muna ito ng mabuti.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa University,pinagmasdan ko muna ito ng mabuti

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

Ito yung lugar kung saan nagsimula ang lahat.Ito yung lugar kung saan nagkakilala at nag-aral ang mga magulang ko.Ito rin ang pangalawang tahanan namin ni Scarlett sa tuwing walang mapag-iiwanan si Mommy sa amin sa bahay nung mga bata pa kami.

At ngayon,andito kami bilang isa na sa mga estudyante ng school na to.At alam ko na balang araw,sa amin na ito ipagkakatiwala ni Mommy.

Napansin ko naman na kanina pa pala kami pinagtitinginan ng mga tao dito at alam kong dahil yon kay Scarlett dahil sikat na talaga siya mula nung High School Days pa namin sa Brent High.

Sikat siya dahil sa kanyang Fashion Sense nito at sa pagiging Queen Bee nito.Lahat,napapasunod niya sa gusto niya.

Habang ako,medyo lang.Kilala lang naman nila ako dahil sa kakambal ako ni Scarlett,mga Kuya ko ang Wu Triplets,at dahil na rin sa anak ako ng dalawang business tycoons ng Asia.

At kilala lang rin nila ako pag may kailangan sila...

Charot!Nabasa ko lang yan sa facebook.

Kaya mas okay na yung maging loner lang ako nung High School kesa maging kaibigan ang mga manggagamit.

But then,ngayong College na ako at dito din nag aaral ang Family-Friends namin,hindi na siguro ako mag-iisa.

' Ang ganda pala talaga ni Scarlett sa personal,ano? Kaso mataray daw yan,sabi nung kapatid ko na junior nila noon.' Rinig kong bulong ng isa sa mga Senior student,kung bulong man ang tawag doon.

Sus,kung alam niyo lang.Yung sinasabihan niyong mataray,binabara ko lang yan pag kami-kami lang.

' Ang gwapo talaga ni Matteo. But,he's so cold-hearted naman.' Puna naman ng isa sa mga estudyante doon na nagmukha nang clown dahil sa kapal ng make up.Balak yata mag audition para sa Chapter Three ng 'It'.

Talaga ba?Nagaguwapuhan s'ya sa refrigerator na to?Pero tama s'ya...cold-hearted s'ya.

Oh?Akala n'yo,aagree ako na guwapo ang isang 'to ano?No way.

Over my dead body.

' Ang ganda sana ng kakambal ni Scarlett. Ang kaso,nerd. Ang baduy ng porma. Hindi halatang kakambal ni Scar---'

Naputol naman ang dapat na sasabihin nung bakla na yon dahil napalingon ako sa sinabi n'ya.

Pinaningkitan ko lang ito ng tingin,sapat na para mapaatras s'ya.

Medyo nainsulto ako doon ha.Ang laki ng problema niya sa Fashion Sense ko.E sa dito ako komportable,may magagawa ba s'ya?

"Watch your words.Hindi pinoproblema ni Stellar ang rainbow-colored-hair mo kaya wag mo siya problemahin.You better watch your words."Nabigla ako sa warning ni Matteo sa bakla na yon.

"Go back to your rooms."rinig ko pang utos nito sa kanila na agad naman nila sinunod.

Graduating student kasi itong si Matteo.Plus,s'ya pa ang President ng buong batch nila kaya madali sa kanya na pasunurin ang mga Juniors niya.Syempre,maliban sakin.Bahala s'ya sa buhay niya.

Naramdaman ko naman ang marahang pagtapik sakin ni Ayla dahilan upang mapalingon ako sa kanya.

"Samahan ko na si Scarlett sa building ng Department namin.Si Kuya na ang bahala sa'yo."Paalam sakin ni Ayla na ikinatango ko na lang saka sila naglakad papunta sa Building ng mga Fashion Arts Design Students.

"Let's go?"Paanyaya sakin ni Matteo at napilitan ako tumango.Sabay na rin kami naglakad patungo sa Business Administration Building.

Sa ayaw at sa ayaw ko man na s'ya ang kasama ko,s'ya pa rin talaga ang makakasama ko.

Kasi,s'ya ang Senior ng Department namin.To top it all,President pa s'ya.

Ayaw ko man aminin at tanggapin,pero mas may power kesa sakin ang lalaking to dito sa school namin.Bonus pa yung 'Hearthrob-kuno' pa s'ya kaya walang-wala talaga ako sa kanya,sa ngayon.

"Sa susunod,wag mo na lang pansinin ang mga ganon.Baka pag-initan ka pa ng ibang estudyante dito kung papansinin mo ang negative thoughts nila sa'yo."mahabang sabi nito habang nakasakay kami sa School Escalator namin.

And yes,may escalator ang School namin.Parang Mall lang ang datingan.

"And wag mo pansinin ang sinasabi nila dahil sa porma mo.You look cool and beautiful when you're comfortable on what you're wearing."

Hindi ko iniexpect ang mga sinabi niya.Talaga bang naappreciate niya ang kung ano lang ako?

Dapat pala,pinapakain ito ng Cookies na gawa ni Mommy.I think,effective yon.Hindi na niya ako inasar dahil sa cookies ni Mommy.

➖➖➖

Dew_Berry

Chasing Mr.Coldhearted's HeartUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum