Chapter Thirteen

137 5 0
                                    

"Kain na tayo!" Pasigaw na tawag ni Roberta sa mga kaibigan mula sa kusina kung saan niluto na niya ang mga pagkaing dala sa kanila ng kapitbahay na siyang tauhan rin at nautusan ni Natalie upang mag-asikaso sa magkakaibigan.

Ang mga kaibigan naman niya ay nagsipuntahan na sa kusina kung saan nakalatag na sa hapag ang mga sariwang pagkain at saka sila naupo sa mga upuan ng isang mahabang mesa.

"For sure, sira ang diet ko! I didn't expect na ganito ka-fresh ang foods dito." Komento ni Athena habang nakatingin sa bagong luto na kare-kare na nasa harapan niya.

"Mapapalakas na naman ang kain natin nito ah. Luto mo, Berta?" Tanong ni Axrael at tinikman ang pritong tuyo na first time nilang matitikman. "Ang sarap nito ah? Makapag uwi nga nito sa Manila."

Habang pinagmamasdan ni Roberta ang mga kaibigan kung gaano sila nag-eenjoy sa pagkain nila sa probinsya, napapangiti na lang siya. Hindi niya akalain na ang mayayaman na magkakaibigan na ito ay matutuwa sa mga ganong klase ng pagkain.

Samantala, napalingon siya sa isang tao na tahimik lamang na pinagmamasdan sila, si Rich.

Sa unang sulyap pa lang, parang nababatid na ni Roberta kung bakit hindi ito nakikigulo sa pagkain.

Ang arte naman nito, parang siya lang ang pihikan sa magkakapatid!

"Kain ka na Rich! Masarap yan!" Alok ni Axrael sa kapatid at talagang pinaghain pa ito.

Napangiti naman si Roberta dahil tila ba mali yata ang naging impression niya sa binata.

"Pagkatapos nito, dito muna kayo sa bahay ah. Mamamasyal tayo mamaya sa Plaza. Aasikasuhin ko pa kasi yung sakahan namin, nagkanda utang utang na. Makikiusap muna ako sa pinagkakautangan namin." Paliwanag ni Roberta sa mga kaibigan habang kumakain sila ng agahan.

"Bakit di mo sinabi kay Mommy, ate? E di sana natulungan ka namin?" Tanong ni Ezekiel sa nakatatanda niyang pinsan at katabi niya si Scarlett na hindi man lang siya pinapansin.

"Nahihiya na kasi ako kay Tiya, gagawaan ko na lang to ng paraan. Ako na ang bahala."

"Andito na din lang naman tayo, bakit di natin tulungan si Berta? Ikaw Rich, idaan mo sa pagpapacute yung pinagkakautangan nila!" Utos naman ni Alex sa kakambal nilang bunso na halatang nabigla sa gustong mangyari ng Kuya niya.

"Ako?" Tanong pa ni Rich habang tinuturo ang sarili.

"Naman! Sino pa ba ang ibang Rich dito?" Sagot ng Kuya nito at binato pa siya ng nilamukos na tissue paper. "Lumilipad na naman ang isip mo!"

"Tss. Huwag niyo ako masali-sali dyan sa mga plano niyo." Sagot naman ni Rich saka ito nagpatuloy sa pagkain.

Hindi na nagtataka si Roberta na tumangging tumulong sa kanya si Rich. Simula't sapul naman kase, ay talagang di na sila magkasundo at hindi niya alam ang dahilan.

"Instead of mamasyal sa plaza, bakit hindi na lang natin itry ang magtanim sa palayan nila? That would be a great experience though. What do you think, guys? Scarlett? Stellar?" Magiliw na suhestiyon ni Ayla sa mga kaibigan.

"Ako, ayos lang. I have my green thumb. Mahilig ako magtanim." Pagsang-ayon ni Stellar kay Ayla na ikinangiti naman ng dalaga.

Kahit kailan talaga, never siya matatanggihan ni Stellar lalo pa at alam niya ang sikreto ng kaibigan!

"Ikaw, Scarlett? Okay lang sa amin kung ayaw mo, alam namin na ayaw mo'ng nagpapagod." Sabi naman ni Matteo sa kakambal ng kasintahan.

"No. I'm okay with that. Para ma-divert naman sa iba ang attention ko." Makahulugang sagot ni Scarlett na ikinayuko naman ni Ezekiel.

"Ay nako, mamaya na ang daldalan. After nito, puwede pahinga muna tayo bago magpunta sa palayan nina Roberta? Kulang na kulang tayo sa tulog!" Anang naman ni Julian at talagang humikab pa siya.


Kinahapunan nga, matapos ang mahabang pagpapahinga ng magkakaibigan ay nagpasya sila na sumama sa Palayan ng pamilya ni Roberta na kasalukuyang nakasangla sa Pamilya Roces na siyang isa sa pinaka mayamang pamilya ng Probinsya.

Hindi naman ito kalayuan mula sa Bahay na tinutuluyan nila kaya kaagad silang nakarating sa Palayan.

"Ang laking palayan naman pala nito kaya siguro sinangla ito ng parents mo for 800,000." Saad ni Athena habang tinatanaw ang palayan na pag aari nina Roberta.

"Oo. Namomroblema na nga ako kung saan ako kukuha ng ganyang kalaking halaga. Ayoko namang hayaan na lang sa matapobreng pamilya na yun ang lupain ng magulang ko. Ayan na lang kasi ang iniwan nila sa akin." Malungkot na sagot ni Roberta saka ito napayuko habang naglalakad sila palapit sa masisilungang malaking puno. "Ayaw ko naman sabihin kina Tiya Natalie. Nakakahiya naman. Malaki na ang itinutulong niya sa akin ngayon."

"E di sana nagsabi ka sa amin. E di sana, nakahingi tayo ng tulong kahit kay Uncle Jordan man lang." Turan naman ni Axrael na pilit umaakbay kay Ayla kaya naman napaaray ito dahil sa pagtampal sa braso nito.

"Sino naman yun?"

"Uncle siya ng Wu Siblings, older brother ni Aunt Aly. Expert siya sa mga kalakaran ng mga lupa. Isa siyang magaling na abogado." Sagot naman ni Matteo kay Roberta.

"Anla, ayaw ko naman na umabot sa abogado. Gagawaan ko na lang ire ng paraan hangga't kaya ko. Salamat na lang sa tulong."

"Basta kapag nagkagipitan, alam mo'ng puwede ka lumapit sa amin. We're willing to help naman." Nakangiting sabi ni Stellar na halatang nasa good mood.

Pansin na pansin naman ng magbabarkada ang umaaliwalas na awra ni Stellar nitong mga nagdaang araw. Hindi nga lang nila masabi kung ano ang dahilan sa unti-unti nitong pagbabago.

"Alam mo Stellar, naninibago kami sayo." Puna ni Alex sa nakababatang kapatid. "May crush ka na ba? Parang inspired na inspired ka this passed few days. May boyfriend ka ano? Sino yung natapilok sa'yo?"

Nagulat naman si Stellar at Matteo sa tanong ni Alex pero hindi na lang nila pinahalata at baka mas lalong mag suspetsa ang mga kaibigan nila.

Gusto muna nila na intimate and private ang kanilang relationship. Kaya hangga't maaari, ilan lang muna ang makakaalam nito.

"Bakit? Masama bang magbago for good? College na ako and sooner, isa na ako sa magpapatakbo sa A&N and ang sama naman kung panget pa rin ang awra ko." Mahabang sagor ni Stellar sa tanong ng Kuya niya at mas nauna pang lumakad sa mga ito para makaiwas sa mga susunod pa nilang itatanong.

➖➖➖

Dew_Berry.

Chasing Mr.Coldhearted's HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora