Chapter Twenty-Eight

92 5 0
                                    

After 5 months...

Stellar's POV

After almost a year na pa-stay namin sa Canada ay napagpasyahan na namin umuwi para dito ganapin ang 18th birthday namin ni Scarlett pati na ang 1st Birthday&Christening ng anak ko na si Austin. Almost 16hours din ang total hours ng biyahe namin kaya naman hilong-hilo kami pagkalapag na pagkalapag ng plane namin dito sa Wu International Airport.

Naglalakad palang kami palabas ng Terminal ay tanaw na tanaw na namin ang mga kaibigan at Pamilya namin sa Arrival Area. Nangunguna na doon si Kuya Rich na from the start ay supporter na talaga namin. By the way, siya ang kauna-unahan ko na kinuhang ninong ni Austin. Maraming imbitado sa mga event namin dahil na rin sa kilalang model ang kapatid ko. Gustuhin ko man na maging pribado ang mga party namin, hindi pa rin puwede dahil hindi lang naman kami ni Austin ang magcecelebrate ng birthday at ayoko maging madamot sa kapatid ko. Nagpadala na rin ako ng invitations sa mga kakilala namin, kahit kay Matteo na hindi man lang nagpakita kay Austin kahit na sa pangalawang beses lang. Nasa sa kanya na yun kung aattend siya o hindi. Wala rin naman ako balak ipagpilitang magkalugar ang anak ko sa buhay niya.

"Hi!" bati ko sa lahat ng sumalubong sa amin. Andito ang parents at mga Kuya namin kasama sina Julian, Ate Roberta, Ate Athena, si Zeke at si Ate Ayla na alam kong masayang-masaya dahil na rin sa kilala at tanggap siya ng totoo niyang Pamilya na pawang mga Koreano. Samantala, kinuha naman ni Daddy mula sa stroller ang anak ko na kanina pa nakangiti sa kanila at naniningkit pa ang mga mata kapag tumatawa.

"I miss my daughters so much! Hi, my apo!" bati sa amim ni Mommy at kinuha mula kay Daddy si Austin para na rin kunin ni Daddy mula sa amin ang mga bagahe namin at ganun din ang mga Kuya namin. Isa-isa naman kaming niyakap ng mga kaibigan namin. Talagang namiss namin sila. Halos isang taon din kasi kaming hindi nagkita-kita at walang jamming simula nung magkaanak ako. Naging busy na rin kasi ako na maging isang Nanay and at the same time, busy na rin sa pag-aaral at sa online business namin

"Huy Stellar, sumama ka naman sa amin next time. Alam mo, ikaw na lang ang palaging wala." untag sa akin ni Kuya Julian matapos niya ako yakapin.

"Oo nga eh. Nung nasa Canada naman kami, ikaw naman tong umattend ng School Camping niyo. Ala eh, mabuti pa areng si Scarlett, nakakalusot eh. Kayo lang talaga ni Zeke ang namumukod tangi." sabi naman ni Ate Berta kaya naman napangiwi kami.

Speaking of Scarlett and Zeke kasi, meron silang LQ. Yes, despite sa mga naganap ay nagkaroon pa ng lovelife itong si Scarlett. Legal naman sila both sides of our parents at niligawan naman ni Zeke ng maayos ang kapatid ko basta huwag lang daw matutulad sa akin na maagang nagkaroon ng anak at iniwan pa sa ere.

"Oh siya, mamaya na ang kwentuhan. Pumunta na tayo sa bahay. Nagpahanda sina Mommy. Convoy na lang tayo." sabi naman ni Kuya Axrael kaya naman mga nagsipuntahan na kami sa mga sasakyan namin.

***

Matapos namin mag-lunch with my family and friends ay agad kong pinapunta ang kilala naming Event Planner na siyang mag-aayos ng mga events namin for next week. Actually, finishing touches na lang yun dahil nasa Canada palang kami ay si Mommy na ang nakikipag-cooperate sa planner at binibigay na lang dito ang mga detalye na gusto naming magkapatid. Ngayon, gusto ko siguraduhin na nasa lugar ang lahat ng naiplano namin. Gusto ko siguraduhin na kahit Star-Studded ang Party, hindi pa rin mawawala ang Intimacy. This party will be titled as Double S 18th Birthday at bukod pa dun ang para sa anak ko.

Kinagabihan ay napagpasyahan naming magkakambal na pumunta sa isa sa mga Bar ni Daddy to have some fun. Ayoko pa sana pero pinilit ako ni Mommy. Maexperience ko naman daw ang enjoyment at sila na daw ang bahala sa pag-aalaga kay Austin and my Mom do have a point. Puro na nga lang kasi libro at si Austin ang inaasikaso ko.

"Sis, CR lang ako ha. Babalik ako. Don't entertain those guys. Playboys ang mga yan." paalala ng kapatid ko at iniwan ako sa table namin.

Ilang minuto pa nga lang ang nakakalipas ay may lumapit nga sa akin na isang lalaki. Hindi ko ito pinapansin pero patuloy pa rin ang pagpapansin nito sa akin.

"Hi Miss, wanna have some fun?"

"I'm not interested so leave me alone." pataray kong sabi dito ngunit parang hindi siya papatinag.

"Come on, you'll enjoy it. Pakipot ka pa. Hindi na uso ang ganyan ngayon."

"I said, leave me alone. Gusto mo ba ibalik kita sa grade one?!" sigaw ko rito at akmang hihilahin ako nang may kamay na pumigil dito.

"Stop messing with her, Mister. Hindi ka ba nakakaintindi?" si Inah. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nakauniform as a waitress? Sa pagkakaalam ko, wala namang cosplay event sa Bar ngayon at Summerslam Events ang ganap dito.

"Miss waitress, hindi mo alam kung sino ang binabangga mo. I can take her if I want."

"Okay. Then I'll just call Mr.Aldrich Wu and tell him that you're harassing HIS SISTER so you can get another punch from him or better yet idiretso ko na kay Mr.Axl Wu, sa owner mismo ng Bar na isang successful na Business Tycoon. Great Idea, right? And I'll tell him na binabastos mo ang anak niya." banta ni Inah kaya naman agad na umalis ang lalaki sa harap namin.

"Okay ka lang? Gusto mo ba, tumawag ako kay Sir Axl?" nag aalalang tanong niya na ikinailing ko.

Sir Axl? What does it mean?

"Kung may kailangan ka---"

"What are you doing here? Akala ko ba, nasa Japan ka? Kayo ni K-Kuya Matteo?" I asked and she smiled at me.

Pinaupo ko na lang muna si Inah sa tabi ko habang sinabihan ko ang kapatid ko na hayaan na lang muna kami ni Inah na makapag-usap. Sa pag-uusap na yun, doon ko nalaman na nag-hiwalay na sila ni Matteo at fake lang ang marriage nila dahilan para itakwil sila ng anak niya ng kanyang ama at nalaman ko rin na hindi talaga si Matteo ang ama ng anak niya.

"Laking pasasalamat ko nga talaga sa Mommy mo na binigyan niya ako ng Scholarship sa school kaya nakakapag-aral pa rin ako at binigyan pa niya ako ng trabaho dito sa bar ni Sir Axl. Ako na lang kasi talaga ang maaasahan ng anak ko eh." malungkot na saad nito kaya naman nakaramdam ako ng awa.

Kahit papaano ay naiintindihan ko ang nararamdaman niya kahit pa may nagawa siyang pagkakamali sa amin ni Matteo. Alam ko kasi yung pakiramdam na ako lang ang maaasahan ng anak ko. Ang pinagkaiba nga lang namin ay nakasuporta sa akin ang Family ko na kabaliktaran ng sa Daddy niya.

"Sige na, Stellar. Kailangan ko na bumalik sa trabaho."

"Wait a minute." pagpigil ko sa kanya saka kinuha sa bag ko ang isang envelope. "I want to invite you, and your son. I'm hoping na sana makapunta kayo."

➖➖➖

Dew_Berry

Chasing Mr.Coldhearted's HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя