CHAPTER-7 CHANGE SECTION

20 3 0
                                    

Jake's POV

           "Haay, isa nanamang magandang araw ang dumating" grabe ang ganda nanaman nang gising ko, nauna nanaman kasi ako sa alarm ko ehh, makapag countdown nga.

8..
7..
6..
5..
4..
3..
2..
1..

"Titit,titit,titit" tumunog na siya.  "yehey! Tumunog na hahaha", grabe para akong tanga na pumapalakpak dito.

Pagkatapos ko magmukhang tanga doon, tumayo na ako at tumalon talon para magising ang katawan ko.pagkatapos ay naghilamos at nagmumog na ako. At pagkatapos ay bumaba na ako para magluto, at ang niluto ko ay omelet rice nanaman pero with hotdog na, hahaha. Pero may napansin ako, may nabawas na sa sako ng harina dito. Siguro nagamit ko lang to nung nagpractice ako mag bake.

Mabilis na rin akong natapos magluto at ngayon gigisingin ko nanaman ang mga tulog mantika kong kapatid. At ngayon papunta na ako sa kuwarto nila.

" Kuya!" Sigaw yun ni joshua ahh. Kinabahan ako bigla.

"Papunta na ako diyan" sambit ko

"Bilisan mo kuya, dali" pagpapabilis saakin nya.

Binilisan ko ang paglalakad at pagbukas ko ng kuwarto binilisan ko ng pumasok para tignan sila pero nadulas ako at may mga harina sa sahig. Naririnig ko sila na nagtatawanan. "Kayo ahh, pagkatapos ko to linisan malalagot kayo saakin" sambit ko.

Bumaba na ako para kumuha ng pang linis dahil alam ko na hindi nila yun lilinisan. Paakyat na ako nagayon at papasok na ako sa kuwarto nila, pero pagkabukas ko ng pinto may nulog natimba na may tubig at naisakto sa ulo ko. "Wahhh!" Sigaw ko, tinanggal ko ang timba saulo ko." Sino ang may pakana nito?" Tanong ko, at agad namang itinuro ni kyle si joshua."Hawakan mo yan!" Agad naman akong sinunod ni kyle.

Nilapitan ko na sila at hahawakan ko na sana ang kamay ni joshua para pagtulungan namin siya na itapon sa pool pero. Hinila niya ako at niyakap para hindi ako makapalag."Hawakan mo ang kamay kyle" utos niya at ginawa naman agad ni kyle iyon habang natatawa.

Pinagtulungan nila ako na buhatin at malapit na kami ngayon sa pool "wahh!, bitiwan niyo ko" sambit ko.

"Edi bitiwan" sabay na sambit nila at sabay tapon sakin sa pool, at gaya ng dati binilisan ko umahon at  pag talikod nila, inunahan ko sila sabay tulak sa kanila at sabay sila nahulog.

Tumakbo ako sa kusina at kinuha ko ang harina at umakyat ako sa gilid ng pintuan, ng papasok na sila, binuhos ko sakanila ang harina at talagang walang parte ng katawan ang di nalagyan ng harina dahil sa pag kabasa galing sa pool.

"Hahahahaha, o ano kayo ngayon, edi nakabawi ako sainyo, hahahahaha." Nakakatawa mukha silang nabuhusan ng pintura, napakaputi hahahaha.

"Ang daya mo naman ehh" sambit ni joshua.

"Anong madaya? Ehh kayo nga nagsimula ehh" depensa ko sa sarili ko. "Kumain na tayo at maligo na rin pagkatapos para makapasok na tayo" sambit ko.

Sinunod na nila ako dahil kung hindi baka malate na kami. Mabilis kaming nakapasok sa school, buti na lang. Habang naglalakad ako nakita ko si judie. Kaya nilapitan king siya.

"Judie, sabay na tayo pumasok" sambit ko.

"Sige"  habang naglalakad kami di mqn lqng sya nagsasalita, may problema ba?

"May problema ba? Parang malungkot ka yata?" Tanong ko.

"Hindi okay lang ako wala akong problema wala lang ako sa mood " aambit niya.

UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now