CHAPTER-21 DANCE PRACTICE

10 2 0
                                    

Mia's POV

  Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko ngayon lang, naibaba ko ang hawak kong litrato at napatitig doon.

   Kaya pala..., kaya pala kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang dalawang iyon, matagal na kasi ang diary na ito at sa tingin ko ay nasa Visayas pa kami nakatira noon nang ginawa ko ito. Tadhana nga naman, nakakatanga, di ko man lang sila namukhaan. Di ko inaasahan na ang matagal ko nang kinalimutan ay nagbabalik nanaman  at talaga namang napakalaki ang naging epekto nang nalaman ko sa desisyon kong huminto sa dare na ito. Lalo akong naging desididong ituloy ang plano. Hindi na ako muli pang magdadalawang isip sa tuwing makikita ko ang mga kabaitan nila dahil sa mga kasalanan nila saakin, at sa kadahilanan narin na nakalimutan na nila ako.

Mas gagawin kong masakit ang mararamdaman nila gaya nang pag iwan nila saakin, ngayon pa lang ay iniisip ko na kung ano ang mararamdaman nila pag sila naman ang iniwan.

At dahil na rin sa pagiisip ay agad na akong nakatulog.

Zzzzzzzz........

Judie's POV

   Maaga akong nagising ngayong araw, sa tingin ko ay 5:30 am pa lang kaya may oras pa ako para maglinis nang kuwarto. Sinimulan ko na muna sa kama ko,inayos ko ang bed sheet kong gusot gusot pati na rin ang unan kong wala sa ayos. Tapos sinunod ko na rin ang study table kong may mga scrap pang papel na ginamit ko nung isang araw. Pati na rin ang book shelf kong di maayos ang mga libro. Tapos ay winalis ko ang mga kalat sa sahig at inipon sa black bag.

At nang matapos ay napagdesisyonan ko nang iwan ang basura sa labas nang kuwarto at tinawag si manang para itapon ito. At dahil may pasok ngayon ay kailangan ko nang maligo.

Pagkatanggal ko pa lang nang damit ay dumeretso na agad ako sa bathroom at binuksan ang shower, at nang maramdaman ko ang maligamgam na tubig sa aking katawan ay napapakanta na lang ako.

'Cause, ah-ah, I'm in the stars tonight
So watch me bring the fire and set the night alight
Shining through the city with a little funk and soul
So I'ma light it up like dynamite, whoa

Dy-na-na-na, na-na, na-na-na, na-na, life is dynamite
Dy-na-na-na, na-na, na-na-na, na-na, life is dynamite
Shining through the city with a little funk and soul
So I'ma light it up like dynamite, whoa

Dy-na-na-na, na-na, na-na, eh
Dy-na-na-na, na-na, na-na, eh
Dy-na-na-na, na-na, na-na, eh
Light it up, dynamite

Dy-na-na-na, na-na, na-na, eh
Dy-na-na-na, na-na, na-na, eh
Dy-na-na-na, na-na, na-na, eh
Light it up, dynamite

'Cause, ah-ah, I'm in the stars tonight
So watch me bring the fire and set the night alight
Shining through the city with a little funk and soul
So I'ma light it up like dynamite'

Matapos kong maligo ay agad akong naghanap nang maisusuot at pagkatapos ay chineck ko muna ang bag ko kung kumpleto dahil masyado akong burara sa gamit, at gaya nga nang inaasahan ay nawawala nanaman ang ballpen ko. Kaya agad kong kinuha ang extra kong pen sa drawer ko sa study, pero nang kunin ko ang pen ay may nakakuha nang atensyon ko na isang bagay sa loob nang drawer.

Isang litrato, at nang tingnan ko ito ay nakita ko ang litrato naming mga magkakaibigan noong nasa visayas pa lamang kami. Tatlo kaming magkakatabi at magkaakbay sa litrato, ako sa kaliwang gilid, si Jake sa gitna at si Shaun naman sa kanan, di ko alam ang buong pangalan niya, basta ang alam ko ang tawag namin sakanya ay Shaun.

Kumusta na kaya siya?, wala na akong balita sakanya simula nang umalis kami doon upang ipadoktor si papa sa ibang bansa, may sakit kasi sa puso si papa kaya mas maganda daw kung sa ibang bansa dahil mas may kagamitan sila doon kumpara noon doon saamin. Di na kami nakapagpaalam kay Shaun noon dahil biglaan, naaalala ko'y dapat ay magpipicnic kami noon ngunit nang papunta na kami ay bigla na lamang sumakit ang dibdib ni daddy kaya dinala namin siya sa ospital at sabi nga doon ay kailangan na namin siyang paoperahan. Wala naman kaming contact kay Shaun kaya wala na kaming nagawa kundi ang tumuloy na lang sa ibang bansa nang hindi nakakapagpaalam kay Shaun.

UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now