CHAPTER-6 JEALOUS FRIEND

13 2 0
                                    

Judie's POV
         
         Andito ako ngayon sa CR kasi naiihi na talaga ako eh sasamahan ko pa sana si jake pero kailangan ko natalagang umihi kaya pinauna ko na siya. Pagkatapos ko umihi lumabas na ako at nagsalamin, maganda naman siguro ako nuh, magugustuhan pa kaya ako ni jake kahit na bestfriend nya lang ako?, alam ko na gusto nya si mia pero ano ba ang meron kay mia na wala ako? Maganda rin naman ako, matalino, mabait. Pero natawa ako sa nauna kong naisip, na maganda ako kahit hindi naman, tsaka alam ko naman na wala na akong pag-asa para mapansin ni jake eh, sa mga tinginan nya pa lang kanina alam ko nang may gusto sya. Oo, nakita ko syang nakatingin kay mia kaya kumaway ako sa harapan nya para tumigil na sya dahil nagseselos ako kahit wala naman akong karapatan.

Matapos ko mag emote emote doon sa banyo bumalik muna ako ng room para kuhanin muna sana ang phone ko bago ako pumunta sa garden kung saan nandoon si jake, kaso dumating na si ma'am kaya wala na rin akong nagawa, hihintayin ko na lang sya bumalik dito di naman sya nagdi-ditch ng klase.

Pero ang pinagtataka ko lang bakit wala pa sya eh magkakalahati na ang first subject namin ngayong hapon 1:30 na.

Maaga natapos ang first subject namin mga 1:50 palang ng hapon pero wala pa rin siya, puntahan ko kaya sa garden baka nakatulog lang.

Naglakad na ako papunta doon at napansin kong may kasama siya at nang makalapit ako... Si mia ang kasama nya at talagang nagulat ako doon kasi lahat ng inaasahan ko ay wala siya doon.

Lalapit na sana ako pero biglang nagsalita si mia. "Angsarap mo pala kausap eh, pwede ba tayong maging friends?" At iniabot niya ang kamay niya kay jake.

Inabot niya ang kamay ni mia " Friends" at tumayo na siya." Salamat sa pakikipag-usap malalagot na ako sa next subject ko kung di pa ako papasok eh" sambit niya at nagsimula ng maglakad at mukhang papunta siya sa dereksiyon ko kaya tumakbo na ako pabalik ng room na hinihingal.

Umupo na agad ako sa upuan ko, at buti nalang di na ako hinihingal nung dumating si jake alam ko kasi na magtatanong nanaman siya baka kung ano pa masabi ko.
Pero bakit magkaibigan na sila, ang alam ko may galit sakanya si mia? tatanungin ko na lang bukas siguro siya.

Nagsimula na ang sumunod na klase kaya di na rin kami nagkausap.

DISCUSS
DISCUSS
DISSMISSAL

"Sige besprend uwi na ako , bukas na lang ulit" nakangiti niyang sambit.

"Bakit ang saya mo yata?" Tanong ko sakanya.

"Syempre" sambit niya.

"Syempre ano?" Tanong ko ulit.

"Basta" sambit niya.

"Ano kasi yun?" Pangungulit ko.

"Hapon na eh, sige bukas ko na lang sasabihin, bye" pagpapaalam niya.

"Okay bye" pagpapaalam ko rin.

Naglakad na ako palabas para hintayin si manong, yung driver namin. At buti nalang dumating na kagad siya. Umupo ako sa likod at sinandal ko ang ulo ko sa upuan.

Angdami ko ngayong iniisip at nalaman grabe. Di ko inakala na magiging magkaibigan ang dalawang yun, akala ko ba talaga may galit si mia kay jake?, mukha na akong tanga dito, nagseselos ako kahit bestfriend nya lang naman ako.

"Ma'am andito na po tayo" sambit ni manong.

"Ahh okay po" bumaba na ako, di ko man lang napansin na nasa bahay na pala kami.

UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now