CHAPTER-18 WHO ARE YOU?

5 2 0
                                    

Judie's POV

        Nagpunta na ako sa ibat ibang stalls dito ngunit di ko pa rin sila nakikita, at isa na lang ang hindi ko nakikita, doon sa Toms World..

Pagkapasok ko pa lang ay napakaingay na puro tunog nang mga arcades ang naririnig ko. At habang naghahanap ay umupo muna ako sa isa sa mga sasakyan nang mga bata. Mukha akong tanga pero ayos lang, gusto ko naman to ehh.

Hinanap nang paningin ko sila, at nang tumama ang paningin ko sa sharp shooter ay nakita ko silang dalawa. Pero imbes na mapangiti dahil nakita ko na sila ay nalungkot ako dahil kaming dalawa ni Jake ang gumagawa niyan ehh, paramihan kami nang makuhang ticket. Pero nakikita ko silang magkasama at masaya, masaya naman kami pag kami ang naglalaro pero iba ang mga ngiti nito kay Mia, nakakainggit.

Piangpatuloy ko lang ang panonood, at nang papalabas sila ay agad akong tumalikod sa gawi nila at basta na lang naghulog nang token sa sinasakyan ko ngayon upang gumalaw ito.

"Ma bakit nakasakay yunga ate doon, diba pang bata lang yan?" dinig kong sabi nang bata na nasa tapat ko lang.

"Baka siguro may problema sa pag-iisip anak, akala niya siguro bata siya." Dinig ko namang sagot nang nanay nang bata.

Lumingon ako sa gawi nang labasan, at nakita ko na wala na sina Jake kaya umalis na ako sa aking sinasakyan at bago ako umalis ay lumapit muna ako sa mag-ina.

"Hindi po ako baliw, hindi na po ba pwedeng magsaya ngayon?, gusto ko lang naman pong sumakay doon dahil namimiss ko yung pagsakay ko doon nung maliit pa ako tsa kung gusto ko mang sumakay doon, wala na kayong pake doon, kung gusto niyo sumakay din kayo hindi yung pinakekealaman niyo ako" pagpapalusot ko sa kanila upang malinis ko ang pangalan ko sa iniisip nila. "Excuse me" tsaka ako umalis nang hindi na hinihintay kung may sasabihin pa yung nanay.

Nang makalabas ay nakita ko na lang sila sa isa sa mga restau dito at kumakain. Pumasok agad ako doon at umupo sa medyo may kalayuan sakanila, sapat lang para makita ko ang ginagawa nila.

At dahil gutom na rin naman ako ay umorder na lang rin ako nang makakain. At habang kumakain ako ay muntik na lang akong mabulunan nang makita kong sinusubuan ni Jake si Mia at mukhang nagtatawanan pa sila.

At nang matapos ay agad na silang nagbayad nang bill pati na rin ako syempre at muli silang sinundan, at ngayon naman ay papunta na sila sa cinema kaya naghintay muna ako na makapasok sila bago ako pumila. Horror ang movie kaya nagdalawang isip akong bumili nang ticket, ngunit dahil nasa unahan na rin ako ay napilitan na rin akong bumili at pumasok sa loob. Magsisimula pa lang naman ang movie kaya lumabas na muna ulit ako at bumili nang pop corn, pampabawas takot ko dahil matatakutin talaga ako.

Pagkabili ko nang pop corn at drink ay humanap na agad ako nang puwesto malapit sakanila.

Malapit na magsimula ang movie kaya inilapag ko na ang pop corn ko at drink saka ako umupo sa upuan.

At nang magsimula na ay medyo di pa ako natatakot dahil sa mga simula nang ganitong penikula ay hindi pa pinapakita yung nakakakabang scenes, parang nagpapakilala pa lang nang mga characters sa story, sa pagkakaalam ko ay IT ang pinapanood namin.

At dahil wala pa naman sa intense ang palabas ay tinutukan ko muna sila Jake at Mia, at nanlumo naman ako sa aking nakita dahil nagsusubuan nanaman sila, pati sa inumin ay tinutulungan ni Jake si Mia. At dahil nalung kot ako ay tumutok na lang ako sa pinanonood.

Nakakatakot ang mukha ni pennywise, i hate clowns talaga, ayoko sakanila, alam ko ring ayaw ni Jake sa clowns kaya nang habulin ni pennywise ang lalaki sa loob nang kanal ay napatili ako sa kaba ngunit hininaan ko lang baka kasi marinig ako nina Jake.

Tinignan ko rin ang reaksiyon ni Jake sa eksena ngunit napanganga ako nang mapayakap si Mia kay Jake  habang si Jake ay gusto ang nangyayari, ngunit bakikita kong nagpapanggap lang itong hindi takot.

Nawalan na ako nang gana na manood, imbes na matakot sa pinanonodd ay para akong maluluhang bata dahil sa aking mga nakikita. Kaya hanggang sa matapos ang palabas ay nakanguso lang akong nakatitig sa kanilang dalawa.

Gaya kanina ay hinintay ko muna silang makaalis bago ako lumabas. At nang makalabas ay tinamad na akong sumunod sakanila kaya agad na alang akong lumabas nang mall dala dala ang coffee at umupo muna sa isa sa mga bench sa labas.

At habang humihigop sa aking kape ay may narinig akong pamilyar na boses.

"Salamat sa araw na ito Jake, nagenjoy talaga ako" si Mia gaya nang inaasahan ko. Nakapark lang pala malapit sa harapan ang kotse niya.

"Wala yun, ako nga ang dapat magpasalamat sayo ehh, kasi pumayag kang makipagdate ulit saakin." Lumapit ako nang konti sa gawi nila upang makita sila, nakasandal si Jake sa pinto nang kotse niya habang si Mia ay kaharap niya.

Sandaling katahimikan ang naganap bago muling may nagsalita." Salamat talaga, at dahil nag-enjoy ako, may ibibigay ako sayo.." si Mia.

"Ano y-" pahinto si Jake dahil bigla na lang siyang sinunggaban ni Mia nang halik sa labi. At pagkatapos nang saglitang halik na yun ay halata sa mukha niya ang gulat. Maging ako ay nagulat sahil di ko inaasahan ang ginawa niya.

"P-para saan yun?" Tanong ni Jake.

"Yun yung gusto kong ibigay sayo, pasasalamat ko sa date nating ito."

"Ahh.." hindi pa rin makapaniwala si Jake.

"Ahh wait lang pala Jake, pupunta muna ako sa CR sandali, hintayin mo ko diyan okay?".

"Okay"

Yun na lang ang pinakinggan ko dahil bago pa makalapit si Mia sa gawi ko ay lumayo na ako, bumalik ako sa bench kanina at yumuko. Hindi ko namalayan na nangilid na pala ang luha ko at ngayon ay kusa na itong tumutulo.

Angsakit sakit pala, matagal na akong may gusto kay Jake, I never expect na magkakagusto ako sakanya. Pero sa isang iglap bigla na lang akong nahulog sakaniya. Sabi nila Falling inlove unexpectedly to a person is the best, but they don't know that when you fall unexpectedly in a wrong person that is the most hurtful thing that happens.

Hindi ko naman ginusto na magkagusto sakanya, basta na lang nung patagal na nang patagal ang samahan namin ay lalo akong nagkagusto sakanya.

Akala ko dahil sa kiss namin kanina at sa suporta nang mga kapatid niya ay mayroon na akong pag-asa pero wala pa pala. Napakatanga ko lang dahil umaasa akong magkakaroon nang kami gayong may nagugustohan na siyang babae.

Ngunit nang itinaas ko nang kaunti ang aking paningin ay may nakita akong kamay na may hawak na panyo na nakalahad saakin. "Why are you crying?"  Sabi pa nito nang mag-angat ako nang paningin dito. "Kailangan mo nang panyo?". Matangkad itong lalaking nasa harapan ko at masasabi kong maganda siyang lalaki. Napakaganda nang ngiti nito saakin habang inilalahad niya ang kamay niyang may hawak na panyo saakin. At nang hindi ako sumagot ay sumenyas siya na kunin ko ito."use it".

At dahil ayoko siyang mapahiya ay kinuha ko na at pinunas ko sa mga luha ko ."Thank you, bakit mo ako pinuntahan dito?, who are you?".

-To be continued...

UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now