Judie's POV
Pagkatapos kong tawagan si Jake kanina ay inayos ko na lahat nang maari kong dalhin na makakatulong sa project namin.
Kumakain na ako ngayon ng umagahan dahil pagkatapos ay magpapahatid na ako kay manong papunta kina Jake.
Dinalian ko na rin ang pagkain dahil exited na akong pumunta kina besprend, magkakasama nanaman kami.
"Mom aalis na po ako, pupunta ako kina Jake gagawa nang project!"pagpapaalam ko kay mama matapos kong kumain.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni mommy at dali dali na akong nagtungo sa sasakyan at nagpahatid kay manong.
Malapit lang ang bahay namin kina Jake, siguro mga ilang kanto lang ang layo kaya mabilis akong nakarating.
Pagkababa pa lang ay nag door bell agad ako at dahil nga wala silang katulong ay matagal pa akong naghintay para pagbuksan ako ni Jake nang gate.
"Oh Judie, ang aga mo ahh?, pasok ka sa loob" Bungad niya pa saakin.
"Oo papasok ako sa loob alangan namang pumasok ako sa labas?" Pamimilosopo ko pa sakanya.
"Hay nako besprend loko ka talaga, ang aga-aga namimilosopo ka na."
"Hahahaha alangan namang hapon ako magsimula, mas magandang mamilosopo sa umaga para masaya hahahaha"
"Hay nako tara na nga!, loko ka talaga, tulungan mo muna akong maglinis habang maaga pa kasi susunduin ko pa si Mia."
At gaya nga nang sinabi niya ay pumasok na kami at nagsimula nang maglinis.
At dahil nga malaki ang bahay nila ay di ko maiwasang mag reklamo. "Jake, kung ako sayo, kukuha na ako nang maid kasi malaki tong bahay ninyo, nakakaya mo bang linisan yan nang mag-isa?, tsaka pumapasok din kayo sa school, ikaw rin ang gumigising nang maaga para magluto nang umagahan at gisingin ang dalawa mong tulog mantikang kapatid, di ka ba nahihirapan?"
"Alam mo Judie, nasa plano ko naman talaga yan ehh kaso wala akong time para maghanap nang maid , at tsaka kung magrereklamo ka lang naman ay wag ka nang tumulong."
"Luh? Nagtanong lang nagrereklamo na?, di ba pwedeng concern ako sayo kaya ko tinanong yun?" Pagpapalusot ko pa.
"O sige-sige tara nang bilisan, itong sala lang naman ang lilinisan natin ehh nagrereklamo ka pa."
"Oo na!, di na magrereklamo, itong sala lang naman pala ehh, sana kanina mo pa sinabi para di na ako nag-salita."
At nang matapos akong mag walis ay sya namang sinabi ni Jake na sya na lang ang magdu-dustpan nang kalat at magtatapon non, inutusan niya na lang akong gisingin ang dalawa niyang kapatid kaya't agad na akong nagtungo sa kuwarto nilang dalawa.
Nakita kong may awang ang pintuan nila, kaya ang ibig sabihin lang noon ay may binabalak na naman silang gawin. Noong huli akong nanggising sakanila ay naglagay sila nang tali sa daraanan ko papasok sa room nila kaya natumba ako nang padapa, napakasakit nang katawan ko noon, pero agad din naman silang nag-sorry dahil para dapat daw yun sa kuya bila talaga imbes na saakin.
Nang nasa harap na ako nang pinto ay sinipat ko muna ang taas dahil baka may nakalagay,pero wala kaya agad ko nang binuksan ang pinto ngunit may tali pala sa likod ito at nakakonekta ang tali sa isang halata na ginawa nilang catapult na ang bala ay pie, kaya nang mabuksan nang tuluyan ang pinto ay na release na ang bala nito at tumilapon saakin.
Pagkapunas nang mukha ay tumingin ako nang masama sa magkapatid na gulat na nakatingin saakin. "Bakit ninyo ginawa saakin ito?, mga loko!".

YOU ARE READING
UNEXPECTED LOVE
РазноеThey say that falling inlove unexpectedly is the best, but they don't know that when you fall inlove in a wrong person, that is most hurtful thing that you will experience.