CHAPTER-11 MALL

9 2 0
                                    

Judie's POV

        Naisip ko lang bakit pa ako aasa kung sa iba siya sasaya, kaya kong magparaya para lang sumaya siya dahil mahal ko siya, at tanggap ko na na hindi na magiging kami. Kaya, kaya ko nang magparaya para sumaya siya, tutulungan ko siya para tuluyan na akong makamove-on sakanya.

"Ahh judie pwede na ba akong makakuha ng advice?" Sambit ni jake.

"Oo naman, diba gusto mo si mia?, kung gusto mo pang mapalapit sakanya, simulan mo na ang first move mo" payo ko sakanya.

"Oo nga nuh" sambit niya habang nag-iisip.

Bigla na lang akong may naisip kaya agad ko itong sinabi sakanya."Paano kung di na lang ako sumama sainyo mamaya sa mall, manood kayo ng sine pagkatapos niyong bumili ng materials para sa project ".

"Sige pero okay lang ba sayo yun?" sambit niya.

"Oo naman, di ba nga ako yung nagsuggest niyan sayo?" Sarcastic kong sabi.

"Oo nga naman, sorry na ah" sambit niya, hayy, di nya ba alam na joke yun?.

"Joke yun eh, grabe sya" sambit ko.

"Sorry na nga eh" sambit niya."Ganito na lang, pag naging maganda ang resulta, ililibre kita ng ice cream".

"Yehey! Galingan mo ah, di ako sumama para dyan kaya galingan mo" paalala ko dahil gusto ko rin naman kasing pumunta ng mall.

"Oo na, pero salamat talaga ah " sambit niya sabay yakap saakin. Bigla akong namula kaya itinulak ko siya.

"O bakit? Parang yakap lang, pasasalamat ko lang naman yun eh" sambit niya sabay tawa.

"Sige na tara na at baka malate na tayo sa first subject natin ngayong hapon" sambit ko dahil male late na talaga kami.

"Sige tara na" sambit niya sabay tayo. Inilahad niya ang kamay niya saakin at agad ko naman itong inabot. Napakagentleman naman nitong bestfriend ko.

"S-salamat" sambit ko dahil namula nanaman ako ay napautal pa ako sa pagsasalita, eh kasi naman ginawa niya iyong ng nakangiti, grabe kinikilig ako, parang gusto kung tumakbo sa buong school at pakainin ang buong barangay namin.

Nang matauhan na ako ay binitawan ko na ang kaniyang kamay dahil hindi ito tama, di dapat ako ganito dahil baka mahulog na naman ako sa kaniya, masasaktan lang ako.

Naglakad na kami papauntang room at saktong pagkarating namin doon ay paparating na ang teacher namin. Kaya tumahimik na lang kami at umupo, Sana maging successful ang lahat mamaya.

Nagsimula na ang klase kaya tumahimik na talaga ang lahat at nagsimula nang makinig.

DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISMISSAL

JAKE'S POV

       Sobra akong nagpapasalamat kay judie dahil nga binigyan niya ako ng chance na mapalapit pa ng husto kay mia kahit na hindi siya makasama saamin, kasi alam ko namqn na gusto niya rin na pumunta doon ngunit mas inalala niya ang gusto ko. Kailangan ko na mapagtagumpayan itong gagawin ko dahil walang silbi ang hindi pagsama ni judie kung due ko to magagawa, kaya ko to, fight, fight, fight!.

At dahil nga uwian na, kailangan ko nang magpaalam kay judie at iuwi ang mga kapatid ko para makapunta na kami sa mall.

"Sige judie mauna na ako, iuuwi ko pa kasi ang mga kapatid ko eh, kita na lang tayo bukas" sambit ko sakanya.

UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now