Jake's POV
"Hayy,isa na namang magandang umaga ang dumating" sambit ko habang naguunat ng kamay. Huwebes na ngayon at alam ninyo ba kung anong meron ngayon?, makakasama ko na naman si mia mamaya kasi pupunta kami ng mall para bumili ng materials sa project. Napangiti na lang ako sa naisip ko.
Tumayo na ako at tumalon talon para magising ang katawan ko at pumunta ng banyo para maghilamos ng mukha at magtoothbrush. Pagkatapos non ay bumaba na ako para magluto ng umagahan. At dahil masaya ako ngayon, marami akong lulutuin. Hotdogs, bacon, egg at gagawa na rin ako ng sandwich at omelet rice para saamin. Mabilis lang rin ako natapos sa pagluluto at alam ko na may posibilidad na gumawa na naman ng kalokohan ang mga kapatid ko.
"Joshua!, kyle! Gising na may pasok pa tayo!" Sigaw ko mula sa baba nagbabaka sakaling gising na sila dahil ayoko nanamang mapag-tripan pag nagkataon. "Joshua!, kyle! Gumising na kayo!" Sigaw ko ulit ngunit walang sumagot.
"Haay! No choice!" Sambit ko sa sarili ko dahil kailangan ko na talagang umakyat sa taas para gisingin sila. Habang naglalakad pataas ay nakita ko ang pinto ng kuwarto nila na naka awang kaya alam ko na baka may binabalak nanaman sila. Kailangan ko mag ingat.
Umakyat ako ng dahan dahan para lumapit sa pintuan, tinignan ang taas ng pinto at may nakita akong nakapatong na timba dito at mayroon na namang harina sa sahig.
Paano kaya sila nakakakuha lagi ng harina?, kaya siguro madaling maubos ang harina namin eh, di nila ako maiisahan.
"Kyle!, joshua! Tanggalin niyo itong nilagay ninyo ditong patibong saakin kundi malalagot kayo saakin " sambit ko at agad naman akong nakarinig ng mga bulong na parang nanghihinayang kala siguro maiisahan nanaman nila ako, di na nuh.
"Ayoko nga kuya bahala ka diyan" sambit ni joshua.
"Bahala ako?, kung bahala ako, bahala na rin ang allowance ninyo saakin, saakin na ito" sambit ko bilang panakot sakanila.
"No!, wag kuya gagawin ko na" sambit ni joshua at padabog na tumayo tapos tinanggal na niya ang balde sa taas na may laman na tubig, ahh may naisip ako para makabawi sakanila kahit pa di ako nabiktima.
Pagkababa niya ay binuksan niya agad ang pintuan."oh ayan na kuya ah naayos ko na" sambit niya kahit na di pa naman niya nililinisan ang sahig na may harina, pero okay na yan kasi kasama yan sa plano ko.
"Sige tara na kumain na tayo at may pasok pa tayo, kumain na muna kayo para magbihis, tara na" sambit ko sakanila at sinabi munang magpapaiwan ako, pumasok ako ng kuwarto nila at inayos ko yung timba sa taas ng pintuan tapos lumabas ako at bumaba para kumain.
"Wow ang dami nito kuya ah" sambit ni kyle habang mukhang nasasarapan sa harapan niyang pagkain.
"Syempre naman, angsaya ko kasi ngayon eh" sambit ko.
"Bakit ka naman masaya?" Sambit naman ni joshua.
"Makakasama ko na naman si mia mamayang hapon pupunta kaming mall kasama si judie mamimili ng materials sa project" sambit ko.
"Ehh ano naman makakasama mo lang naman grabe ka maka react" sambit ni joshua. Binatukan ko nga.
"Ehh hindi mo pa kasi alam yan kasi bata ka pa" sambit ko sakanya.
"Bata ka dyan eh ilang taon lang naman agwat natin" sambit niya.
"Edi wow" wala ako masabi eh."kumain nq lang kayo" sambit ko at ipinagpatuloy na ang pagkain.
YOU ARE READING
UNEXPECTED LOVE
LosoweThey say that falling inlove unexpectedly is the best, but they don't know that when you fall inlove in a wrong person, that is most hurtful thing that you will experience.