Judie's POV
Bruha talaga siya!!!! Nakakainis, malinaw na saakin na sinasadya niya ang mga ginagawa niya, ngunit ayaw kong mag-akusa nang walang ibidensiya. Mahirap na, baka ako pa ang mapahiya.
Sinimulan namin ang practice sa by pairs na parang ballroom na ewan dahil may isa pa kaming performance which is yung hip hop dance.
Gaya ng napag-usapan ay galing sa Internet ang gagamitin naming steps. Mix songs ang gamit namin para kakaiba. Kung di niyo natatanong, isa akong dancer pati na rin ang kaibigan kong si Sam, even Jake magaling din sya sumayaw, sana lang marunong sumayaw tong partner ko dahil gusto kong maging maganda ang performance namin.
Si Sam ang nagle-lead saamin para sa mga steps, siya kasi ang leader pag may ganitong dance practice.
"Okay guys kailangan makabisado agad natin ang mga steps ahh, dahil malapit na ang aquaintance party, at dahil nga doon ay madadali lang na steps ang kinuha ko sa internet." Sambit ni Sam bago simulan ang practice.
"Okay guys first step, hold niyo yung hand ng parter niyo then step forward, left, right, left and right tapos backward naman, left, right, left and right. Two times niyo gagawin yon para saktong sixteen counts." At ginaya nga namin ang sinabi niya.
Di naging madali saakin ang hawakan ang kamay nitong katabi ko dahil mukha itong nahihiya, ngunit nakumbinsi ko rin dahil di kami makakapagpractice ng maayos kung di niya gagawin iyon. Sinundan lang namin ang mga pinagagawa ni sam. At talaga naman na napabilib ako sa kapartner kong ito dahil magaling naman pala itong sumayaw.
Hindi ko mapigilang di tumingin sa gawi nina Jake upang makita ang mga galaw nila. Napatitig ako sa kamay nilang magkahawak at bigla nalang naisip kung ako ang kapareha niya imbes na si Mia. Naisip ko na baka mas magkaroon ako ng inspirasyon sa pagsayaw at talagang ikakasaya ko ito, baka ako yung nakahawak sa kamay niya, baka ako yung katinginan niya, baka...
Puro nalang ako baka... naiinis na ako sa sarili ko. Pinangako ko na sa sarili ko na kalilimutan ko na ang nararamdaman ko sakanya pero eto ako nagpapantasya na sana ako nalang ang kapares niya.
Nagpahinga lang kami saglit bago simulan ang practice para sa hip hop dance namin. Lumapit saakin si sam.
"Judie sampu lang ang sasayaw ng hip-hop dahil di naman pwede na puro performance nalang tayo lahat, kailangan rin natin makipag aquaint sa mga ka schoolmates natin... so ask ko lang kung gusto mo maisama sa sampung yon... dont worry kasama ako don pati si mia" mahaba nitong sabi saakin.
"Legit? Andon si Mia? Naku! Abay sasali ako! Di ako papatalo" agad kong sabi, di alintala ang malakas kong boses buti na lamang at nasa CR si Mia.
"Loko ka, paparinig ka pa ehh, ano? Sasali ka ba? Para ma-fix na yung members ng hip-hop"
"Aba! Akala ko ba malakas boses ko? Di mo ko narinig? Sabi ko sasali akooooooooo" sigaw ko mismo sa tenga niya.
"Ano ba Judie! Loko ka, masakit kaya sa tenga, narinig ko yung sinabi mo, kinoconfirm ko lang..."
"Oo nga! Sasali akoo!"
"Potek Judie! Isa pang sigaw mo sa tenga ko, bubusalan ko na yang bibig mo at itatapon kita sa sabungan, samahan mo yung mga kauri mong manok, napakaingay mo!"

YOU ARE READING
UNEXPECTED LOVE
RandomThey say that falling inlove unexpectedly is the best, but they don't know that when you fall inlove in a wrong person, that is most hurtful thing that you will experience.