Jake's POV
Linggo na ngayon, at gaya nang dati ay inabangan ko nanaman na tumunog ang alarm clock ko.
5..
4..
3..
2..
1..*Titit, titit, titit*
Pagkatapos tumunog nang alarm ko ay agad na akong naghilamos at nagmumog. At pagkatapos ay agad akong bumaba upang magtungo sa kusina ngunit nang makarating roon ay nagulat ako sa aking nakita...
Ang mga kapatid ko ay nagluluto at mukhang masarap ito, sa amoy pa lang ay parang napakasarap na nito kaya agad akong lumapit sakanila.
"Anong meron?, bakit parang nagkaroon yata nang himala?, nagluluto kayo?, at bakit parang aga ninyo yatang nagising ehh linggo ngayon..?" Nagtataka kong tanong sakanilang dalawa.
"Ahh kase kuya..., ahh wala lang gusto lang namin." Napahinto si Kyle kanina dahil sa tingin ni Joshua na nahuli ko dahil magkatabi lang naman sila.
"Maupo ka nalang muna dyan kuya, kami na ang bahala sa umagahan." Nakangiting sabi pa ni Joshua. Talagang nakakapagtaka, ngayon lamang ito nangyari sa tanang buhay ko.
Sa tingin ko ay may kapalit ito, nararamdaman kong ginagawa nila ito dahil may kailangan sila saakin.
Naghintay lamang ako nang halos isang oras ay natapos na sila sa pagluluto at nakapaghain na sa lamesa.
"Ohh ayan na kuya!, nagluto kami nang egg, bacon, sausage, at ang paborito mong adobo. May kasama pa yang kape at toasted bread with butter kuya" nagmamalaki ang tono ni Kyle.
"Ayus ahh, siguro may kailangan kayo ano?" Pandederetsa ko.
"Ahh..." sabay nilang sabi.
"Ahh?" Naghihintay sa sagot nila.
"Kase kuya.. talaga bang si ate Mia ang gusto mo?" Si Kyle ang nagtuloy sa sasabihin nilang dalawa.
"Oo naman, bakit mo naman naitanong?" Nagtataka kong tanong sakaniya matapos marinig ang tanong niya.
"Iba kasi ang pakiramdam ko sakanya ehh, baka saktan ka lang niya kuya" si Kyle.
"Ayan nanaman tayo Kyle ehh, diba sinabi ko na sayo na hindi yon mangyayari dahil nagbago na siya, tsaka manliligaw niya pa lang ako, wag kang masyadong advance."
"Ehh si ate Judie ba, di mo gusto?, matagal mo na siyang kaibigan, mas matagal mo na siyang nakasama kaya nasisigurado kong mapagkakatiwalaan siya, bakit hindi na lang si ate Judie ang ligawan mo kuya?" Si Joshua.
"Joshua.., si Judie ay bestfriend kung may gusto man ako sakanya ay bilang kaibigan lang iyon... tsaka ano ba talaga ang ipinupunto niyo, kasi alam kong may dahilan itong pinaggagagawa ninyong dalawa"
"Kasi kuya, bakit kasi maghahanap ka pa nang iba ehh andiyan na si ate Judie masasaktan ka lang kay ate Mia., Siya na lang kuya, boto ako kay ate Judie" si Kyle.
"Wala saakin kung boto ka sakanya Kyle, buhay ko ito kaya choice ko kung si Mia ang pipiliin ko kasi kung gusto ko talaga si mia ay handa akong sumugal masaktan man ako sa huli."
"Ehh kuya-" si Joshua.
Naputol ang saaabihin niya sa isang harang ko lang sa kaniya nang palad ko."Huwag na nating pag-usapan iyan at kumain na lang tayo, si Mia ang gusto ko at si Judie ay kaibigan ko lang tapos."
At matapos nga nang aming usapan ay nagsimula na kaming kumain...
Judie's POV
Pagkagising ko pa lang ay agad na akong naghilamos at nagtoothbrush para magtungo sa baba at dalhin ang labahin galing saaking kuwarto, dahil kahit na may katulong na kami ay ako mismo ang nagpupunta nang mga labahin galing saakin papunta sa washing machine, ngunit nang mailagay ko ang mga gamit ko ay napansin kong nawawala ang paborito kong panyo kaya agad akong nagtungo sa kuwarto upang tignan kung andirito ba ito.
YOU ARE READING
UNEXPECTED LOVE
РазноеThey say that falling inlove unexpectedly is the best, but they don't know that when you fall inlove in a wrong person, that is most hurtful thing that you will experience.