JAKE'S POV
Pagkatapos naming magpaalamanan ni bestfriend ay agad na akong nagpunta sa kotse at sumakay, inalala ko ang lahat ng nangyari kanina.'Yung makita ko si mia ay talagang nagandahan ako sakanya, nakakatawa naman ang iniasal ni besprend na nag effort pang magsuot ng pang espiya para lang makita kami pero halata naman, pero ang alam ko lang talaga ay masaya ako at nararamdaman ko na malapit na akong mas mapalapit kay mia'
Pagkatapos kong magmuni-muni sa sasakyan ay agad ko na iyong pinaandar at agad na umuwi na sa bahay.
Nang malapit na ako ay nakita ko pang bukas ang ilaw at nang maipark ko na ang kotse ay bigla na itong namatay, baka siguro gising pa rin ang dalawang yun.
Pagkapasok ko ay agad kong binuksan ang ilaw, naupo muna ako sa sofa at tinanggal ang sapatos ko. Ipinikit ko ang aking mata dahil nakaramdam ako ng pagod.
Agad akong nagtungo sa kuwarto upang maligo na upang makatulog, ngunit ng buksan ko ang shower ay bigla nalang namatay ang ilaw kaya't binilisan ko nang maligo at nagbihis, pagkalabas ko sa bathroom ay nakapatay na talaga ang ilaw samantalang iniwan ko naman iyong nakabukas. Kinabahan ako kaya kinuha ko ang baseball bat sa gilid at binuksan ang ilaw ngunit wala namang tao kayat tinignan ko rin sa labas at nang makalabas ako ay...
"Waaaaaahhh!!!!" Napasigaw pa ako nang malalas nang may nakita akong nakaputi malapit sa kuwarto nang dalawa. At mas nagulat ako nang lumingon ito saakin kaya agad akong tumakbo pababa nang hagdan.
Ngunit agad din akong napatigil sa pagbaba nang may makita pa akong isa"Waaaahhhh!!" Napasigaw nanaman ako at sinubukan namang umakyat ngunit nandoon narin yung isa. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at di alam ang gagawin. Napapiki nalang ako sa takot " Lord help me! M-may mga m-multo dito please". Pagdarasal ko pa ngunit agad akong natigilan naman ako nang may narinig akong bahagyang pagtawa kaya binuksan ko ang mga mata ko at bigla kong namukaan ang dalawang ito... Ang mga kapatid koooo!!!
At nang tuluyan ko nang buksan ang mata ko ay sila naman ang nagulat ngayon dahil sa nanggagalaiti kong mga mata, "Mga bwisit kayooo!!!" Sigaw ko kaya't gaya nang inaasahan ay nagsitakbuhan sila palayo saakin, at dahil nga masyado akong seryoso ngayon ay mabilis ko silang nahuli at nabatukan " Mga loko kayo, muntik na akong mahimatay sa takot kayo lang pala?" Sambit ko tsaka ulit sila binatukan, "Sinong may pakana nito?" Tanong ko at agad naman silang nagturuan.
"Siya kuya" sabay nilang sambit at tinuro ang isat-isa.
"Sino ba talaga sainyo?" Tanong ko pero knowing them ay talagang walang aamin sakanila kaya di na ako umasa pa. "Okay na yun basta wag nyo nalang uulitin" sambit ko tsaka sila tumango, "Tara nang matulog" utos ko at agad na kaming pumunta paakyat sa itaas at bigla na lang akong may naisip na ideya para makabawi.. Habang naglalakad kami ay kunwari akong nahilo at napaupo sa sahig.
"K-kuya, okay ka lang " nag aalala nilang sambit.
At nang maramdaman ko silang lumapit saakin ay napahiga ako at kunwaring parang sinasapian " Bwahahaha" tawa ko pa kunwari na parang demonyo. At agad naman silang napatayo. Nagpadapa pa ako sabay gumapang na parang si sadako kaya agad silang tumakbo pababa, gusto kong matawa ngunit masisira ang plano ko kaya pinigilan ko, at dahil nga gumagapang ako ay nahirapan akong bumaba sa hagdan. Dumeretso sila sa kusina kaya nagtungo ako doon "Bwahahahaha!" Malakas na tawa ko pang parang demonyo."Bwahahahaha--"
YOU ARE READING
UNEXPECTED LOVE
RandomThey say that falling inlove unexpectedly is the best, but they don't know that when you fall inlove in a wrong person, that is most hurtful thing that you will experience.