CHAPTER-13 PREPARATION

10 2 0
                                    

Judie's POV

        "Ahh..Ehh... Paano mo ako nakita?" Tanong ko sakanya dahil talagang di ko inaasahan na makikita at makikilala niya ako sa outfit kong ito.

"Ikaw yung kanina pang sunod ng sunod saamin noh?"  Sambit niya.

"O-oo paano mo nalaman?" Kabadong tanong ko sakanya.

"Kanina pa kita nakikita, doon sa food court kita unang nakita, nakatayo ka sa pader malapit sa isang shop then pangalawang beses kitang nakita doon sa cinema, nakaupo ka medyo malayo banda sa likod namin ni mia at last na makita kita ay sumusunod ka saamin ni mia papunta sa parking lot at dahil nga mas malapit ka na kanina ay nahalata ko ang tindig at hubog ng katawan mo kaya kita nakilala. At bakit ka nga ba pumunta dito aber? Akala ko ba ay di ka pupunta?" Tanong niya saakin.
   
"Ahh..ehh...di ko mapigilang di mag-isip ng kung ano ang mangyayari ehh, tsaka pumunta lang rin naman ako dito di lang para sundan kayo,  pumunta rin ako para makabili ng mga bagong damit para naman may maisuot akong bago, kaya wag mo akong sisihin kung bakit ako sumunod dito" kunwaring seryosong sabi ko.

"Ehh bakit ka nagsuot ng ganyan kung di ka nagmamanman saamin?" Nagtatakang sambit niya.

"Ahh...ehh...ahmm..." Wala akong masabi!! Nahuli na nya talaga ako potek. Huhuhu "Oo na! Nagmamanman ako sainyo ni mia!" Nakangusong sambit ko pa at nagtaka naman ako ng di man lang siya nagulat. "H-hindi ka man lang nagulat?" Takang tanong ko.

"Syempre naman! Psh! Ehh tindig mo pa lang ehh alam ko na ehh" natatawa niyang sabi." Tsaka okay lang naman saakin na nandito ka tsaka nagpapasalamat pa nga dapat ako sayo ehh kasi andyan ka para subaybayan ang mahahalagang pangyayari saakin" sambit niya pa at na touch naman ako pero medyo nakaramdam ako ng selos pero di ko alam kung saan nanggagaling.

"Ahh..ehh.. Hehehe you're welcome" nahihiyang sambit ko pa dahil akala ko ay magagalit siya imbes na magpasalamat pa.

"Ano? Ayos ba ang naging date namin?" Nakangiti nya pang sabi sabay taas-taas ng kilay, naimagine niyo? Hayy bahala kayo hehehe. Basta ang alam ko ang cute nya sa ginawa niya hehehe

"Ahh oo ang ganda ng nangyari, sigurado ako na malapit kanang maging mas malapit sakanya" sambit ko habang namamangha pa rin sa mukha nitong nasa harapan ko ngayon.

"Ahh hehehe so ano na ang susunod kong gagawin? Penge naman nang advise dyan oh" sambit niya habang nagpapacute hehehehe.

"Ahh hehehe sige... Ahmm..." Sambit ko at nag-isip.

'Kung magkalapit na sila siguro pwede niya na itong yayaing mag date o ligawan'

"Alam ko na.. Why don't you ask her if you can court her" tanong ko at nag-engllish pa talaga ako doon hehehe first time hehehe.

"Oo nga nuh?, bakit di ko agad naisip yun?" Parang tanga pa siyang napapangiti.

"Try mo kasi wala naman na mawawala sayo" sabi ko pa sakanya.

"Sige ita-try ko pero tulungan mo ako ahh? Alam mo namang mahiyain ako ehh, nahihiya ako sakanya"

"Psh,parang sasabihin mo lang naman kung pwede mo syang ligawan nahihiya ka pa"

"Nasasabi mo lang naman yan kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko, mahirap para saakin ito okay?"

"Alam ko naman kasi yun kaso... Kung di mo gagawin ngayon baka maunahan ka na nang iba, baka masaktan ka" paalala ko pa sakanya.

UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now