CHAPTER-15 : CAN I COURT YOU?

9 2 0
                                    

JAKE'S POV

         Naayos na namin ang lahat, hinihintay na lang namin si Judie at Mia. Kinakabahan ako pero para sakanya ay kakayanin ko.

Gusto ko talaga si Mia at sa tingin ko sya na nga ang makakasama ko sa habang buhay.... hahaha.

Ilang saglit lang ay nakita ko na sa bungad nang gymnasium sina Judie at Mia, Inaalalayan ni Judie si Mia papunta dito at iniwan sa gitna si Mia. Naguluhan si Mia dahil mag-isa siya sa gitna. Ngunit nagulat na lang sya nang magsimula ang kanta ko.

🎶Minamasdan kita, Nang di mo alam

Pinapangarap kong ikaw ay akin,

Mapupulang labi, at matingkad mong ngiti

Umaabot hanggang sa langit, wag ka lang titingin

Saakin at baka matunaw ang puso kong sabik...🎶

Bahagya pa akong natawa nang gulat na gulat talaga yung mukha niya hahaha. Lumapit ako sakanya dala ang bungkos nang rosas at stuff toy at ibinigay ito sakanya.

🎶Sa iyong ngiti, akoy nahuhumaling, at sa

tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y

tumitigil, ang pangalan mo'y sinisigaw nang

puso, sanay mapansin mo rin ang lihim kong

pagtingin🎶

Yun lamang ang kinanta ko at tinuloy na yun nang mga kasama naming kaklase na kumakanta. Hinawakan ko anv kamay niya at siya naman ay nakangiti kaya di ko mapigilang mapangiti din. Inilabas na din nila Judie at Sam ang banners na ginaaa nila.

"Mia Shauntelle Rivera, Can I court you?" I asked her while holding her hands hoping she say yes.

"Uhmm, Yes?"  Nangunot bigla ang noo ko.

"Bakit patanong?, Hindi ka pa ba sigurado?" Tanong ko at bahagya naman siyang natawa bago nagsalita.

" Jake Sanchez, Yes you can"  bigla na lang akong napatalon sa tuwa nang sabihin nya yon.

Lumapit pa ako kay besprend at pinagmalaki yun sakanya." Pinayagan niya na ako Judie!!!" .

"Alam ko, Wag ka ngang OA masyado manliligaw ka palang, hindi pa kayo okay?, pero congrats successful ang set up natin hahaha" sabi niya pa.

Bumalik ulit ako kay Mia at sinabing hintayin ako saglit dahil tutulungan ko muna ang mga kasama kong mag- ayos. At nang matapos ko yun ay nagpasalamat na ako sakanilang lahat at binalikan si Mia.

"Okay ka lang?, Ihatid na kita sainyo Mia" sambit ko sakanya pagkalapit.

"Sige, saan ba yung sasakyan mo?"

"Andyan sa parking lot, baka naghihintay na mga kapatid ko doon."

Naglakad na rin kami papunta doon at nang makarating ay nandoon ang mga kapatid kong nakanguso, siguro'y na bore sa kakahintay saakin.

"Ahh Joshua, Kyle.., sasabay saatin si Mia" sabi ko sakanila ngunit di na nila ako pinansin, basta na lang silang pumasok sa loob nang kotse kaya pumasok na rin kami ni mia.

"Saan ba yung bahay mo dito Mia?" Tanong ko sakanya.

"Dyan lang, sasabihin ko na lang kung bababa ako." Sabi niya.

Habang bumabyahe ay walang nagsasalita, naiilang parin ako sakanya kaya di ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin.

At nang malapit na kaming makarating sa crossing papunta saamin ay sinabi nya nang bababa sya kaya hininto ko na ang sasakyan.

UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now