CHAPTER-5- SHE'S CHANGED

17 2 0
                                    

Jake's POV

"Hayy, isang magandang araw nanaman ang dumating" parang ang ganda yata ng gising ko ngayong umaga ahh, nagising ako bago tumunog ang alarm clock ko, teka parang gusto kong hintayin munang tumunog to.

8..
7..
6..
5..
4..
3..
2..
1..

"Titit,titit,titit" yes tumunlg na rin hahahaha mukha akong tanga, tumayo na ako at tumalon talon para magising ang katawan ko. Nagmumog muna ako at naghilamos bago bumaba sa kusina para magluto ng umagahan naming magkakapatid.

Dahil maganda ang gising ko, ano kaya lulutuin ko ngayon "hmm.." Nilagay ko ang daliri ko sa baba ng labi ko habang nag-iisip ng lulutuin ko.

"Ahh omelet rice na lang kaya" nagluto na ako, at dahil madali lang ito ay mabilis na rin akong natapos sa pagluto. Kailangan ko nang gisingin ang mga kapatid ko.

"Joshua!, Kyle! Gising na! May pasok pa tayo" sigaw ko, at gaya ng dati wala nanamang sumagot.pumunta na ako ng kuwarto nila para gisingin sila.

"Joshua, kyle gising na" sambit ko habang niyuyugyog ko sila, at gaya nanaman ng datia ayaw nanaman gumising ngayon gagamitin ko nanaman ang panghuli kong panggising sa kanila. Kiniliti ko sila pero wala man lang nagising bago to ahh. Ano kayang gagawin ko sa dalawang to... Ahh lagot kayo saakin, bumaba ako para kumuha ng balde at pinuno ko yun ng tubig" lagot kayo saakin". Sambit ko habang nakangisi.

Umakyat na ako pero bakit medyo nakasara na yung pinto iniwan ko namang bukas yan ahh. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ko ito..

"Boogsh" may bumagsak na balde na may laman na tubig sa ulo ko.

"Aray!, sino may gawa nito" tinanggal ko yung balde sa ulo ko.. Nakita ko yung dalawa na tawa ng tawa.

"Hahahaha kala mo mabubuhusan mo kami ng tubig? Hahahahaha naunahan ka na namin kuya hahahaha" tawa ng tawa na sambit ni joshua.

" Sino may pakana nito?" Tanong ko sa dalawa. At agad namang tinuro ni kyle si joshua.

Ngumisi ako"kyle hawakan mo yang si joshua bilis"

"Oh ayan hawak ko na ano na?" Sambit ni kyle nang mahuli nya si joshua.

"Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas ni joshua sa pagkakahawak ni kyle.

"Hawakan mo ang kamay nyan ako sa paa" utos ko kay kyle, at agad niya naman ginawa.

Binuhat namin sya, at malapit na kami ngayon sa pool, sinusubukan nyang magpumiglas, at dahil mahigpit ang pagkakahawak namin sakanya di na sya nakapalag.

"1..2.." Pagbibilang ko dahil utatapon namin si joshua sa pool makakaganti na rin ako sakanila, bwahahahaha

"Kuya wag!" Pagpupumiglas nya .

"3.. " at naitabon na namin si joshua.

"Hahahaha" tawa ng tawa na si kyle, at dahil tumulong sya sa pagtapon saakin dito noong isang araw..

"Boogsh" tinulak ko sya .

"Bwahahahaha" tinawanan ko sila nakabawi na rin ako sakanila. Natatawa ako kasi nakanguso na ngayon si kyle habang nasa pool, kala siguro nya di ko sya idadamay, hahaha

Patalikod na ako nang may humila saakin, "waaah!" Nakaakyat na pala yung dalawa, at nandito ako ngayon binabalanse ang katawan dahil mahuhulog na ako sa pool. At bigla na lang ako tinulak ng sabay nung dalawa kong kapatid.

UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now