CHAPTER-12 MALL PART 2

9 2 0
                                    

Judie's POV
    
            Binaba ako ni jakes sa tapat ng bahay at ngayon ay nakapagpaalaman na kami kaya papasok na ako sa bahay dahil alangan naman na dito ako pumasok sa labas?, hahahaha.

"Oh how's your school?" Bungad na tanong saakin ni mama.

"Okay lang naman ma" sambit ko sabay akyat na room ko sa taas syempre sa taas dahil nga akyat diba? Alangan naman na umakyat ako sa baba?, hahaha

Pagkarating ko sa room ko ay humiga agad at sa kama at nag-isip, "haayy, ano na kaya ang ginagawa nila jake?" Sambit ko sa sarili ko.

Baka nagde-date na ang mga yun dun, atsaka bakitba ako nagiisip kung anong ginagawa nila? Eh suggestion ko naman ito. Hayy nako parang gusto tuloy pumunta doon para magmasid kung ano ang nangyayari doon... May naisip ako, oo nga nuh? Bakit di akor pumunta doon at magmasid para makita ko ang mangyayari?

Nagbihis ako ng pang parang nag i-spy syempre alangan naman yung makikita yung mukha ko edi nakita na ako.

Bumaba na ako para magpaalam kay mommy nang di ako mapagalitan hehehe hihiramin ko kasi ang kotse niya eh.

"Mom pupunta po ako ng mall maghahanap ng damit para naman may maidadag ako sa mga damit ko, puro luma na kasi eh plsssss" pagpapaalam ko sabay puppy eyes para naman payagan agad ako.

"Tss, wag ka ngang magpacute, oo na sige pero wag masyado magpagabi okay?" Pagpayag niya saakin.

"Thank you mom" sambit ko sabay yakap sakanya.

"Sige na at para di ka masyadong magabihan" ang bait talaga ng mommy ko."Ingat ka okay? Drive safety "

"Yes mom, bye" sambit ko at lumabas na ng bahay at dumerecho sa kotse ni mama.

Mall*

Nilock ko muna ang kotse ni mama bago ako bumaba at sakto naman na pagkapasok ko sa entrance ay nakita ko si jake na parang may kausap sa phone at sa tingin ko ay hindi nya pa kasama si mia kaya naman pumasok na ako pero naisip ko na ang ipinunta ko pala dito ay ang manood kung ano ang mangyayari para mamaya kasi di ko talaga alam kung ano ang mangyayari, gusto kong maoaman kung ano ang maiisip na gagawin ni jake para sakanila ni mia para magkalapit. Haay di na ako makapaghintay.

At dahil nga nag iimagine na naman ako ay di ko namalayan na wala na pala si jake kung saan ko siya nakita, haay nako grabe kung ano-ano kasi ang ginagawa ko eh.

Lumingon ako sa mga store dito pero wala akong makita kaya pumunta na lang ako sa penshoppe kasi kung wala akong dalang ipinabili na damit ay papagalitan ako ni mommy kasi ito ang dahilan ko eh. Marami akong nakitang magagandang damit kaya naman binili ko na lang ang mga nagustuhan ko hehehe para naman may masuot naman ako na bago ngayon na lang naman kasi ako ulit nakabalik dito sa mall ehh.

Pagkatapos kong nagbayad sa cashier ay bigla akong nagutom kaya nagpunta ako sa food court at nakita ko naman sila jake at mia na nag uusap, haay buti at nakita ko na ulit sila, buti at magkasama na sila.  Pasimple akong pumunta sa maliit na restau at umorder ng makakain at umupo malapit sa kanila jake at sakto naman silang nagdesisyon na pumunta sa jollibee para kumain kaya nagmadali nanaman akong kumain at ayusin ang mga gamit ko at sumunod sakanila, umupo na lang ako sa medyo malayo na table sakanila at umorder ng float para may mainom at dahil nga medyo matagal pa sila ay napagdesisyonan ko na lang na lumibot muna sa mga stire dito at nakita ko ang National Book Store kaya naman naisip kong bumili ng libro na pwede kong basahin, nagtingin tingin ako sa mga shelf at naalala ko ang He's Into Her ni maxinejiji dahil gusto ko itong mabasa. Binili ko ang tatlong malalaking books nito at lumabas.

UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now