CHAPTER-9 FIRST DAY OF BEING FRIENDS

11 3 0
                                    

JUDIE'S POV

Andito na kami ngayon papunta pabalik sa room. Masaya ako dahil magkaibigan na kami at dahil magkaayos na kami di ko na siya kinakikitaan ng selos dahil kaibigan pa lang naman sila at kahit na sila pa basta masaya sya kay mia magiging masaya na lang rin ako sakanya.

"Mia, sasabay ka ba saaming mag lunch?, para makilala mo na rin ang mga kapatid ni jake" sambit ko.

"Sige ba, basta ba para mas mapalapit pa ako sa inyo, sasama ako" sambit niya.

"Sige sumama ka na para ililibre ko kayo kasi mag kaibigan na ang dalawa kong kaibigan" masaya niyang sambit saamin.

"Sige, tara na sa room baka ma late na tayo sa subject natin ngayon." Sambit ni mia.

"Sige" sabay na sambit namin ni besprend "bilisan na natin maglakad para makarating na tayo ng mabilis kasi baka malate na tayo." Sambit ko.

Naglakad na ulit kami pero mas mabilis na kumpara kanina. Dumating kami sa room na walang tao sa room. May bumalik na kaklase namin sa room kaya tinanong namin siya .

"Alam mo ba kung nasaan ang mga tao dito?" Tanomg namin sakanya.

"Nasa science garden sila naglilinis sinabi kasi ni maam maglilinis na lang daw muna tayo ngayon kasi napakadumi ng science garden di kasi nalinisan noong isang linggo hanggang ngayon eh, tara? Hinahanap na rin kayo doon kayo lang wala." Sambit niya.

"Sige tara" sabay sabay naming sambit at kumuha ng cleaning materials at sumunod na lang sa kaniya.

Nang makarating kami ay tama nga siya medyo madumi na din dito sa science garden at kami lang ang wala. At nang lumapit na kami sa area namin ay bumugad nanaman si sam.

"Uyy bakit kayo wala dito kanina?" Sambit niya.

"Wala nag recess lang kami with mia" sambit ko.

"Ayy angdaya!, di nyo man lang ako sinama kaibigan niyo naman ako ah" nagtatampo niyang sambit.

"Oo nga nakalimutan lang namin na isama ka kasi nagmamadali na kami kasi nagugutom na talaga kami eh" paliwanag ko sakanya.

"Hmmp, basta next time isama niyo ako ah" sambit niya.

"Sige, basta bukas isasama ka na namin okay?"

"Okay, tara na maglinis baka mahuli pa tayo ni ma'am na nagti-tsismisan
"

At nagsimula na kami maglinis ng area namin. Mabilis lang kami natapos magwalis at dadakutin na lang ang mga kalat. Habang nagdadakot ako, lumapit saakin si jake.

"Judie pwede ba pahingi ng favor?, bigyan mo naman ako ng advice at turuan mo rin ako kung ano ba ang mga gusto ng mga babae, gusto ko kasi magkalapit pa kami ni mia eh, please" sambit nya tapos magkadikit yung kamay niya na para bang nag pi-pray tapos nag puppy eyes siya.

Nag-isip ako. Papayag ba ako o hindi?. Nasaktan ako doon sa gusto niyang mangyari kasi ako na may gusto sa kanya pa ang maglalakad sakanya sa iba?,Ano ba ang sasabihin ko kukulitin lang rin ako nito pag humindi ako. Isip isip..

" intindihin mo naman siya anak, alam niya ba na gusto mo siya?, diba hindi, diba ikaw na ang nagsabi na magbestfriend kayo?, at kung bestfriend mo siya magiging masaya ka para sakanya dahil napalapit na siya sa gusto niya kahit nasasaktan ka na".

Bigla na lang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni mama, tama siya kung magiging masaya siya sa gagawin nya sususportahan ko na lang siya dahil mahal ko siya kasi diba ganon naman pag nagmamahal ka gagawin mo ang lahat sumaya lang siya kahit kapalit pa nito ang sarili mong kasiyahan, siguro papayag na lang ako.

UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now