Beginning
"Ate, wag mo ko iwan!"
"Babalik ako, wag kang mag alala." Malungkot kong wika
"Ate, ayoko dito. Wag mo ko iwan. Please." Sabi nito sabay hagulgol
"Babalik ako. Pangako. Maging matatag ka at wag mong hahayaan na saktan ka ulit." Bilin ko
"Naiintindihan mo? Kahit na sino, kaibigan, di mo kakilala, o kahit pamilya. Walang dapat manakit sayo nang walang permiso mo." Tumango tango siya.
Niyakap ko siya nang huling beses at hinalikan siya sa noo at saka tumakbo paalis.
Narinig ko pa ang masasakit niyang hagulgol at pagtawag sakin pero nagpatuloy ako sa pag takbo.
Kumulog nang malakas at kasabay nito ay ang pagbuhos ng ulan.
Kahit na maingay ang ulan ay narinig ko pa rin ang pag sigaw niya, "ATE!"
Napatigil ako sa pag takbo. Wala akong pakialam kung nasa gitna ako ng kalsada o ano. Napaupo ako at umiyak ako nang umiyak.
Kahit na malakas ang pagbuhos ng ulan narinig ko lahat. Kahit na maaga pa, alam ko na dadating ang panahon na mangyayari ang lahat ng kinatatakutan ko.
At sana handa akong magsinungaling para sa kaligtasan niya. Sana handa akong mamatay para sa buhay niya. Sana handa na ko pag dating ng oras na iyon.
-----------------------------------------------------
This book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.
All rights reserved.
YOU ARE READING
Lie Or Die
Mystery / ThrillerMay alam akong laro na masaya; Truth or Dare. At may alam din akong laro na hindi masaya; Lie or Die. Wanna play?