Super thank you sa mga nagcocomment at nagfafan sa akin. Nakakatuwa talaga. pati sa mga nagvovote ng story na to. SALAMAT po talaga. sana hindi kayo magsawa. Para doon sa mga walang sawang nagcocomment... may gift ako para sa inyo. Haha.. sana magustuhan niyo.. lols...:)))) anyway.. medyo magulo to.. pero... BASAHIN niyo maigi dahil may dahilan kung bakit magulo siya.. ok?haha..
Ok. So.. dapat aalis ako ngayon pero.. dahil mabait ako... hindi na ko umalis at nagupdate nalang ako. Haha...
CHAPTER FIFTEEN
AD's POV
1 month na.. 1 month na ko nagiisip isip at 1 month na din akong nandito.. 2 buwan nalang.. kailangan ko nang magdecide.. hayyy... sabagay.. matagal parin. Pero sa mga panahon na to... hindi ko maiwasan ang... mamiss siya..
Nandito nga pala ako ngayon sa may tabing dagat. Gabi nanaman.. ansarap lang magemote. Kinuha ko yung camera ko at tinitigan ko yung picture naming dalawa noon ni Michael.. ansaya namin. Parang wala kaming problema... matatanggap niya parin kaya ako? Huh? Tingin niyo? Mamahalin niya pa kaya ako? O hindi na?
" miss alam mo masamang magstay magisa kapag madilim.." may boses ng babae akong narinig.. napatingin naman ako dito at nakita ko ang isang magandang babae na nakangiti sakin at tumabi sa kinauupuan ko..
" ahmmm.. safe naman dito.." sagot ko sa kanya tapos nagsmile din..
" nahh.. pano kung may umahong syokoy dyan? Safe ka pa rin ba? di mo ba inaaalala yung mga taong pwedeng maghanap sayo? Magaalala sila.." sagot niya.. natawa naman ako ng bahagya sa kanya. Haha.. syokoy?
" haha... ikaw? Bakit nandito ka? Wala ka ring kasama diba?" tanong ko sa kanya.
" yeah.. nakita kasi kita dito.. kaya... nilapitan kita.. para kung sakaling may syokoy na lumabas... makakatakbo ako at makakahingi ng tulong.. kung ako man ang kuhanin... tutulungan mo naman ako diba?" seryosong tanong nya..
" yeah.. whatever. Haha.." sagot ko nalang tapos natawa kami parehas..
" hmmm.. may iniisip ka noh? Halata kasi sa mata mo.. haha" manghuhula ba sya? Galing ehh..
" yeah.. pero.. wala lang naman yun..." sagot ko..
" kung wala yun.. bakit iniisip mo?" hmmm.. ano ba sya? Psychologist? Lawyer?
" hindi ako psychologist at hindi ako lawyer. Mabuti lang akong kaibigan kaya madali kong mahalata yung mga ganyang bagay. Haha. Magulo? Mabuti pa.. sabihin mo sakin yung problem mo. Kahit hindi detailed.. baka makatulong ako... saka... ampangit ng vibes ng lugar pag may mga taong katulad mo.. wag mo sayangin ang view.." napangiti nalang ako.. wala naman sigurong masama kung magsabi ako sa kanya. Mukha namang mabait sya..
" ok.. hmm.. ano kasi.. nagbreak? No.. cool off pero parang ganun na din yun.. haha. Basta.. ayun nga nagbreak kami nung 10 year boyfriend ko.. kasi... pakiramdam ko. Hindi ako para sa kanya.," sagot ko..
" niyaya ka niya magpakasal?" tanong niya sakin.
" oo .. pero sabi niya.. parang hindi daw ako sigurado. Parang may gumugulo pa daw sakin. Kaya binigyan niya ko ng time para magisip.." sagot ko.
" ganon ba? ehh.. ano bang gumugulo sayo?" tanong niya ulit sa akin..
" may... may... nakauna na kasi sakin.." sagot ko..
" so? Uso na yan ngayon.." napanganga naman ako sa sinabi niya.
" i mean.. marami nang ganyang sitwasyon ngayon.. and to think na 10 years na kayong nagsasama.. hindi niyo ginawa yun?" nagtataka niyang tanong
" hindi.. kaya nga nagawa kong magpagamit sa iba.." sagot ko...
" hayyy.. bakit ba hinintay niyo pa ng ganitong katagal bago kayo magpakasal?"