Hayan.. ang tagal kong hindi nakaupdate. Haha. Matagal nga ba? Oo nga matagal.. SORRY naman kung ngayon lang. May pasok na po kasi kami at palaging whole day kaya wala na kong time. Pero dahil mahal ko kayo at natuwa ako sa mga comments niyo. Nagupdate na ko..pero ayun nga.. nagpapasalamat ako sa mga nagvovote and comment palagi... hindi ko na man kayo mareplayan, pero PROMISE po. Binabasa ko yun... nakakatuwa nga ehh.
Dedicated pala to sa BES ko na nagrequest ng mahabang chapter.. haha.. :P MAHABA naman to diba? Diba?
ENJOY niyo nalang tong chapter na to ha!
CHAPTER TWENTY SIX
AD's POV
" babes naman.. bakit ba nagpanggap ka pa?" van.. nakakainis to.. kanina pa tanong ng tanong.. paulit ulit lang naman sila ng sagot..
" simple lang... :) gusto ko kasi na ikaw naman ang sumaya, saka.. HELLO! Antanga niyo kasing dalawa.. ikaw Van.. mahal mo yung tao.. WALA KA NAMANG KAEFFORT EFFORT.. eto namang si Ad, gusto na niya tong babes ko, pero Michael parin ng Michael.. ayan... para masukat natin yang pagmamahal niyo sa isa't isa, umeksena ako.. galing ko noh? Ngayon, nasa inyo nalang kung aalagaan niyo yang nararamdaman niyo o sasaktan niyo ang isat isa.. choice niyo yan.. :)" nakangiti niya pang sagot.. pero.. bakit parang tunay?
" eh bakit ang galing mo umarte?" tanong ko.. curious lang..
" ganun talaga.. artista eh. Haha.. joke.. Tanong mo diyan.. magaling lang talaga ko.. wahahahaha... sorry ha.. pero... dapat nga pasalamat pa kayo ehh" ---coffee.. takteng to.. niloko kami? Pero tama sya... dapat din talaga kami magpasalamat..
" nakakainis ka naman ehh. pano kung hindi pala ako mahal ni Ad?" ---Van..
" VAN? Alam mo.. bago ako umaksyon, pinagiisipan ko muna mabuti.. aba... kinausap ko na yang si Ad una palang noh.. nung kinuwento mo siya sakin sa phone, hinanap ko agad yan.. at nung nakita ko siya sa beach... binantaan ko na yan. Wahahaha.... nakakatawa siya nun" tapos tatawa tawa pa siya.. tanda niyo ba? Yung unang beses naming magkita? Nung sinabihan niya ko ng selfish?
" pero babes.. nakakainis.. bakit ikaw ang dami mong alam sakin? bakit ako... lagi mo nalang nililihiman? Nakakainis ka naman kasi...." -Van. May papadyak padyak pa...
" hoy van. Di ka na bata.. di na bagay.. tssss... umayos ka nga. Nakakahiya ka ehh"---coffee...
" pero salamat na din babes ha.. sobrang salamat sayo,," ---van
" ok lang... gusto ko na din kasing maging Masaya ka ehh.."---coffee.
" ahh.. coffee... ano.. sorry pala.. dun sa mga sinabi ko noon.. thank you na rin.. kasi dahil sayo narealize kong mahal ko siya.. saka... sayo na din steffen... galing mo magencourage ehh.. haha"---ako..
" ok lang yun... mission namin yan.."---steffen
" dahil diyan.. celebrate tayo.. WAHAHA. Tapos ikaw Ad.. ayusin mo na agad ang dapat mong ayusin... alam ko man ang dahilan ni Michael.. mas maganda kung ikaw ang makaalam.."---coffee..
" pano mo ba nalaman?" tanong ko
" magaling ako ehh.. haha. Basta... ikaw na umalam. Kausapin mo siya. Di ka magiging Masaya ng sobra kapag may isang taong nasasaktan parin at naghihintay sayo,.," tama naman siya... kailangan ko na nga ata talagang ayusin yung samin ni Michael.. sana lang... maintindihan niya ko.. saka.. sana naman... maging magkaibigan manlang kami... sayang din kasi yung pinagsamahan namin ehh..
" oo .. aayusin ko na to.. salamat talaga" naramdaman ko namang humawak si Van sa kamay ko...
" hihintayin kita ha... i love you.." napangiti naman ako nun agad agad.. takte netong ni van.. ang sweet ehh.. haha