GHAAAA... im so happy na meron paring sumusuporta sakin lalo na sa gawa ko.. salamat sa pagtanggap ng reason pero mas maganda siguro kung maririnig natin yung side ni Michael.. alam kong may mga nakakaintindi sa kanya at alam ko din namang may mga naiinis sa kanya..
At isa pa po pala, hindi po kasi ako professional writer at hindi ko rin talaga major ang English so may mga times talaga na mali yung paggamit ko sa mga words. :) i do love English novels pero kung subject ang paguusapan, mas love ko ang math..
Mas naprepressure din po ako lalo na nung unang mga chapters kasi.. hindi ko talaga alam kung paano ko maidedescribe ang BS chapters nila van and ad.. hindi ko po talaga alam kaya aminado naman ako na bara barang type lang ang ginawa ko..
Guys... naappreciate ko po talaga lahat ng votes and comments.. lalo na po nung last chapters...
SALAMAT talaga kasi kayo ang naging inspirasyon ko dito...
Kaya po eto... bigyan natin ng chance si Michael na magpaliwanag.. alamin naman natin yung mga pinagdaanan niya..
SANA MAGUSTUHAN NIYO!!
CHAPTER TWENTY EIGHT
MICHAEL'S POV
Si AD? Sobrang mahal ko siya. Wala na kong ibang inisip kundi ang maging Masaya siya, mahalin siya at alagaan siya.. mula noon, hanggang ngayon, kahit na nagkahiwalay kami, walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya. Mahal na mahal ko parin siya gaya noong mga panahon na una ko siyang Makita.
Alam kong hindi ganung kadali ang ihabilin siya sa iba.. ang ihabilin siya sa taong kakambal ko. sa taong kamukhang kamukha ko.. alam kong sobrang sakit na makitang nakikita siyang Masaya sa taong inaakala niyang ako. Sobrang sakit na halos patayin na ko ng sarili kong nararamdaman kesa sa sakit na pag di naagapan eh literal na papatay sakin.
Pero anong magagawa ko? kasalanan bang maituturing kung sabihin kong gusto ko maging selfish at hindi ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko dahil ayaw kong Makita siyang nahihirapang magalaga sakin. kahit na ang gusto ko, nandun siya sa mga panahong kailangan ko ng lakas. Pero ayoko... ayokong Makita yung mga luha niya... ayokong makita siyang umiiyak..
Sa lahat ng bagay na ginagawa ko, mas importante lagi ang nararamdaman niya. Kahit na nakikita ko siyang nagcecelebrate ng anniversary namin kasama ang kambal ko... makita ko siyang hinahalikan sa pisngi ang kambal ko... SOBRANG SAKIT...
Sa bawat importanteng araw, nandun ako.. kahit bawal, pinipilit kong tumanaw sa kanya. Kasi ang mga ngiti niya, yun ang nagbibigay sakin ng lakas para lumaban sa sakit ko..
Gusto kong mabuhay ng matagal para sa kanya.. limang taon? Titiisin ko yun. kung pwede naman akong mabuhay ng higit pa dun kasama si Ad.. ayos lang...
Minsan inaaway na ko ni martin.. yung kambal ko.. inaaway niya ko dahil hindi na niya alam ang gagawin.. hindi din siya makahanap ng babaeng mamahalin niya dahil kay Ad.. Masaya ako at nandyan siya. Na tinutulungan niya ko. na gusto niya din akong maging Masaya. Alam kong naging sobrang selfish ako hindi lang kay Ad kundi pati na rin sa sarili kong kapatid.
Pero, mas Masaya ako dahil lagi akong naiintindihan ng kapatid ko kahit na noong una, hindi ko matanggap na kapatid ko siya... at kambal ko pa..
Haha.. naalala ko nung bago ko ihabilin si Ad kay martin.. kinausap ko pa siya..
" which is more important? My life or yours?" tanong niya sakin.. sinusulit ko na ang araw na yun dahil kinabukasan, iiwan ko na siya.. nasakit na rin ang ulo ko noon.. pero tinitiis ko. huli na to ehh.. di ko parin alam kung magsusurvive ba ko sa mga operations na to..
" mine..." i said... tapos tumingin siya sa malayo... i smiled..
" you don't know?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin na parang nagtataka,,