Lea's POV
Naiinis ako sa sarili ko ngayon hindi ko alam kung bakit sa matagal na panahon hindi ko naiparamdam sa anak ko kung gaano ko sya kamahal. Pero sa tuwing nakikita ko sya may halong galit at pagsisisi din akong nararamdaman sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito.
Flashback
"Ariel please wag mo akong iwan buhayin natin ang anak natin ng magkasama please" nagmamakaawang sabi ni Carmen kay Ariel.
"No! Hinding hindi ko pananagutan yang batang yan, kung gusto mo ipalaglag mo sya. Basta hindi pa ako handa maging ama." Galit na sabi nito kay Carmen.
"Please naman Ariel. Hindi ba mahal mo ako bakit naman ganto."
"Kapag hindi mo pinalaglag yang batang yang iiwan talaga kita Tapos!" Sigaw ni Ariel kay Carmen.
Iniwang luhaan ni Ariel si Carmen, hindi alam ni Carmen ang kanyang gagawin. Litong lito na sya. Tumungo si Carmen sa bahay ng kanyang ina at sinabing sya ay nag dadalang tao at gusto ni Ariel na ipalaglag ang bata. Pinigilan ng Ina ni Carmen ang gusto nitong gawin sa bata. Hindi pumayag ang ina ni Carmen na ipalaglag ito sapagkat itoy isang kasalanan.
"Ma please hindi ko kayang mawala sa akin si Ariel" Carmen.
"Hindi mo kayang mawala si Ariel at mas gusto mo pang ipalaglag ang bata na yan ipagapapalit mo ang buhay ng batang yan sa pagmamahal mo sa lalaking duwag na yon. Ganyan ba kita pinalaki Carmen? Maawa ka sa bata, maraming babaeng gustong magka anak tapos ikaw papatayin mo lang yang sarili mong anak" galit na saad ng ina ni carmen.
End of flashback
Ariella's POV
Sobrang excited ako ngayong araw kasi isasama ako ni mommy sa taping nya ng TVKPH. Nararamdaman kong ito na talaga ang simula ng maganda naming buhay sana nandito din si daddy para mas masaya.
Nandito ako ngayon sa sala hinihintay ko si mommy after 5mins bumaba na din si mommy.
"Ariella halikana" mommy
"Sige po mommy tara na, ilolock ko lang po yung door"
"Sige sumunod kana sa akin start ko lang yung makina ng sasakyan"
"Sige po"
Mga 30mins din ang binyahe namin ni mommy papuntang studio. Ang dami naming nakakasalubong na artist.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Daughter
FanfictionIn this story there's a lot of pain, regret's and hatred, which is make you cry. I hope you will like/love this story! Thank you.