Ariella's POV
After kong magimpake dumapa muna ako sa kama ko dahil medyo sumakit ang likod ko. Narinig ko namang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Shhh wag kang maingay Aga nagpapahinga si Ariella"
"Sungit naman neto" sabi ni daddy kay mommy.
Naramdaman kong lumubog ng bahagya ang kama ko. Hinaplos haplos ni mommy ang buhok ko.
"Baby wake up!"
"Uhmm Hi Mom and Dad!" Niyakap ko sila parehas.
"Uwi na tayo sa bahay natin nak" sabi ni mommy.
"Sige po mommy halika na po" bumaba na kami at nakita namin si abu.
"Abu babalik na po ako kala mommy, thank you for everything. Mamimiss po kita." Niyakap ko si abu.
"No problem Apo, basta kapag kailangan mo ng tulong ko tawagan mo lang ako. Mag iingat kayo"
"Thank you sa pag aalaga mo kay Ariella Ma."
"Osha sige umalis na kayo at baka gabihin kayo sa daan. Ingat" nagyakapan si mommy at abu.
Sumakay na kaming tatlo sa sasakyan. Medyo mahaba haba din ang byahe. Naglwentuhan kami nila mom and dad. Masaya ako kasi buo na kami at eto na ang simula.
Gabi na ng makarating kami sa bahay.
"Mom, Dad akyat po muna ako. Aayusin ko lang ang mga gamit ko."
"Sige anak, magreready lang kami ng foods for Dinner, tatawagin ka nalang namin kung ready na ang foods.."
Umakyat na ako at nagsimulang ayusin ang mga gamit ko.
Lea's POV
"I will help you babes" sabi ni Aga.
"Ano ba Aga baka mamaya marinig ka ng anak ko"
"Why? Wala namang masama kung tawagin kitang babes. Isa pa tatay ako ng anak mo"
"Ewan ko sayo! Maghiwa ka nalang jan."
Karekare ang niluluto namin ni Aga. Kaya medjo matagal tagal din kaming nagprepare.
"Babes pwede bang dito ulit ako matulog? Heheheheh" tanong ni Aga.
"Sure Dad pwedeng pwede kang matulog dito" singit ni Ariella at mukhang tuwang tuwa habang bumababa ng hagdan.
"Are you sure nak?" Tanong ni Aga kay Ariella.
Haynako hindi man lang ako kinunsulta kung pumayag naba ako.
"Mom are you ok?" Tanong sa akin ni Ariella.
"Yes nak ok na ok si mommy" sabay ngiti ko kay Ariella at pasimpleng inirapan si Aga.
"Nak parang ayaw naman ata ng mommy mo na dito ako matulog eh."
Bwisit talaga tong si Mulach.
"Mom ayaw mo po bang dito matulog si Dad?" Tanong ni Ariella. Sinamaan ko ng tingin si Aga
"No anak ayos lang" nag fake smile nalang ako.
Nagkwentuhan muna kami habang hinihintay naming maluto yung pagkain.
After 45mins naluto na din yung foods namin.
"Let's it na" yaya ko sa kanila. Umupo na si Ariella sa left side ko at sa right side ko naman si Aga umupo.
"Nak lead the prayer"
"Sure Mom"
"Lord, We have gathered to share a meal in Your honor. Thank You for putting us together as family, and thank You for this food. Bless it to our bodies, Lord. We thank you for all of the gifts you’ve given to those around this table. Help each member of our family use these gifts to your glory. Guide our mealtime conversations and steer our hearts to Your purpose for our lives. In Jesus’ Name, Amen."
"Amen!" Sabay naming binigkas ni Aga.
Napuno ng kasiyahan at kwentuhan ang gabing ito. Masaya kami dahil kasama na namin si Ariella. Ganon din si Ariella. Nakikita ko sa mga mata nya na masaya sya kasi buo na kami. Alam kong ito yung pinapangarap nya dati pa.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Daughter
FanfictionIn this story there's a lot of pain, regret's and hatred, which is make you cry. I hope you will like/love this story! Thank you.