Chapter 12

1.8K 31 0
                                    

Lea's POV

Hinintay ko lang makapasok si Ariella ng bahay bago din ako pumasok. Pagpasok ko agad kong hinanap si Ariella.

"Ariella!" Sigaw ko
Agad naman lumabas si Ariella sa kwarto neto.

"Hindi ba't sinabi kong hindi kana pwedeng magtrabaho! Bakit ang tigas tigas ng ulo mo! Palagi mo nalang pinapasakit ang ulo ko. Napaka simpleng utos lang hindi mo pa magawa hah!"

Lumapit sa akin si Ariella, pero sa sobrang inis ko dito nasampal ko sya ng malakas at dahil sa pagkakalakas ng sampal ko natumba eto sa sahig at nadali ang base. Nakita kong may dugo si Ariella sa kamay at labi. Natauhan ako ng makita ko ang dugo. Ang daming dugo sa kamay ni Ariella. Iyak lang sya ng iyak at humihingi ng sorry.

"Im sorry mommy, im sorry for being your daughter. Sorry kasi pinanganak mo pa ako at ako yung naging dahilan kung bakit kayo naghiwalay ng daddy ko. Sorry kasi hindi ako perfect daughter na kayang sundin yung gusto mo. Sorry kasi lagi kong pinapapasakit ang ulo mo. Pero mommy alam mo ba kahit sinasaktan mo ako, kahit wala kang pake alam sa akin, kahit hindi ko nararamdaman yung pagmamahal mo sa akin i still love you parin po, kasi i believe that you will learn to love me someday. Sana po wag mong sayangin yung oras na nandito pa ako, baka po pagsisihan nyo sa huli." Sabi ni Ariella habang umiiyak , at tumayo na ito't nagtungo sa kwarto nito.

Pagtayo ni Ariella nakita kong madaming dugo sa sahig nahiwa sya dahil sa base na nadali nya. Sinundan ko sya sa kwarto nya pero bigo akong makapasok nilock nya na ang pinto.

Ariella's POV

Sobrang sakit ng nangyayari sa akin. Hindi ko na alam yung gagawin ko nakakasawa na yung ganitong set up namin ni mommy. Sumabay pa tong sugat ko na ginagamot ko. Medyo malaki yung hiwa ko pero mas masakit yung ginawa sa akin ni mommy. Mas masakit na malaman na sakit lang pala ako sa ulo nya how pathetic. Biglang may kumatok sa pinto.

"Ariella open the door" ayokong buksan yung pinto natatakot ako na kapag binuksan ko ang pinto sasaktan lang ulit ko ni mommy. Kaya hindi na ako nagabalang buksan ang pinto. Ginamot ko nalang ang sugat ko.

"Please Ariella talk to mommy I'm sorry sa ginawa ko hindi ko sinasadya" pinipilit ako ni mommy. Pero hindi ko pa din binubuksan mas pipiliin ko nalang muna na mapag isa.

Pagod na pagod na ako sa buhay ko, may mommy nga ako pero parang wala naman. Tapos wala pa akong daddy. Sana di nalang ako nabuhay or sana di nalang ako binuhay ni mommy kung ganito lang din naman.

Naramdaman kong wala na si mommy kaya tumayo ako at nagpunta sa drawer ko kinuha ko ang diary ko at nagsulat.

Dear Diary,

Alam mo bang pagod na pagod na ako sa buhay ko. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko hindi lang emotionally pati physically na. Gusto ko ng sumuko kay mommy pero mahal ko sya at ayokong mawala yung pagmamahal ko sa kanya. Pero habang tumatagal parang si mommy din yung may gustong hindi ko na sya mahalin. Sinasaktan nya ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sana sa ibang pamilya nalng ako napunta.

The Unwanted DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon