Ariella's POV
Masasabi kong buo na ang pamilyang inaasam ko. Pangit man ang naging simula ng storya na buhay ko, naayos naman ang lahat ng problema.
Si Daddy tinutupad nya ang lahat ng mga pangako nya sa amin ni mommy, bumabawi sya sa mga pagkukulang nya dati. Napakaswerte ko kasi sya yung daddy ko. Iniwan man nya kami ang mahalaga ay binalikan nya kami at pinupunan nya ang mga araw na wala sya dati sa tabi namin. Nakakataba ng puso kasi kahit madaming problema ang dumating sa amin. Buo pa din kami at patuloy na lumalaban.
Napakaoverprotective ni daddy at mommy sa akin. Halos sila na yung naghahatid sundo sa akin. Hindi na ako pinagcocommute ni mommy dahil delikado daw.
Masasabi ko na si mommy ang pinaka the best sa lahat ng nanay. Kahit hindi naging maganda yung simula nagbago naman ang lahat nung dumating si daddy.
Lagi na akong inaasikaso ni mommy. Pinakilala nya na din ako sa mga kaibigan nya. Palagi din akong pinagluluto ni mommy ng mga paborito kong pagkain.
Sa loob ng isang taon maraming nagbago sa takbo ng buhay namin nila mommy at daddy, naikasal na din sila last month lang and noe 5 months pregnant na si mommy, and take note it's a twins. I can't wait to see them.
Mas lalo kong minahal si mommy at daddy. Naniniwala akong kapag mahal mo talaga ang isang tao gagawa ka talaga ng paraan para makabalik sayo ito. Kahit gaano pa kasakit ang nangyari, kung kayo talaga para sa isa't isa kayo talaga.
Idol na idol ko si daddy, and si mommy she's the strongest person na nakilala ko.
Sa buhay kong ito ang dami kong naranasang masasakit na bagay at natutunan, kahit there are times na gustong gusto ko ng sumuko, pero lumaban ako kasi naniniwala ako na kayang magbago ng isang tao at tama nga ako nagbago ang lahat, naging maayos ang buhay ko. Nagkaroon ako ng isang masayang pamilya. Pamilyang kahit kailan ay hinding hindi ko ipagpapalit. Naging strong person ako kasi ginawa kong inspirasyon yung mga masasakit na nangyari sa akin.
Lord thank you kasi kahit pa gaano kamiserable ang buhay ko noon pinalitan mo naman ito ng isang masayang pamilya. Thank you for this wonderful gift!
Having them in my Life is the best thing that happened to me.The End.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Daughter
FanfictionIn this story there's a lot of pain, regret's and hatred, which is make you cry. I hope you will like/love this story! Thank you.