Hindi ko na nagawa pang pigilang si Ariella, nakakalungkot kasi hindi pa ako nakakabawi sa mga ginawa ko sa kanya, iniwan nya naman ako. Pagkatapos naming mag usap ni Ariella. Hindi muna ako bumaba. Wala din naman akong madadatnan sa baba. Kaya dito nalang muna ako sa kwarto. Biglang umilaw ang phone ko, kaya kinuha ko agad ito.
"Good morning Ags!"
"Good Morning Babes!"
"Agang aga landi mo ha Muhlach!"
"Hhahaha by the way lets have lunch sama mo si Ariella gusto ko syang makilala pa ng lubusan"
"Ahhhm Ags about kay Ariella, I have something to tell you."
"What was that Babes, kinakabahan ako"
"Ano ba Muhlach stop calling me Babes, LEA IS MY NAME!!!!!"
" HAHAHAHA chill ka lang jan Salonga!"
"Bwisit ka talaga kahit kailan!"
"So ano yung sasabihin mo pala sa akin about kay Ariella?"
"Kasi Ags sinama na sya ni Mama sa America"
"What bakit ka pumayag? Lea naman ikaw ang ina pero pumayag kang isama ng mama mo si Ariella sa America. Ang layo layo non.!"
"Im sorry Ags, Tulog ako ng umalis sila ng bahay. Hindi sila nag paalam sa akin. Tinawagan ko si Ariella kanina pero hindi sya nagpapigil. Im sorry"
"Susundan natin sila sa America, kukunin natin si Ariella"
Pagkatapos naming mag usap ni Aga bumaba na ako at nag ayos.
Ariella's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay ni abu kung saan pinapanood ko ang paglunog ng araw. Napakagandang pagmasdan ng paglubog ng araw. Nakakawala ng pagod.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nabobored na ako dito sa batangas, wala akong ibang makausap bukod kay abu. Pero sabi naman ni abu may apo daw na babae ang katiwala ng bahay nya. Pabalik na daw ito dito sa Batangas.
Naalala ko bigla si mommy, kamusta na kaya sya? Nagkaayos na kaya sila ni daddy?
Aga's POV
Hindi ako makapaniwalang sinama ng mama ni Lea si Ariella sa America, hindi man lang kami nakabawi kay Ariella. Ang dami naming pagkukulang kay Ariella.
Gumagawa na ako ng paraan para mahanap sila kung nasaan man sila sa America. Babawiin namin si Ariella at mamumuhay kami ng masaya.
Kakatapos ko lang kausapin yung hinire kong imbestigador. Binigay ko ang paunang bayad at mga picture ni Ariella. Sana mahanap na namin sila.